Jasper Jet's Point Of View
Nakatulog na ang iba habang ako naman ay gising pa. Tumayo ako at pinatay ang TV pagkatapos ay bumalik na ako sa pwesto ko kanina dahil antok na din naman ako pero bago ako matulog ay nilagyan ko muna sila ng mga kumot at saka natulog.
Nagising naman ako ng may maramdaman akong mabigat sa tiyan ko. Tiningnan ko iyon at paa pala iyon ni Fox. Dahan dahan ko 'yon inalis at tumayo.
Tiningnan ko naman ang oras at 6:00 am palang. Umakyat muna ako sa kwarto ko at naligo. Bumaba naman ako kaagad pagkatapos kong magbihis. Magluluto ako ng breakfast.
"Hmm... The usual breakfast nalang siguro." Sabi naman ng sarili ko. Kaya naman nagsimula na akong magluto. Kumuha ako ng eggs, bacon at hotdogs sa ref. Pero bago ko iyon iluto ay nagsaing muna ako sa malaking kaldero dahil madami kami. Gagawin ko iyong fried rice kaya naman ay yun muna ang inuna ko pagkatapos ay kumuha ako ng frying pan at niluto na ang eggs, bacon at hotdogs.
Pagkatapos kong lutuin iyon ay kumuha ako ng malaking pinggan at dun nilagay ang eggs, hotdog at bacon. Madami nasi iyong niluto ko kaya naman ay malaking pinggan na ang nilagyan ko. Narinig naman akong naglalakad papunta dito kaya inangat ko ang tingin ko at si Mica pala.
"Good morning!" I greeted her and smiled. Mukhang nagulat naman ito dahil napatalon ito at nanlalaki ang matang lumingon sa akin. Ngumiti naman siya at binatian din ako ng goodmorning.
"Ang sipag mo, a?" Rinig kong sabi ni Mica habang nagaayos ako ng mga pinggan.
"May maitutulong ba ako?" Tanong nito. Ngumiti naman ako at inangat ang tingin sa kaniya.
"Pwedeng pakitingin ng rice? Kanina pa kasi yan baka luto na. Gagawin ko yang fried rice." Tumango naman siya at lumapit dun. Tumalikod naman ako at pumunta sa sink. Nilagay ko dun ang pan at may kinuhang kaldero ulit para sa fried rice. Alam kong malinis iyon pero nilinisan ko ulit. For safety lang.
"Luto na ito." Dinig kong sabi niya. Kaya sinimulan ko na iyong ifried dahil madami iyon ay paunti unti lang.
"Gisingin mo na muna ang iba at paayusin." sabi ko naman habang nagluluto. Narinig ko naman siyang naglakad palabas ng kusina. Kaya binilisan ko na ang pagluto at hinanda iyon sa gitna ng lamesa.
Pagkatapos ko iyon ayusin ay naghugas na ako ng mga ginamit kong panluto. Saktong natapos na ako ay narinig ko naman ang ingay kaya alam kong papunta na sila dito. Umupo ako sa dulo at hinintay sila.
"Good morning, Everyone!" Bati ko sa kanila ng makapasok sila dito sa kusina.
"Good morning, JJ!"
"Good morning, Chef!"
"Good morning, Jasper!"
"Good morning, Master!"
"Mooorrnniinngg!"
Iba iba nilang bati kaya natawa ako.
"Upo na." Nagsiupuan naman sila at nagsimulang kumain. Nagsimula na din akong kumain, tahimik lang kaming kumain hanggang sa matapos ay tunog lang ng kutsara ang maririnig.
"Hugasan niyo na ang pinggan." Sabi ko sa kanila kaya naman ay nagsitayuan sila at mabilis na tumakbo palabas.
"Saan kayo pupunta? Ako na ang nagluto ako pa maghuhugas ng pinggan?" Napatigil naman sila at nag bato bato pick. Natalo naman sila Dream at Parton kaya silang dalawa ang naghugas ng pinggan.
Lumabas na kami at umupo lang sa sofa wala kaming pasok ngayon dahil may gagawin daw ang teachers for 3 days.
"Who's phone is this?" Dinig kong tanong ni Ember kaya naman ay nilingon namin siya. May hawak itong phone at parang may tumatawag naman sa phone.
"Ah! That's mine!" Sabay lapit ko sa kaniya at kinuha ang cellphone. Sinagot ko ang tumawag at lumabas muna.
"Hello?"
"Jasper! How are you?"
"Oh Tito, I'm fine naman po ikaw?"
"I'm fine, and btw tinawagan ang pala kita dahil kaylangan niyo bumalik dito."
"Bakit naman po? May problema ba?"
"Wala naman, iho. Kaylangan ko lang talaga kayo dito dahil gagawin ko kayong trainors."
"But we're still a students, tito."
"I know. Magiging istudyante padin naman kayo but you'll train other students na hindi bihasa sa pakikipag laban."
"Hmm.. I'll think about that. I'll tell the others too."
"Sure! Take your time and take care!"
Binaba ko na ang tawag at pumasok ulit sa bahay. Nadatnan ko naman silang nagaasaran.
"Guys." Tawag pansin ko sa kanila at nilingon naman nila ako.
"Tito said he wants us to comeback in the Academy." Sabi ko naman sa kanila at napatagimik naman sila.
"Sure." Sagot naman ni Lorelei. Napalingon naman kami sa kaniya may ngisi ito sa labi at nakaupo lang ito sa sahig.
"She said sure. Edi bumalik na tayo dun." Sabi naman ni Mica. Nagsangayunan din ang iba.
"Then pack your thins! Aalis tayo mamaya." Sabi ko naman sa kanila na ikinibigla nila.
"Ngayon na?!shit my blades! Bawal sila maiwan." Sabi ni Parton at umakyat.
"Hindi ka naman siguro excited no?" Tanong ni Mica sa akin at inilingan ko lang ito bilang sagot. Umakyat naman kami sa mga kwarto namin at nagayos na. Mabilis naman akong natapos dahil kaunti lang ang dinala ko dahil pwede namang bumili dun ng mga bagong damit.
*
"Nalagay niyo na ba lahat?" Tanong ko sa kanila at umoo naman sila. Pagkatapos namin mag ayos kanina ay pinabantayan muna namin ang bahay sa isang kapit bahay at nagpasalamat naman kami dahil pumayag naman sila.
Hindi na kami nag abala pang pumunta sa school para mag paalam instead tinawagan namin ang principal at sinabing hindi muna kami papasok. Hindi naman siya nagreklamo dahil kami din ang may ari ng school.
Pumasok na kami sa Bus at si Parton naman ang driver. Pumunta kami sa isang gubat malayo sa mga tao dahil hindi naman namin pwedeng buksan ang portal pag may taong nakatingin sa amin. Yes, a Portal.
Binuksan ko na ang portal at pinasok naman ni Parton ang kotse dun. Nasilaw kami sa liwanag pero nawala din naman agad. Pagmulat namin ay bumungad samin ang napakalaking School. The Topsmost Academy, nakalagay iyon sa taas ng gate isang malaking gate kaya naman ay bumaba kami.
Welcome to us in Magical World. After 2 years ay nakabalik din kami.Kinuha na namin ang mga gamit namin at pumasok sa Academy. Napaka ganda talaga dito, pagkapasok namin ay may fountain na sobrang ganda ang bumungad sa amin, mga bulaklak na makukulay at meron ding mga puno, mahangin. Maniniwala ka nga talagang nasa Magical World ka kapag nakapasok dito dahil sa sobrang ganda ng paligid.
Pumunta na kami sa Office ni Tito siya ang HM dito. Hindi ko siya kamag anak gusto niya lang na may tumatawag na Tito sa kaniya. Buti naman at hindi namin nakalimutan ang daan papunta sa Office ni HM.
Hindi naman kaming nag abalang kumatok pa at pumasok nalang ng walang pasabi. Natawa naman kami dahil nahulog si Tito sa upuan nito sa gulat.
"Mga batang to hindi talaga kayo nagbago!" Naiinis nitong wika. Pero tinawanan lang namin ito. Napapailing naman ito pero nginitian din naman kami.
"Welcome back, Elite Class." Sabi nito sa amin na may ngiti sa labi.
"Welcome back to us!" Sabay sabay naman naming sabi at nagsi upuan na sa harap ni HM.
————
シ︎
BINABASA MO ANG
Protecting the Princess of Don'yoku Kingdom (EDITING ON HOLD)
FantasyProtecting The Princess Of Don'yoku Kingdom Fantasy but a gxg story. Please vote it's highly appreciated.