Lorelei Lennox's Point Of View
"Now what, HM?" Tanong ni Jasper kay Hm.
"Did you tell them?" Tanong din nito kay Jj.
"I haven't told them yet."
"Ok. Uhm Pinabalik ko kayo dito dahil gagawin ko ngayong trainors. Because madaming hindi bihasa ang kanilang mga kapangyarihan." Sabi ni HM. Napahawak naman ako sa baba ko at nagisip.
"Sino sino naman ang tuturuan namin?" Tanong ni Fluer.
"The lower class. Ang tuturuan niyo ay ang dalawang low class the Ground Class and the Hadria Class. Ang Hadria class ay may mga kapangyarihan na hindi gamay pero may alam na ito ng kaunti. Ang Ground Class naman ay may kapangyarihan na pero hindi alam pano gamitin some of them doesn't know their powers yet." Hm explained.
Napatango tango naman kami. I raised my hand to ask a question."Yes, Miss Lennox?"
"Kaylan magsisimula?" Tanong ko at binaba na ang kamay.
"Good question. Tomorrow, I'll announce it to the them. But you should teach them after class okay?" Pumayag naman kami. I raised my hand again and asked a question.
"What's our dorm?" Tanong ko.
"Here's your dorm and Schedules kasali na diyan ang schedules niyo sa pagtuturo sa mga lower class." Sabi ni Hm at binigyan kami isa isa ng papel. Tiningnan ko lang ito at tatlo lang ang class namin. The potion making, History and Training. Is that even a class?
"Ayokong sumama sa kanila." Sabi ko kaya napalingon sila sa akin.
"What do you mean, Lori?" Tanong sa akin ni Charmaine.
"Gusto kong magisa lang ako sa dorm. Is that okay? And maingay din kasi kayo eh." Sabi ko naman at napasimangot sila pero pumayag nalang din.
"Okay then.. Here" may kinuha itong susi at binigay sa akin.
"Medyo malayo sa mga kasamahan mo ang dorm mo. Iyang dorm mo kasi ay is only good for one person." Pagpapaliwanag nito sa akin. I just thanked him at lumabas na kami. Nauna na silang naglakad habang ako naman ay nasa likod lang nila. Naguusap sila tungkol sa mga ittrain namin.
*
Malayo nga ang dorm ko sa dorm nila Jasper. Nasa unahan ang kanila at dulo naman akin. Pumasok na ako at tiningnan ang paligid.
"It's fine." Sabi ko sa sarili ko. Umakyat na ako at isang pinto lang ang nandoon. Pumasok ako dun at bumungad sakin ang napakalaking kwarto. Inayos ko na ang mga gamit ko habang nagaayos ako ay nakita ko ang Black Hoodie, Jeans na itim at mask na itim din. Kinuha ko iyon at tiningnan. Napangisi nalang ako sa naisip ko at nilagay na iyun sa kama ko. I'm gonna use it later.
Pagkatapos ko ayusin lahat ng gamit ko ay nilapitan ko ang damit kong all black. Pag sinuot ko to ay talagang hindi ako makikilala malaki ang hoodie. Kinuha ko ang boots ko na itim din, binili ko tong black boots para ipartner ko sa damit ko. I also have a black gloves. Tinago ko iyon sa drawer katabi ng kama ko.
Lumabas na ako ng dorm ko at pumunta sa dorm nila Jasper. Pumasok ako dun hindi na ako kumatok kilala naman nila ako.
"Hindi pa sila tapos?" Tanong ko sa babaeng nakaupo ngayon sa sofa.
"Tapos na. Magpapahinga lang daw sila. At sa labas daw tayo kakain." Sagot ni Mica kaya tumango lang ako sa kaniya at lumapit para umupo sa tabi nito. Nakasandal ito at nakapikit.
"Magpapalipas oras lang ako dito." Sabi ko naman at nag hmm lang siya. Sumandal ako sa kaniya at pumikit din. Narinig ko naman ang mahinang Hilik nito. Tiningnan ko ang oras at 6:00 pm na pala ang bilis ng oras mamaya ko nalang siya gigisingin at tumayo na.
Lumabas ako sa dorm nila at naglakad lakad. Hindi pa ako nakakakita ng students. Sabagay kanina pa tapos ang klase nila baka naman ay nagpapahinga na sila ngayon.
Tumitingin tingin lang ako sa paligid dahil ang ganda talaga dito ng may makita akong walong istudyante. Nakauniform ang mga ito at naglalakad. Ohh Elites. Nakilala ko sila dahil sa necktie nila gray na necktie ay ibig sabibin ng Elite Class.
Papunta sila dito sa akin kaya humarang ako sa gitna. Nginitian ko sila at kumaway ng makalapit sa akin.
"Step aside." Malamig na Sambit ng isang lalaking red hair. Pero tinawanan ko lang ito. Pinipilit nilang lagpasan ako pero hinaharangan ko lang sila.
"Ano ba, Miss! Tumabi ka nga." sabi ng babaeng naka white hair pero hindi ako nakinig at nakangiti lang silang tingnan.
Mukhang inis na si red hair nagpalabas ito ng bolang apoy at tinira sa akin. Hindi ko to iniwasan, instead sinalo ko ito. Mukhang nagulat naman sila."HAHAHA." Tawa ko at winala ang bolang apoy. Nagcross arms naman ako at may ngisi sa labing tiningnan sila.
"That's all you've got?" Asar ko dito. Lumapit naman ito sa akin at sinuntok ako pero walang kahirap hirap ko lang itong iniwasan at sinipa ang tiyan nito.
"Kai!" Sigaw ng mga kasamahan nito.
"Ohh.. Kai. Such a Gay name." Sabi ko naman naiinis naman ito lalo at pinaulanan ako ng suntok at sipa pero iniiwasan ko lang ito. Paminsan minsan ay sinusuntok ko pa.
Walang may nagtangkang umawat sa amin. Nanonood lang sila samin. Nauumay na ako kaya sinuntok ko si red hair ng malakas. Napaupo ito at napa pikit.
"I thought you're strong and I thought wrong." Sabi ko sabay tingin sa orasan ko 6:50 pm na pala. Tiningnan ko ulit sila at gulat ang mga mukha nito kinawayan ko sila at naglakad ng pa atras. Nakita ko namang natauhan ang mga ito at tinulungan si pula na makatayo. Tumalikod na ako at bumalik sa dorm nila Jasper.
Nakita ko namang gising na ang mga ito mukha ngang kakagising lang. Lumabas ulit kami at naghanap ng makakainan. At may nakita naman kami we don't care kung cheap iyon basta makain namin ay pwede na. Pagkatapos namin kainin kumain ay bumalik ulit kami sa dorm namin. It's 8 pm tulog na siguro sila pero ako ay gising pa. Naglaro nalang ako ng video game na hiniram ko kay Dream. Hanggang sa umabot ako ng 10pm.
Nag ayos naman ako at sinuot na ang black hoodie, black jeans, and a black mask. Pero bago ako lumabas ay hinintay ko muna mag 11pm bago lumabas para siguradong wala na talagang tao. Lumabas na ako and jump off the dorm building. Tumakbo ako sa forest. Takbo lang ako ng takbo hanggang makarating na ako sa Distinasyon ko. The Don'yoku Kingdom.
————
Don'yuko means Greedy. The enemies.
BINABASA MO ANG
Protecting the Princess of Don'yoku Kingdom (EDITING ON HOLD)
FantasyProtecting The Princess Of Don'yoku Kingdom Fantasy but a gxg story. Please vote it's highly appreciated.