Chapter 8

972 38 2
                                    

Micaela Franchot's POV

"Late nanaman ba 'yon nagising?" Inis na sabi ni Jasper at napansin kong umiwas naman ng tingin si Dream kay Jasper.

"Dream." Tawag ko dito at nag-panic naman ang mukha niya pero agad din kumalma.

"Bakit? Hehe." Sabi na nga ba, e. Napalingon naman ang lahat sa kaniya. Naglalakad kami ngayon papunta sa Elite class.

Agad naman siyang binatukan ni Jasper.

"Aray! Wala naman akong ginagawa, ah?!" Sigaw nito habang himas himas ang batok niya.

"Pinahiram mo nanaman ng video game si Lori, 'no?!" Tanong ni Jj. Umiwas nanaman ng tingin si Dream bago siya sumagot, bagay na ginagawa niya kapag hindi nagsasabi ng totoo.

"Hindi kaya." Halata namang nagsisinungaling ang isang ito.

"Fluer, mauna na kayo." Tumango naman sila at nauna ng maglakad. Kaming tatlo nalang ang natira dito, pinapagalitan naman ni Jasper si Dream habang pinapanood ko lang silang dalawa.

Kapag kasi may hiniram si Lorelei kay Dream na laro ay magpupuyat talaga 'yon dahil di namamalayan ni Lori ang oras. Kaya nga ay may limitasyon din ang batang 'yon kapag naglalaro.

"Jas, Hayaan mo nalang. Wala na tayong magagawa kung tapos na. Pumasok na tayo, malapit na tayong malate. " Pag-aaya ko nalang.

Kaya tumakbo nalang kami tatlo para mabilis na makarating sa elite class.

Pagkapasok namin ay may iba pa pala kaming kasama. I guess the element users?  May kulay ang mga buhok nila, like it's born that way. Kami naman ay nagpakulay lang dahil abilities lang ang meron kami.

Hair color is like being acknowledge as an honor student if it's compared to a normal school. Most people only have abilities but not elements those two are the one we all have in this realm—except for Lorelei's case.

Umupo na kami at dumating naman ang Guro namin pero wala pa din si Lori. Hindi na kami nagpakilala pa because this teacher already know us. I looked at Jasper at kinalibit ito, lumingon naman siya sa akin na naka kunot ang noo.

"Do you think Lori will come?" Pabulong kong tanong dito at tumingin sa harap.

"I don't know. But I think she will, let's just wait." Dinig kong sagot nito kaya hindi na ako nagsalita pa at patingin tingin sa pinto.

Malapit ng matapos ang klase ay wala pading dumating na Lori. I'm so worried baka may nangyari ng masama sa kaniya.

We then heard the ring bell. Agad akong tumayo at lumabas, leaving my friends behind. Pagkalabas ko ay nakita ko naman si Lori na hinihingal. Nakayuko ito at parang tumakbo.

"Ehem." Pekeng ubo ko. Inangat niya naman ang ulo nito at nagulat ng makita ako. Tinaasan ko ito ng kulay at napaayos naman ito ng tayo.

Lumapit ako sa tabi niya dahil ramdam kong may lalabas sa pinto ng elite class. Hinawakan ko ang tenga ni Lori at piningot.

"Aah! Mica, Mica! Stop! Aw!" Hiyaw nito at pilit na tinatanggal ang kamay ko pero hindi ko siya pinakawalan. May lumabas naman sa pinto ng elite class. Mga iba naming kasama. Napalingon naman sila Jasper sa amin dahil kaharap lang namin ang pinto.

Binitawan ko naman ang tenga ni Lori at umatras naman ito ng napaka layo sa akin.

"That's for skipping your first class." Sabi ko sa kaniya at ngumuso naman ito.

"Hindi ko naman kasalanan na napuyat ako ah!" Parang bata nitong sambit. Nagpapadyak padyak pa ito.

"Anong hindi? Ayan kasi puro laro! Isa ka pa! Sabing wag pahiramin ng video games yan, e." Sabi ni Jasper at binatukan si Dream na katabi lang niya.

Protecting the Princess of Don'yoku Kingdom (EDITING ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon