03

1.8K 25 0
                                    

"Aray!" Reklamo ko nang makatanggap ako ng batok mula kay Kat. Kasalukuyan kaming nandito sa field nakatambay. Vacant time kasi namin ngayon.

Wala naman kaming gagawin sa loob ng room kaya naisipan naming dito nalang tumambay sa field. Magandan ring ideya dahil nagkaroon ako ng pagkakataon na masilayang maglaro ang ultimate crush ko na si Hanley na isang soccer player.

"Ba't mo ako binatukan?" Salubong ang kilay na saad ko kay Kat.

"Ang sabi mo babantayan mo ako kagabi" Aniya na nakasimangot. Awtomatikong umikot ang dalawang eyeballs ko dahil sa reklamo niya.

"Paano kita babantayan, eh nalasing din ako kagabi" Saad ko saka sinulyapan ang grupo ng mga lalakeng nagpa-praktis ng soccer.

"What?! Eh ang sabi mo hindi ka iinom. Anyare?" Hindi makapaniwalang aniya.

"That was an accident. Akala ko kasi juice yung nainom ko. Alak pala. Sorry na agad" Sabay harap ko sa kaniya tsaka nagpeace sign.

Ngumuso lang siya.

"Saan ka naman natulog kagabi?" Rinig kong tanong niya.

"Sa bahay nung lalakeng inagawan ko ng inumin" Maiksing sagot ko. Ang mga mata ko ay agad na nagliwanag ng masilayan ko ang gwapong mukha ni Hanley. Shet! Ang gwapo niya talaga!

"May nangyari ba sa inyo?" Sunod niyang tanong. Hindi ko siya hinarap pero sinagot ko ang kaniyang tanong.

"Wala" Simpleng sagot ko. Dahan-dahang sumilay ang ngiti sa mga labi ko habang pinagmamasdan ang pagtakbo ni Hanley. Pawis na pawis siya, but he looks so deym hot!

"Mabuti ka pa" Rinig kong saad ni Kat.

"Yeah, pasalamat nga ako dahil mabait yung lalakeng nagdala sakin sa bahay niya" Wika ko.

Mabuti ka pa

Umulit sa utak ko ang sinabing iyon ni Kat. At nang lubusan ko iyong maintindihan. Unti-unting nawala ang ngiti sa aking labi.

Salubong ang kilay ko nang hinarap ko siya.

"What do you mean? May nangyari ba sa inyo nung lalakeng kaibigan ng lalakeng nagdala sakin sa bahay niya?"

Umiwas ng tingin si Kat saka ngumuso.

"Gaga! Wag mo 'kong ngusuan diyan! Sagutin mo 'ko!" Mahinang kurot ko sa bespren ko. Muli siyang humarap sa 'kin.

"Kasalanan ko naman kung bakit may nangyari sa 'min" Pag-amin niya. Agad na nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat.

Shet! So may nangyari nga sa kanila nung lalake!

"Baliw ka ba! Ba't mo binigay agad!" Inis kong saad kay Kat.

"Anong magagawa ko? Lasing ako eh!" Aniya.

Biglang sumakit ang ulo ko dahil sa dahilan niya. Pesteng alak kasi eh!

"Sinabi ko na sayong wag na tayong pumasok do'n eh! Tignan mo ang nangyari! Hindi kana virgi-hmmmpp" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang takpan ni Kat ang bibig ko gamit ang palad niya.

"Gaga wag kang maingay. Hindi mo na kailangan pang ipagsigawan na hindi na ako virgin. Quiet lang bes" Bulong niya saka binitawan ang bibig ko.

Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Kat, hindi ka na virgin" Gigil na saad ko. Pero this time ay pabulong nalang.

"Oo na, bes. Hindi na ako virgin. Pero okay lang, mesherep nemen pele ehehehe" Aniya at nagpabebe pa ang bruha. Binatukan ko nga.

"Kat, hindi mo pwedeng gawing biro ang pagkawala ng pagka-birhen mo. Wag ka ngang malandi diyan" Inis na saad ko.

"Grabe ka naman bes, so judgemental" Aniya.

Marahas akong bumuga ng hangin. Bigla akong na-stress sa kaibigan ko. Ba't ko ba to naging kaibigan? Eh ako nga halos magwala na ang buong sistema ko nung akala ko na nawala na sakin ang pinaka iniingatan ko. Tapos ang bespren ko parang wala lang sa kaniya? Masarap pa daw. Ang baliw niya! Nakakainis!

"Uy bes! Wag ka ng ma-stress diyan. Pagmasdan mo nalang si Hanley oh. Sobrang hot niyang maglaro ng soccer" Saad ng bespren ko.

Binalingan ko siya ng tingin. Nakasimangot parin ako.

"Wala na akong gana mag sight-seeing sa crush ko dahil badtrip na ako sayong bruha ka!" Hindi ko parin maitago ang pagkainis ko sa bespren ko.

Napangiwi nalang siya dahil sa inasta ko.

Marahas akong tumayo sa kinauupuan ko. Tumingala naman si Kat dahil nanatili siyang nakaupo sa damuhan.

"Sa susunod hindi na tayo magpupunta ng club, Kat. You're just seventeen but... but-" Mas lalo akong nainis. Kasalanan ko din 'to. Ang sabi ko babantayan ko siya.

At akala ko mapapagkatiwalaan ang kaibigan ng lalakeng nakilala ko sa club. Pero hindi pala! Ang hayok pala sa laman. Ginalaw niya ang bestfriend ko kahit lasing ito! Putangna niya!

Agad kong iniwan si Kat sa pwesto namin. Narinig ko pa siyang tinawag ang pangalan ko ngunit binalewala ko nalang ito.

Naiinis ako kay Kat. Parang wala lang sa kaniya na nawala ang virginity niya! Bakit siya ganun?! She's just seventeen! She's still a minor!

......

Hanggang mag-uwian ay hindi ko pinansin si Kat. Kahit na patuloy niya akong kinukulit. Naiinis parin ako sa kaniya at naiinis din ako sa sarili ko dahil naging pabaya ako.

Hindi sana mangyayari ang iyon sa bestfriend ko kung hindi lang sana ako nalasing. Nabantayan ko sana siya.

Ano nalang ang mangyayari kapag nalaman ng mga magulang niya ang nangyari? They'll be furious for sure. At sana lang hindi magkaroon ng bunga ang nangyari sa kanila nung lalake.

Mas malaking gulo ang mangyayari kapag nabuntis ang kaibigan ko. Napakabata pa niya para mabuntis at isa pa nag-aaral pa siya!

"Oh anak, kamusta?"

Ang tanong agad ni nanay ang sumalubong sakin pagkapasok ko palang ng bahay. Ngumiti ako kay nanay saka binigyan siya ng halik sa pisngi.

"Okay lang po, nay" Nakangiting sagot ko.

"Akyat na po ako sa taas" Paalam ko kay nanay.

Ngunit hindi pa ako nakakarating ng hagdan nang tawagin ako ni nanay.

"Sya nga pala anak, saan ka natulog kagabi?" Tanong niya. Nalunok ko ang sarili kong laway dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong ng nanay ko.

"U-Uh.. Sa b-bahay po ng k-klase ko n-nay" Pagsisinungaling ko. Gusto ko pang batukan ang sarili ko dahil nautal ako.

"Kasama mo ba si Katalina?" Muling tanong niya. Dahan-dahan akong pumihit paharap kay nanay saka tumango.

"O-Opo" Sagot ko.

Nakahinga ako ng maluwag nang tumango-tango si nanay. Mukhang naniwala siya na natulog nga ako sa bahay ng kaklase ko.

"S-Sorry po kung hindi ko sinabi sa inyo"

"Ayos lang anak. Siguro ay importante ang ginawa niyo ng mga kaklase mo. Sige na anak, magpahinga kana, tatawagin nalang kita kapag nakahain na ang hapunan natin" Ani nanay saka sumenyas na umakyat na ako.

Ngiti at tango lang ang naging tugon ko.

Sorry po, nay.

-
Edited. 06/15/22

Betrayal and Redemption (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon