Fluer Cora's POV
"W-what's her allergies? Other than shrimp?" Napaangat kaming lahat ng tingin kay Ashlyn. I looked at Mica at nakatingin lang ito kay Ashlyn.
"Cucumber.. Cucumber and shrimp." Mica said at nagpatuloy na ulit sa pagkain. I looked at Ashlyn and she just nodded her head. Nakasandal sa balikat niya si Lori and I can see worry in her eyes.
Pinatuloy ko na din ang pagkain ko. Napapansin ko ding tahimik ng Royalties ngayon ah. Nilingon ko sila at kumakain lang ito na walang imik. All I can hear is the spoon and fork tapping the plates, pati ang mga istudyanteng naguusap uusap. Ganyan kami katahimik dito sa gitna after Lori collapsed ay wala nang nagsalita pa. Good thing hindi na maingay baka sunugin kami ni Ashlyn dito sa sobrang inis niya.
Now, what do I do. Napatingin ako sa kamay ko at sa paligid. Parang wala naman silang paki alam sa paligid nila. Kinalibit ko naman si Mica.
"Mica, ibalik mo nga silang dalawa sa dorm. Tapos naman na sila kumain eh." Bulong ko rito nung nilingon niya ako. She nodded at kinausap si Ashlyn and she said yes kaya napangiti ako. After a minute ay nakabalik na ulit si Mica and she started talking with the twins, mga lalaki naman ay may sariling topic habang ang dalawa si Charmaine at Esme ay nagaasaran.
The royalties are laughing too, I don't know what they're laughing at pero ayos na din iyon. The Kings and Queens are also laughing. At dahil wala naman silang pake sa mga paligid nila, tinago ko ang kamay ko sa ilalim ng lamesa. Sumandal ako sa upuan at pasimpleng nagtingin tingin sa paligid. Madami pa ding kumakain kaya naman ay ngumisi ako.
Pinasabog ko ng pagkalakas lakas ang mga kamay ko and everyone in the Cafeteria screamed dahil sa gulat kahit mga kasama ko. Tumawa ako naman ako ng malakas sa reaksiyon nila at napatingin naman ang lahat sa akin.
"Ikaw ba may gawa nun?!" Inis na baling sa akin ni Mica pero di ko ito masagot dahil natatawa padin ako. Napapahawak na ako sa tiyan ko kakatawa.
"Fluer!" Inis na sigaw nila. I looked at them at nginisian ang mga ito. That was so funny. Nilibot ko ang paningin ko and saw them na may mga naligo pa sa mga iniinom nila, some ay lumipad sa lupa ang mga pagkain at iba naman ay tulala lang na nakatingin sa akin.
"Relax, Pfft.. Yes, ako nga." Pigil tawa kong sabi at binatukan naman ako ni Jasper. Natawa naman ulit ako pero mahina lang iyon.
"Gago ka talagang bwesit ka!" Inis na sabi sa akin ni Parton pero inirapan ko lang ito at tumawang muli. Minutes siguro bago bumalik sa dati ang ingay ng Cafeteria. Tumayo na ako at naglakad palabas pero bago pa ako makalayo sa kanila I hear a Queen say something.
"The nerve of this girl is so Unbelievable." I looked at her and smirked. Nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad not minding what she's going to say or react.
Pumunta akong Garden. Di ko naisip na pumunta dito simula nung bumalik kami not until about the oh-so-called-talk ng mga Hari at Reyna. I stopped in front of the tree.
"Why are you following me?" I said at nilingon ang taong kanina pa sunod ng sunod sa akin. I smiled at her at nilapitan ito.
"N-nothing! Naisipan ko lang pumunta sa Garden and it was just a coincidence na andito ka din pala pupunta! Yes, a coincidence!" Iwas tingin nitong paliwanag. Bad liar, I guess?
"Really?" Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya at napaatras naman ito pero bago pa siya makalayo ay hinapit ko ang bewang nito at hinila papalapit sa akin.
"Just a coincidence?" Nakangisi kong sambit.
"You're such a bad liar, Princess." Bulong ko sa tenga nito and kissed it. Nagulat ko yata ito dahil napaitlag pa. Binitawan ko na ito at umupo sa ilalim ng puno.
Pumikit naman ako dahil inaantok na ako. Naramdaman ko namang lumapit siya sa akin, minulat ko ang mata ko and I saw her infront of me. Hinila ko ito paupo sa lap ko na ikinabigla niya pero hindi na siya nagreklamo pa. She likes this position? I smiled mentally dahil sa naisip.
I hug her at sumiksik sa leeg nito. She's brushing my hair using her soft tiny hand. Damn ang bango ng leeg niya. I hugged her tight at hinayaan ang sariling makatulog sa leeg nito.
*
Lorelei's Point Of View
I slowly opened my eyes at nilibot ang paningin ko sa paligid. I'm in our room tatayo na sana ako ng makaramdam akong yumakap sa akin. I looked at it at ang prinsesa ko lang pala. Yakap niya ako at nakasiksik ito sa dibdib ko.
I kissed her forehead at niyakap din ito. Hindi na ako tumayo pa at pinanood lang itong matulog. Hinawi ang buhok nitong tinatakpan ang pisngi nito at nilagay sa likod ng kaniyang tenga.
"Beautiful.." Nabulong ko nalang bigla but I'm not gonna deny she's really beautiful. Pumikit na akong ulit at sasabayn ko siyang matulog. I'm still hugging her though, ayoko siyang pakawalan and her skin is so soft kaya naman ay ang ganda niyang yakapin.
Pero ako lang ang pwedeng yumakap sa kaniya, ako lang ang pwedeng humalik sa kaniya, ako lang ang dahil akin siya. I won't let them hurt nor touch my Queen.
I hugged her tight and let myself fall asleep again.
*
Micaela's Point Of View
"Fluer? Where have you been?" Bungad kong tanong kay Fluer ng makapasok ito sa loob ng dorm. Umangat naman ang tingin nito sa akin.
"Why are you smiling like that?" Taas kilay kong tanong pero umiling lang ito pero nakangiti padin.
"Don't tell me nakabuntis ka din?! Omy!" I gasped at napatakip pa sa bibig ko.
"Gago! Hindi no!" Tumawa ako ng onti at binaba na ang kamay.
"Bakit ka ba kasi nakangiti? Share mo naman para nakasmile din ako." Sabay kaming naglakad sa kusina. It's 5:30pm already, usually 5pm kami kumakain but because nalate si Fluer. Late din kami kakain. Habit na namin ang sumabay, Mom told us that we should eat ng sabay sabay.
"Nakatulog lang ako sa Garden at pagmulat ko napakagandang bulaklak agad ang bumungad sakin kaya naman ang ganda ng gising ko." Sabi niya ng nakangiti at diretso ang tingin. Para siyang baliw iba naman yatang bulaklak pinagsasabi nito eh.
"Anong klaseng bulaklak ba?" Lumapit pa ako sa kaniya na para bang nakikipag bulungan.
"Basta, maputi at maganda. Napakaganda!" Tinaas niya pa ang kamay niya at hinugis puso.
"Baliw." bulong ko sa sarili at nauna nang pumasok sa kusina dahil nagugutom na din ako. Di ko na nilingon si Fluer. Bumungad sakin si Charmaine na nauna na agad kumain at mukhang nakadami na. Ang iba naman ay nagsasandok palang kaya umupo ako sa tabi ni Jasper at pumasok naman si Fluer na nakangit abot hanggang langit. Baliw talaga.
"Anong nangyari diyan?" Napalingon ako kay Jasper ng magsalita ito. Nakasunod ang tingin nito kay Fluer.
"Nakatulog daw sa Garden pagkatapos pag gising niya may bumungad daw sa kaniya na magandang bulaklak." Pagpapaliwanag ko.
"Thank you." Nakangiti kong sabi kay Axle ng lagyan niya nang pagkain ang pinggan ko. Nilagyan niya din ang kay Fluer. This kid is really sweet kahit na tahimik.
"Baka naman ibang bulaklak ang nakita niyan?" Tanong ulit ni Jasper at sumubo.
"Aba'y malay ko. Hayaan mo masaya naman eh." Sabi ko nalang at nagsimulang kumain.
"Charmaine, naman ihh! Lagi mo nalang ako kinukuhaan ng ulam!" Napaangat ang tingin ko kay Charm at Esme.
"Kuha ka nalang ulit." Sabi naman ni Charm at nagpatuloy sa pagkain. Di ko nalang sila pinansin at nagpatuloy nalang din sa pagkain.
Pagkatapos naming kumain ay nagaya sila na maglakad lakad daw kami paikot sa loob ng Academy. Exercise na din daw iyon kaya pumayag ako.
"Sila Lori at Ashlyn oh!" Napalingon kami sa tinuro ni Calla at nakita nga namin ang dalawa. They're laughing while eating ice cream. Napangiti nalang akong pinapanood ang dalawa dahil sobrang laki ng ngiti ni Lori, Hindi kasi siya ganiyan kung ngumiti sa amin.
"Hayaan niyo na silang dalawa. Tara na at baka magbago isip ko." Sabi ko at nauna nang naglakad sa kanila. Naramdaman ko namang sumunod sila kaya nagpatuloy lang ako sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
Protecting the Princess of Don'yoku Kingdom (EDITING ON HOLD)
FantasyProtecting The Princess Of Don'yoku Kingdom Fantasy but a gxg story. Please vote it's highly appreciated.