Fluer Cora Hutton's POV
"Ang tagal naman ng gagong yun!" Inis na sabi ko 30 mins na siguro kaming naghihintay dito hindi padin bumababa.
"Hayaan mo na kasi." Sabi ni Mica. Inirapan ko nalang ito. Andito padin kami sa sala naglalaro ng spin the bottle at kumakain. Ngumisi ako ng may maisip nanaman akong maganda. Kaming girls nalang ang nandidito umalis na ang mga lalaki dahil babalik daw sila sa Gym para tingnan yung students.
"Guys, guys. What if silipin natin sila?" Tanong ko sa mga ito.
"Oh tapos?" Sagot ni Avi.
"Basta! Tara na!" Pinatayo ko na sila at sabay kaming umakyat. Bumungad samin ang isang pinto. As in pagka akyat namin ay pinto agad ang bumungad sa amin.
Lumapit ako dito at dahan dahang binuksan. Sinilip ko ang loob pero book shelves lang nakikita ko at meron ding mga nakatuping damit sa isang upuan. Binuksan ko na ng tuluyan ang pinto at pumasok.
"Hoy Fluer! Akala ko ba silip lang?!" Dinig ko pang sabi ni Brea pero hindi ko sila pinansin at nilibot lang ang paningin sa buong kwarto. Napatingin ako ngayon kay Lori na nakaupo sa gilid ng kama habang nakahiga si Ashlyn. Looks like Ashlyn is sleeping.
Nakangiting tinitigan ng gago si Ashlyn."In love ka na nga talagang, Loko ka." Sabi ko dito at nilapitan. Nilingon niya ako pero saglit lang iyon at binalik ulit ang tingin kay Ashlyn.
"Kung makapagsalita ka parang walang nagugustuhan ah?" Asar nitong sabi sa akin. Inirapan ko ito kahit hindi niya nakikita.
"Asan na yung PT? Positive ba? Buntis siya? Pwedeng ninang ako?" sunod sunod kong tanong dito pero binigay niya lang sakin ang paper bag.
"Alis na kayo. Matutulog ako." Sabi nito at humikab pa. Tinalikuran ko na ito at lumabas nakita ko namang nagaaabang lang sila doon sa hagdan. Nilagpasan ko sila at patuloy na naglakad hawak hawak ang paper bag na may lamang pregnancy test.
Naramdaman ko namang sumunod sila sa akin kaya lakad lang akk o ng lalakad habag binubuksan ng yung paper bag at nakita ang dalawang PT dun. Kinuha ko ang isa at tiningnan iyon napatigil naman ako ng makita kung ano iyon.
"Ayos ka lang? Bakit ka tumigil?" Dinig kong tanong sakin ni Farrah. Tiningnan ko sila at nakalapit na pala ito sa akin hindi ko man lang napansin. Pinakita ko sa kanila ang nakita ko at sumigaw.
"Ninang na akooo!" Sigaw ko at tumalon talon pa. Paki alam niyo ba masaya ako eh. Nakaramdam naman ako ng masakit sa likod ng ulo ko at ng tiningnan ko iyon ay si Mica pala.
"Bat mo ko binatukan?!" Inis kong tanong dito.
"Wala naman." Sabi nito at naunang naglakad. Napahawak ako sa batok ko at sinundan ito. Babatukan ko din sana ito ng yumuko ito kaya lumagpas ang kamay ko. Inangat niya ulit ang tingin sakin at binilatan ako at bigla itong tumakbo kaya hinabol ko ito.
"Tangina ka! Halika dito babawi ako!" Inis kong sigaw habang hinahabol ito.
"Hindi ako tanga!" Sigaw nito sa akin habang tumatakbo. Fuck andaming students. Nahihirapan akong habulin si Mica dahil sa dami ng students kaya ang ginawa ko ay inangat ko ang kamay ko at pinasabog iyon. Nagsigawan naman ang iba at napatigil.
"Tabi! Tabi!" Sigaw ko habang tumatakbo nagsitabihan naman sila agad kaya nakita ko si Mica'ng tumatawa habang tumatakbo. Nakita kong lumiko ito papunta iyong Gym kaya mas binilisan ko pa ang takbo ko.
"Tangina mo Mica!" Sigaw ko dito ng makitang tumigil ito sa harap ng Gym akala niya siguro ay mabagal ako tumakbo at nagkakamali siya. Pero binilatan lang ako nito at pumasok sa loob.
"Aba't!" Pumasok din ako sa loob at nakitang papunta siya sa harap ng mga students na tumatalon ngayon. Pataas din ng pataas ang mga talon nito. Lumapit ako kay Mica at binatukan ito ng malakas.
"Nakabawi din." Ngiti kong sabi.
"Aray! Hindi naman malakas yung batok ko bat sayo ang lakas?!" Inis niyang sambit at nakahawak pa sa batok nito. Pero binilatan ko lang ito. Di ko na siya pinansin at tiningnan ang students. Malapit na nilang matapos ang 300 jumps pero may oras pa ang mga ito.
Nakita ko namang para kaming pinapapunta ni Jasper sa kaniya. Lumapit naman kami at may binulong ito sa amin.
"Pagkatapos ng pagkatapos nila ay agad niyo silang atakihin but don't hurt them just parang imiss niyo yung mga atake niyo." sabi nito sa amin na ikinangiti ko ayos na sakin iyon kahit wala akong pwedeng tamaan. Pumwesto kami ng paikot sa kanila kunwari ay nanonood.
"297..298..299..300!" Sabay na bilang nila at agad kong pinasabugan ang gilid nila.
"Dodge us students!" Sigaw namin at inatake na sila pero katulad ng sinabi ni Jasper hindi namin sila tatamaan kung hindi ay madami na siguro akong napatulog. Dinig ko ang mga sigawan nila ang iba pa ay tumatakbo kung saan saan. Mukhang hindi sila nakakahalata na sinasadya naming hindi sila tamaan.
Ako lang yata ang gumagamit ng kapangyarihan puro sila combat kaya sinalihan ko din ng combat ang mga atake ko. May ibang pilit lumalabas sa Gym pero kinokontrol iyon ni Timothy dahil metal iyon. Nakita ko namang nag anyong Lion si Calla at hinabol ang mga students. Natawa ako dahil mukhang nakalimutan nilang pagod sila at takbo lang ng takbo.
Nagsimula ng gumamit ng mga kapangyarihan ang kasamahan ko, lumaki naman si Charmaine ng tatlong beses sa laki ng students at pinagsusuntok ang mga students na tumatakbo lang para makaiwas, Si Mica naman ay palipat lipat ng lugar at Inaataki ang students sa likod nila, Si jasper naman ay malakas na sinusuntok ang students na tumatama sa lupa ang suntok nito dahil hindi niya pinapatama iyon, Si parton naman ay pinagbabato niya ng mga dagger ang students marunong silang umiwas kahit hindi naman sila pinapatamaan.
Kami lang ang gumagit ng mga kapangyarihan ang iba ay combat na. Sigurado akong dinig na dinig sa labas ang mga sigawan at mga pagsabog dito sa loob ng Gym. Tumalon ako ng pagkataas taas at pinaulanan ng mga pagsabog pero hindi ko sila tinatamaan kundi ang gilid lang nito. Pag gantong atake ay iba iyon sa mga atake ko parang may lavang lumalabas sa palad ko at pagnaka dikit na ito sa lupa ay sasabog iyon.
Bumaba na ako at hinabol ang mga students pero agad ding napatigil ng marinig namin ang ingay sa may pinto ng Gym lahat kami napatigil at tiningnan ang pinto ng Gym. Pumasok doon ang mga teachers at pati si HM.
"Anong nangyayari dito?!" Sigaw ni HM kaya naman ay nilapitan namin ito.
"Training." Maikli kong sagot dito.
"Training?! Training ang sigawan na iyon at pagsabog?!" Inis na sambit ng isa sa teachers.
"Relax. Yes it's a training. Hinabol namin sila at inataki pero hindi namin iyon pinapatama sa kanila." pagpapaliwanag ni Jasper. Napabuntong hininga naman sila.
"Akala namin ay may nangyari ng masama dito sa inyo." Sabi ng isang lalaking guro din.
Linapitan ko naman ang kambal at binulungan."Puntahan niyo ang students, tanungin niyo kung sino ang may daplis at gamutin niyo." Bulong ko dito tumango naman sila at umalis na para puntahan ang mga studyanteng nakaupo at iba ay nakahiga siguro dahil sa pagod.
"Baka nakakalimutan niyong malalakas kami?" Mayabang na sabi ko kaya natawa sila.
"Oh siya sige. Pagkatapos niyo ay magpahinga na kayo." Sabi ni HM at umalis na sila. Lumapit naman kami sa mga students at sinabihang tumayo na.
"And lalabas tayo ng Topmost Academy. Sa bundok tayo magttrain pero hindi pa ngalang ngayon." sabi ni Mica mukhang excited naman sila at sabay sabay na sumigaw ng Yes Ma'am.
"The ten of you." sabi ni Mica at tinuro yung sampung tinuturuan ni Lori.
"Sasama kayo sa amin dahil hindi muna makakasama si Lori sa pagtuturo dahil may iba pa itong aasikasuhin." Sabi nito. Oh right binabantayan niya si Ashlyn dahil buntis iyon.
Nakangiti naman akong tumalikod sa kanila at lumabas ng Gym. Uuwi na ako at magpapahinga dahil gusto ko lang pakialam niyo ba?!
BINABASA MO ANG
Protecting the Princess of Don'yoku Kingdom (EDITING ON HOLD)
FantasyProtecting The Princess Of Don'yoku Kingdom Fantasy but a gxg story. Please vote it's highly appreciated.