20

1.1K 13 0
                                    

"Anak, Thalia! Mabuti't napatawag ka? Sobrang nag-aalala ako sayo dahil hindi ka umuwi kagabi. Akala ko may masama nang nangyari sayo. Saan ka ba kasi ngayon at anak at hindi ka manlang nagpaalam sa 'kin na hindi ka pala makakauwi?"

Bigla naman akong nakaramdam ng konsensya nang marinig ang sinabi ni mama. Puno ng pag-aalala ang tono ng kaniyang boses.

Ba't ko kasi nakalimutang ipaalam sa kaniya na hindi ako makakauwi sa bahay kagabi? Hays.

"Mama, sorry po kung hindi ako nakapag paalam sa 'yo. Andito po ako ngayon sa bahay ng kaibigan ko" nakagat ko ang ibabang labi ko nang magsabi ako ng kasinungalingan.

"Kaibigan? Si Kat ba? Tumawag ako kagabi sa kaniya, ang sabi daw niya ay hindi ka niya kasama?" Ani mama.

Napatampal naman ako sa aking noo nang dahil doon. Akala ko makakapagsinungaling ako. Hindi pala.

I sighed."Ma, andito po ako sa bahay ni Riev" pag amin ko.

Hindi ko mapigilang kabahan dahil baka pagalitan ako ni mama dahil nalaman niyang natulog ako sa bahay ng isang lalake. Paniguradong hindi niya iyon magugustuhan.

"Anak"

Bigla akong nakaramdam ng kaba nang marinig ang seryosong boses ni mama sa kabilang linya.

"Kahit na nasa legal ka nang edad, sana naman huwag mong kakalimutan na masyado ka pang bata at nag aaral ka pa. Kahit natulog ka sa bahay ng isang lalake, sana ay alam mo ang limitasyon mo. Alam mo ang tama at hindi dapat gawin. Naiintindihan mo ba ako, Thalia, anak?"

Pangaral ni mama mula sa kabilang linya. Ngumiti ako ng pilit tsaka tumango kahit na hindi naman ako nakikita ni mama.

"O-opo, mama" magalang sagot ko.

"O'sha, sige, ibababa ko na 'to dahil may lakad pa ako ngayong araw. Tandaan mo ang sinabi ko sayo, anak ah?"

"Opo, ma. T-tatandaan ko po"

Nang mamatay ang tawag ay malalim akong bumuntong hininga. Paano nalang kapag nalaman ni mama na isinuko ko na ang pagka birhen ko kay Riev? Sana lang hindi magbunga ang nangyari saming dalawa.

Pero sa pagkaka alala ko ay hindi niya inilabas sa loob ko ang kaniyang semilya.

Marahas akong bumuntong hininga.

...

"Here you go again. Seriously, Thaliana Kim? Tulala na naman?"

I came back from my reverie when I heard Kat's voice beside me. She looked at me na para akong isang puzzle na mahirap buuin.

"You're always like that," aniya.

Kumunot naman ang noo. "Always like what?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya.

"You're always lutang, bes. Parang sobrang lalim palagi ng iniisip mo. Yung totoo, bes. Is it because of him?" She asked.

Kahit na kilala ko naman kung sino ang him na tinutukoy niya ay pinili ko parin ang magtanong.

"Him? Who?" Pagmamaang-maangan ko. I need to deny it or else she'll caught me na si Riev talaga ang dahilan kung bakit ako natutulala minsan.

I just can't get him out of my mind these past few days. Mas madalas na siyang tumatakbo sa isip ko ngayon after the night that we shared four days ago.

"Oh c'mon, Thaliana Kim. I know you too well. Kilala mo kung sino ang tinutukoy ko, bes," tinaasan niya pa ako ng kilay tsaka nginisian.

Napabuntong hininga nalang ako. Wala ata akong matatago sa babaeng 'to.

"Silence means yes, am I right?" She wiggled her eyebrows while smiling at me from ear to ear.

Sa itsura niya palang. Halatang handang-handa siyang makinig ng chismis. Napailing nalang ako.

"I can't tell you yet, Kat-"

"And why the hell not, Thaliana Kim?!" She burst out na ikinalaki ng mata ko. Kinurot ko siya sa braso na agad niya namang ikinangiwi.

"Hinaan mo nga lang iyang boses mo, Katalina, hindi lang tayo ang tao dito sa classroom" mariing suway ko kay Kat. Nilibot ko ang tingin ko at halos ang iba sa mga kaklase namin ay nakatingin sa direksiyon namin.

"Eh kung sinabi mo nalang kasi sakin ang dahilan ng pagkatulala mo edi sana hindi ako sumigaw" depensa niya sa kaniyang sarili.

Sinamaan ko nga ng tingin. Itong bruhang 'to. Sinisi pa ako.

"I just can't tell you right now, okay? This isn't yet the right time to tell you, Kat. Masyado pang magulo ang utak ko." I said.

"Sabihin mo nalang kasi sakin kung ano ang gumugulo diyan sa isip mo, maybe I can help you to fix it" aniya .

I rolled my eyes at her. "Whatever, Kat. Basta, I wouldn't tell you unless it's time"

Umismid si Kat atsaka bumulong-bulong na rinig ko naman. "Hindi nalang kasi sabihin sakin ngayon. Ang arte ah"

Napailing-iling nalang ako. Parang bata. Tsk!

...

"Are you sure na susunduin ka ng boyfriend mo, bes? It's too late na, wala pa siya. What if sumabay ka nalang sakin? Malapit narin naman dumating yung sundo ko. Just message your boyfie nalang na wag ka nang sunduin." Suhestiyon ni Kat na nasa gilid ko lang.

Nasa labas na kami ng school at naghihintay sa mga sundo namin.

"Hindi na, Kat. Nag-text siya sakin kanina na susunduin niya ako. Suguro traffic pa siya o kaya naman may tinatapos lang sa opisina niya. He's a businessman after all. At isa pa, he's not my boyfriend." Saad ko.

Kat sighed. "Whatever. But are you sure na hindi ka sasabay sakin? Ihahatid kana namin pauwi. I can't leave you here alone, bes. Dumidilim na oh" sabay titig sa kalangitan na unti unti nang kinakain ng kadiliman.

I smiled at her. "I'm okay here, Kat. Don't worry about me. Maya-maya darating na iyon" I assured her.

Sakto naman na may isang kotse ang pumarada sa tapat namin ni Kat.

"Andito na ang sunod ko. Sure ka ha? I will leave you here" halata sa mukha ni Kat ang labis na pag-aalala. Nagda-dalawang isip pa siya kung iiwan niya akong mag-isa.

I just showed her that I'm okay. I'm very positive na susunduin ako ni Riev. Iyan ang sinabi niya sa'kin kanina nang mag text siya.

"If you don't want to come with me, then fine. Just text me nalang if nakauwi kana. Okay?"

May ngiti sa labing tumango ako. Kat hugged me first before stepping inside of their car.

"Bye!" She waved at me.

"Bye!" I waved back at her. "Just text me!"

Tumango ako at muling kumaway sa kaniya. Nang ma-isarado na ni Kat ang pinto ng kotse ay agad naman itong pinasibad ni Manong Nilo. Ang kanilang family driver.

I sighed deeply nang ako nalang ang maiwan mag-isa. Wala narin masyadong dumadaan na estudyante dahil ala-sais na ng gabi.

"Asan na kaya si Riev?" I asked myself. Binuksan ko ang phone ko at nagtipa ng mensahe at isenend sa kaniya.

....

Betrayal and Redemption (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon