Chapter 14

775 37 2
                                    

Micaela's Point Of View

Hindi katulad ng kahapon ay madali na silang nakatayo ngayon. Pinapatakbo namin ito ng 20 laps paikot sa Gym. Mukhang pagod na ang mga ito dahil kaninang tumatakbo ay nagjojogging nalang. Nilingon ko ang pwesto nila Lori pero wala na ito doon.

"Mica." Napalingon ako sa nagsalita si Fluer pala.

"Hmm?" Umupo ako sa tabi niya andito kami sa gilid at pinapanood lang sila Jasper na minomotovate yung students. Uminom ako ng tubig sa water bottle na hawak hawak ko.

"Yung kanina.. Did they fuck?" Nabuga ko ang iniinom ko at nilingon si Fluer na nakatingala at parang nagiisip pa.

"Ano bang pinagsasabi mo?!" Binatukan ko ito kaya nawala ito sa balanse at nahulog sa upuan.

"Aray ko! Bakit ba?! Nakita mo naman kanina eh nakabra lang silang dalawa!" Padabog itong bumalik sa upuan. Napailing nalang ako dito at binalik ang tingin sa mga students.

"Siguro." Sabi ko nalang. Sabay naman kaming napatingin ni Fluer sa pinto ng Gym dahil bumukas ito. Royalties lang pala hindi namin sila pinansin pero napatigil sa pagtakbo ang mga students at tinitigan ang Royalties na ngayo'y papalapit sa amin.

"Hey! Tumakbo kayo! Meron pa kayong 5 laps!" Dinig kong sigaw ni Timber. Nagsitakbuhan ulit sila at nilingon ko naman si Fluer. Nakatitig ito kay Farrah kaya kinurot ko ito.

"Ouch! Nakakadalawa ka na!" Inis nitong sabi sa akin pero tinawanan ko lang ito.

"Kung makatitig ka kasi parang gusto mong angkinin eh." Pangaasar ko dito pero inirapan lang ako ng loko. Tumayo siya at sinalubong ang Royalties kaya sumunod ako dito.

"Anong ginagawa niyo dito?" Masungit na tanong ni Fluer. Kaya napatakip ako ng bibig para pigilan ang tawa ko na ikinalingon nila sakin, nagtatanong ang mga mukha nito. Inilingan ko lang sila at ngumiti nalang.

"Wag kang ano diyan, Mica!" Inis na sabi sa akin ni Fluer pero hindi ko nalang ito pinansin. Tiningnan ko ang Royalties at tinaasan ng kilay.

"Ah right! We're here to check lang. Inutusan lang kami ni HM na bantayan kayo." Sabi ni Farrah. Tumango lang ako at tinalikuran sila.
Pumunta ako sa gitna ng Gym.

"Students after you run, Jump 100 times!" Sigaw ko sa gitna.

"Yes, Ma'am!" Sigaw nila at luminya. Last lap na pala iyon. Sabay silang tumalon at nagbilang. Tiningnan ko kung gaano ka taas ang talon nila at halos kaunti lang ang nakikita kong agwat sa kanilang paa at lupa.

"Jump higher! Take your time para bumwelo." Sinunod naman nila ang sinabi ko pero sabay sabay padin itong tumalon. Tumaas nga ang mga talon nito kaya hinayaan ko na sila.

"After that you can take a break!" Dinig kong sigaw ni Amber. Natuwa naman sila dahil rinig ko ang sigawan ng mga ito.

"Excuse me." Napalingon ako sa nagsalita.

"Oh Kai?" Sabi ko ng makita kung sino iyon. Tinalikuran ko ito at inayos ang mga water bottles na nagkakalat sa sahig. Iniba ko ang walang laman at may laman. Nilagay ko ang may mga laman na bottles sa stage which is malapit lang sa akin. Meron kasing stage ang Gym maliit lang ito kaya naman ay minsan lang nagagamit.

"Where's Lorelei?" Napatigil ako sa pagpupulot ng water bottles at nilingon ito.

"Why? You need something from her?" I said raising my one eye brow at him.

"No, we just want to talk to her." Sabi nito sa akin.

"All of you?" Sabay turo ko pa sa mga kasamahan nito at tumango naman ito.

Protecting the Princess of Don'yoku Kingdom (EDITING ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon