Chapter 26

593 22 0
                                    

Kenneth Faris's POV

Kasalukuyan kaming nasa harap ng gate ngayon. Naghihintay kayla ate Mica dahil di naman kami makaalis ng hindi sila kasama.

Btw, I'm Kenneth Faris and I'm 14, I don't know what's my power yet but I know it will eventually come out.

"Oy! Guys, guys! May balita ako!" Napalingon kaming lahat kay Kimmy ng tawagin niya kami. Magkakasama kaming siyam ngayon at hinihintay nalang nga si Kim na kakarating lang. Grupo kami ng mga loser kung tawagin nila dahil daw sa lampa at mahina kami, dahil wala daw kaming mga kapangyarihan.

Nagtataka nga raw sila kung bakit kami nakapasok dito eh. Pero di naman namin kasalanan na nakapasa kami. Hindi naman kasi tungkol lahat sa may kapangyarihan ba o wala kung makakapasa ka dito eh. Talino din minsan, Diskarte at Talento.

"Oh ano naman?" Hindi niya muna ako sinagot at tinaas muna ang isang kamay, she's saying na wait lang daw at nakayuko pa habang naghahabol ng hininga. Tumakbo kasi ito papalapit sa amin.

Pansin kong iba naming mga kasamahan ay mukhang narinig ang sinabi ni Kimmy kaya siguro sila nakatingin at nakikinig sa amin.

"Woh! Nakita ko si Ate Lori kanina! Mukhang sasama siya sa atin ngayon tapos natandaan niyo ba iyong babaeng nakasumbrero na laging kasama ni Ate Lori?" Tumango kami bilang sagot. Naalala namin iyon. Nakita namin siya sa Gym pero di namin makita ng maayos ang mukha dahil natatakpan ng sumbrero.

"Feeling ko nga maganda iyon eh." Side comment pa ni Jane. Sumangayon naman sa kaniya ang iba.

"Sasama yata siya eh. Tsaka sure yun! Maganda siya pustahan pa tayo. Magaganda at Gwapo naman silang lahat eh." Kimmy.

"Parang nakakahiyang lumapit sa kanila, 'no? Feeling ko nga pag lalapit ako kay Ate Mica isa akong pangit na bato na katabi ang isang ginto." Delilah said na nagpatawa sa amin.

"Totoo! Pangit ka nga!" Pangaasar pa lalo ni Taylor at nag away nanaman silang dalawa at pinanonood nalang namin sila.

"Good morning! Kompleto na ba kayo?" Napaayos kaagad kami ng tayo at luminya pa ng marinig ang boses na iyon. Automatic ngang gumagalaw katawan namin eh. Hindi naman nakakatakot si Ate Mica pero minsan kapag nagsasalita siya parang ayaw mong wag sunurin ang mga sinasabi niya.

Nakarinig kami ng mahinang tawa na ikinalingon namin. Nakita na naman namin iyong babaeng kasama ni Ate Lori.

"Uhm! Ate Mica, sino po siya?" I want to ask that question too pero naunahan ako ng kung sino man iyon. Pero mabuti nalang at tinanong niya iyon.

"Ah, she's Ashlyn. Ashlyn Heartel, isasama namin siya ngayon bawal kasi itong maiwan mag isa eh. Kung sakali mang may mangyari protektahan niyo siya ha? Maliwanag ba?"

"Yes, Ma'am!" Sabay naming sagot. Protektahan? Bakit naman namin siya poprotektahan kung may mangyari man? At anong mangyayari pag di namin siya maprotektahan?

"So, let's go. Dahil parang camping to maglalakad tayo!" Excited pa nitong sabi at bumagsak naman ang mga balikat namin.

"Ate Mica, naman eh!"

"Malayo kaya yun!"

"Baka may humarang sa atin doon."

"The mountain is not safe po, diba?"

"Yes, it's not. At iyon yung Thrill. We've been teaching you things and it's time to apply what you have learned!" sabi naman ni Kuya  Jasper. Napabuntong hininga nalang ako at umayos ng tayo.

"If that's the case, then we should do it! Humanda po kayo ah? Tatalunin namin kayo!" Pabiro kong sabi at nagtawanan naman kami. Naunang naglalakad sila ate Mica.

Protecting the Princess of Don'yoku Kingdom (EDITING ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon