Chapter 6

910 47 1
                                    

Lorelei Lennox's Point Of View

Nandito ako ngayon sa Don'yoku Kingdom. Nakatago sa isang malaking puno.

Kaunti lang ang guwardiya kaya madali lang ito para sa akin. Kumuha ako ng isang maliit na sanga at hinintay na makalapit ng kaunti ang isang guwardiya na nakabantay ngayon sa labas at nagiisa lang ito.

Nawala ang kasamahan nito at naglibot sa iba pang lugar.

Nang makalapit ng kaunti sakin ang guwardiya ay pinutol ko ang sanga na hawak ko at lumikha iyon ng tunog.

Dahan dahan akong umakyat sa punong wala ng dahon pero dahil sa dilim ay hindi nila ako makita lalo na't itim ang suot ko.

Napalingon naman ang gwardiya sa pwesto ko at lumapit. Nang makarating ito ay tiningnan niya ang likod ng puno.

Palingon lingon pa ito at aalis na sana pero bago siya makaalis ay tinalunan ko ito at nilagyan ng tela ang bibig. Nakalimutan kong sabihin sa inyo pero may dinala akong bag at may laman itong gagamitin ko ngayon.

"Hush now." Pumipiglas ito pero hindi ko siya hinayaang makaalis. Kumuha ako ng kutsilyo sa likod ko at sinaksak iyon sa leeg niya ng tatlong beses.

His blood spilled on my clothes, but I didn't bother.

Agad ko itong hinila palayo doon at nilagay sa isang malaking puno malayo layo ng kaunti sa pwesto ko kanina.

Tinago ko siya doon at tumakbo papunta sa pader na nakapalibot sa kaharian. Inakyat ko iyon ng dahan dahan dahil baka makalikha ako ng tunog at mabuking pa.

Pagkababa ko ay bumungad sa akin ang isang tahimik na village.

Patay ang ilaw ng mga bahay pero merong ilaw sa daan kaya naman ay sa likod ako ng mga bahay dumaan.

Nasa dulo na ako ng isang bahay lalabas na sana ako ng makita kong may papuntang guwardiya sa pwesto ko kaya napatago ako sa likod ng bahay.

Hinintay ko itong makapunta sa pwesto ko. When he entered my reach, I immediately covered his mouth and pulled him in the dark, silently twisting his head. Ipinasok ko nalang ang katawan niya sa loob ng basurahan at umalis na.

Chineck ko muna kung saan ang palasyo nila at nakita kong nasa gitna ito. Mabuti at madaming bahay ang nakapalibot dito kaya naman ay pwede ko itong mapasok. Tumakbo ako ng nakayuko papunta sa kabilang bahay.

"Shit." Napamura ako nang makita ang dalawang guwardiya na papalapit sa akin. I crawled up to the wall, like a lizard, not dare making a sound

Ayos na 'to, wag lang akong mahuli. Lumiko sila sa harap ko kaya tinalunan ko ito at mabilis na kinitilan ng buhay. Agad ko namang tinago ang mga katawan nito. And cleaning their blood spills using magic.

Palapit na ako ng palapit sa palasyo nito. Mabuti nalang at wala pang nakakahuli sa akin.

May nakapalibot na wall din dito kasing taas ng inakyat ko kanina bago pa ako makapasok dito. Nang tumalikod ang guwardiya ay mabilis akong tumakbo at tinalon iyon. Mabuti nalang at mabilis ako, hindi niya ako napansin.

Napatago ako kaagad sa likod ng kahon na hindi ko malaman ang laman at ito ang katabi ng nilandingan ko na pwede ko pagtaguan dahil may nakita akong limang guwardiya na paparating.

Pero agad din na umalis kaya naman ay tiningnan ko muna kung may bukas ba na bintana. At swinerte nga ako dahil meron nga. Agad akong tumakbo doon at pumasok.

"A library?" Patanong kong sambit. Madaming shelves ang andito at puno iyon ng libro. Swinerte naman ako dahil walang tao dun. Kailangan ko makapunta sa taas.

Binuksan ko ng dahan dahan ang pinto palabas ng library. Mabuti naman at walang tao ang nandito kaya lumabas ako at pumunta sa taas.

Mukhang walang bumabantay sa loob dahil wala akong makita o maramdaman man lang na naglilibot dito. Pero ingat padin ang mga galaw ko because I just can't let my guard down, just because no one is on guard here.

Inisa-isa kong binuksan ang pinto dahil hindi ko alam kung saan makikita ang hinahanap ko.

Umakyat pa ako ng umakyat hanggang sa nakarating nalang ako sa dulo at nakitang tatlo lang ang kwarto dito. Agad akong lumapit sa unang pinto at dahan dahang binuksan iyon. Walang tao at hindi dito ang hinahanap ko ganun din ang ginawa ko sa pangalawa pero wala. Huling pinto.

Nilapitan ko ito at binuksan ng dahan dahan. Madilim ang paligid pero may kaunting ilaw na nanggagaling sa bintana. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko nga ang hinahanap ko. Ang anak ng hari ng Don'yoku Kingdom.

Tinanggal ko ang maskara at hoodie ko at umupo sa tabi nito. Natutulog ito ng mahimbing, napaka ganda at mukha din itong inosente. Hinawakan ko ang pisngi nito at hinimas himas. Napaungol naman ito at gumalaw ng kaunti kaya nilayo ko ang kamay ko.

Nilapit ko naman ang labi ko sa tenga nito.

"Wake up, Princess." Bulong ko dito. Naramdaman ko namang gumalaw ito kaya tiningnan ko lang ito at dahan dahan naman niyang minulat ang mata niya at napatingin sa akin ako sa kaniya na ikinagulat nito.

I backed away fast, and smiled at her.

"S-sino ka?!" Napaupo ito sa gula Ngayon ko lang napansin ang suot niya, I glanced away for a bit and gulped, her sleepwear is quite exposing her bare skin.

Makikita mo ang takot sa mukha nito. Napatawa naman ako ng mahina, I walked towards her with gentleness.

"It's okay. I'm not gonna hurt you.” I said softly, “Huwag kang matakot sa'kin." But she backed away immediately when I was close to her.

I bit my lips seeing how scared she was. Nang wala na siyang maatrasan ay agad ko na siyang nilapitan.

She gasped, while I slowly moved my mouth next to her ear whispering, “I'm sorry for this, Princess.” I looked at her eye, and her eyes turned to me with confusion.

Tinakpan ko ng panyo ang kaniyang bibig, nagulat man siya sa inakto ko ay agad pa rin siyang pumiglas, but it only lasted for a few seconds and she lost her consciousness.

The handkerchief contains a sleeping chemical, as she inhaled the chemicals, she falls asleep.

Sinagip ko ang kaniyang katawan ng dahan-dahan. Hinablot ko ang kumot at nilagay iyon sa katawan niya para ito'y takpan, pero nabahaghani naman ako sa makinis niyang hita.

I scoffed, already giving in to this woman's charm.

Tumayo ako at tuluyan ng kinuha ang kumot nitong manipis at maliit. Tinakip ko iyon sa katawan niya ng maayos at binuhat ito ng bridal style.

Umalis na ako doon buhat buhat ang prinsesa. Lumabas ako ng palasyo gamit ang daan ko dito papunta sa loob. Wala namang may nakapansin sa akin kaya naman ay ligtas akong nakalabas ng Don'yoku Kingdom.

Tumakbo ako habang buhat buhat ang prinsesang kinuha ko sa palasyo. Pumasok ako sa gubat at tumigil muna para tingnan kung ayos lang ang prinsesa ng makitang ayos lang ito ay hindi na ako tumakbo pa.

Naglakad nalang ako pauwi sa Topmost Academy. Nang makita ko na ito ay tumakbo ako at tinalon ang napaka taas na pader dala dala padin ang prinsesa.

Agad akong pumunta sa dorm ko pero habang papunta ako dun ay sinigurado ko munang walang makakakita sa akin. Nakarating naman ako sa dorm ko at pumasok na sa loob.

Nilagay ko naman sa sala ang prinsesa at tulog padin ito. Ni-lock ko muna ang mga pinto at bintana bago bumihis. Bumaba ako para puntahan ang prinsesa.

Tinanggal ko ang kumot na nakapalibot dito at binuhat ito papunta sa kwarto ko. Hiniga ko ito sa kama ko at kinumutan.

Napatingin naman ako sa orasan na kaharap lang ng kama ko. 3:00 am. Ni-lock ko ang pinto at tumabi na sa prinsesa para matulog. Niyakap ko ang katabi kong prinsesa at tuluyan ng nakatulog.

Protecting the Princess of Don'yoku Kingdom (EDITING ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon