Chapter 15

762 36 3
                                    

Micaela's Point Of View

It's been 3 weeks ng magusap kami, sinabi din namin sa iba pa naming kasamahan and as expected nagulat din sila pero hindi nila nakita si Ashlyn. Yes, we know her. Sinabi sa amin ni Lori ang pangalan niya but hindi pa kami nakakapag usap o ano man last na kita ko sa kaniya ay ang nahuli namin silang magkasama.

And this past few days na tinuturuan namin ang students laging nasa malalim na pagiisip si Lori. Natyempuhan ko nga itong nakapamewang at nakatingin sa lupa na para bang ang lalim ng iniisip, hinawakan niya ang baba niya at umiiling iling pa. Nagmumukha talaga siyang tanga doon pero hinayaan ko lang siya. Pagkatapos din pala ng paguusap na iyon ay lagi na naming kasama ang Royalties, sabay kaming kumain at sinasamahan din nila kami sa pagtrain.

Nainis pa nga si Lori ng malaman iyon pero wala din siyang nagawa at pumayag din. Andito kami ngayon sa loob ng Gym at kumakain kasama ang Royalties. Break time ngayon ng students at ganun padin ang pinapagawa namin sa kanila ang pinagkaiba lang ay pinapatakbo na namin sila ng 50 laps sa buong Gym at tatalon ng 300 times. Kaylangan nila ng malakas na stamina.

Tahimik lang kaming kumakain ng may marinig kaming malalim na buntong hininga ng nilingon namin iyon ay si Lori lang pala. Nakapikit ito at nakatingala.

"Lalim nun ah? Anong problema?" Sabi ni Fluer at inakbayan pa ito. Nagmulat naman ito ng mata at tiningnan kami, napatakip ito ng mukha pero agad ding tinanggal at humarap sa amin ng maayos kaya napaayos din kami ng upo.

"Paano malalaman pagbuntis ang isang babae?" Seryoso nitong tanong sa amin. Parang bigla naman kaming naging bingi pagkatapos namin iyon marinig. Wala kaming marinig kundi tunog lang ng hangin at wala ding nagtangkang gumalaw.

"Buntis ka, Lori?" Nabasag ang katahimikan na iyon ng magsalita si Esme.

"Tanga! Alam mo naman sitwasyon niya itatanong mo na buntis siya?!" Sabi ni Charmaine dito. Napapoker face nalang kaming magkakaibigan dahil lahat naman kami alam na intersex si Lori eh. Naguguluhan naman ang mga Royalties pero hindi namin sila pinansin.

"Bakit mo naman natanong yan?" Tanong naman ni Jasper kay Lori. Ngumuso ito at hindi sumagot, uminom lang ito ng juice na inorder niya.

"Can you guys come with me? Sa dorm ko. Kayo lang ni Jasper, Mica, Fluer and Royalties." Sabi nito sa amin. Nagreklamo naman ang mga kasamahan namin pero sumunod nalang din.

"Bakit pati kami kasama?" Dinig kong tanong ni Rio. Pero hindi siya sinagot ni Lori. Tumayo ito at lumabas ng Gym. Napatahimik naman kaming labing isa ng umalis nalang ito bigla. Habang ang mga kasamahan namin ay may mga sariling mundo na. Pero ilang minuto lang ay bumalik na ito, may dala siyang paper bag.

"Tara na." Sabi nito sa amin ng makalapit ito.

"Saan?" Sabay naming tanong.

"Sa dorm ko. Let's go." Nauna na itong naglakad kaya nagmadali kaming sumunod dito. Mabilis ang lakad nito kaya tumatakbo kami para makahabol.

Para siyang nagmamadali. Tiningnan niya ang relo nito at tumakbo bigla kaya nagkatinginan kami at sumunod dito. Tumigil ito sa harap ng kaniyang pinto kaya nakalapit kami sa kaniya. Sumeryoso ang mukha nito at hinarap kami.

"Wag kayong maingay pag pasok niyo." Sabi nito at pumasok na kaya pumasok na din kami. May naririnig namin kaming umiiyak kaya nagmadali kaming pumunta kung nasaan iyon at nakita namin na parang naging maamong tuta si Lori. Lumuhod ito sa harap ng babae.

"Hey, I'm sorry nalate ako." Mahina nitong sinabi at niyakap naman siya nito. Nanonood lang kami sa kanila.

"A-akala ko di.. ka na babalik!" Parang bata nitong sabi. Nakatalikod ito sa amin kaya hindi namin makita ang mukha nito. Tumawa lang si Lori at inabot ang paper bag na hawak nito sa babae.

Protecting the Princess of Don'yoku Kingdom (EDITING ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon