Micaela's Point of View
"Hm, can we have a request?" Pagtanong ni Jasper habang nakataas ang kamay.
"Yes? What is it?" Hm said.
"Pwede bang wag mo munang bigyan ng klase ang dalawang class pati kaming tuturo sa kanila? Para mapabilis lalo na at inaataki tayo ng mga Kirāzu." Sabi naman ni Jasper na sinang ayunan namin iyon.
"Hmm you're right. Tell them right now." Sabi naman ni HM at lumabas na kami.
"Tawagin mo si Lori, Jasper." Utos ko dito nagiba naman ito ng daan at pinuntahan na namin ang dalawang low class.
Pinagipon muna namin sila bago magsalita.
"Alright, guys. Simula bukas ay wala na kayong pasok." Sabi ko naman sa kanila nagngitian naman sila ang iba ay nagapir pa.
"Pero mapapalitan ng training. Kaming Elite class ang tutulong sa inyong makontrol ang inyong mga kapangyarihan. Nagkakaintindihan ba tayo?" Nag opo naman sila kaya pinabihis namin sila ng PE uniform dahil yun lang pwede nilang gamitin sa training.
"At nga pala. Taas kamay ang hindi pa alam ang kanilang mga kapangyarihan." Sabi ko naman at may tumaas ng kamay na sampu. 6 girls at 4 boys. I smiled at them.
"Andiyan lang muna kayo sa gilid. Iba ang tuturo sa inyo at hindi kami." Pumunta sila sa gilid at nagusap usap. Nagsimula na kaming itrain ang ibang students.
"8 lines now!" Dinig kong sigaw ni Fox. Napatawa ako sa loob loob ko ng nagtatry hard na maging strikto si Fox. Since alam namin kung hangang saan ang kaya nila.
Mabilis na luminya sila at tumayo ng mabuti ang iba ay takot, iba naman ay kinakabahan. Lumapit kami sa kanila na may dalang bracelet. Maliit iyon pero mabigat sobrang bigat sing bigat ng isang sakong bigas.
"Isuot niyo to buong training natin." Sabi ni Axle na nakangiti. Himala at nagsalita ito tahimik lang kasi ito.
"Akin na ang dalawang kamay mo." Binaba ko ang hawak ko na may laman na madaming bracelet. Hindi na iyon mabigat sa amin dahil mas sobra pa doon ang sinuot namin. Sabay kong nilagyan ang dalawang kamay nito at bigla naman itong napahiga.
"A-ano to? Ang bigat!" Reklamo niya kaya natawa kami.
"Kulang pa iyan. Kaylangan nga ay pati paa niyo pero sa ngayon ay kamay muna." Nakangiti kong sabi dito at sinuotan na ang kasunod nito. pagkatapos naming lagyan silang lahat ay nakahiga lang ang mga ito. Kaya natawa kami.
"Take your time standing up." Sabi ko sa kanila ng nakangiti. Lumapit ako sa sampu na nakatingin ngayon sa mga kasama nila.
"Kayo din." sabi ko sa kanila at nilingon naman nila ako.
"Mabigat ba talaga yan?" Nakangusong sabi ng isang lalaki kaya natawa ako.
"Isuot mo ng malaman mo." Sabi ko naman at nilagyan na ang kamay niya kaya napahiga ito. Nagreklamo naman ito katulad ng iba. Nilagyan ko na ang iba at ganun din sila reklamo. Lumingon ako kela Parton at nakitang andun na si Lori. Naka Jogging pants na ito at Black na damit.
"Andito na pala ang trainor niyo eh." Nakangiti kong sabi at nakatingin padin kay Lori. Napatingin naman ito sa akin at nginitian ako kaya kinawayan ko ito. Lumapit ito sa amin ng patakbo.
"Ito ba yung tuturuan ko?" Tanong nito sakin ng makalapit.
"Yes, and wala na din tayong pasok train nalang daw natin sila." Sabi ko naman at tumango tango lang ito.
"That's good para mapabilis ang pagtraining nila." Sabi niya pa at ngumiti ito. Lumapit naman sila sa students na ngayon ay pilit paring tumatayo.
"Hi! I'm your trainor, I'm Lorelei just call me Lori." Nakangiti nitong pakilala.
BINABASA MO ANG
Protecting the Princess of Don'yoku Kingdom (EDITING ON HOLD)
FantasyProtecting The Princess Of Don'yoku Kingdom Fantasy but a gxg story. Please vote it's highly appreciated.