28

969 10 0
                                    

From: Riev the Devil Maniac
I'm already outside.

Agad na sumilay ang ngiti sa labi ko nang mabasa ang text mula kay Riev. Tinawagan ko kasi siya para yayain na bisitahin ang mga bata sa isang bahay ampunan. Sobra nga akong kinakabahan nung yayain ko siya. Nasa isip ko na baka hindi siya pumayag. Pero laking pasasalamat ko nang um-oo siya.

Inayos ko muna ang sarili ko sa harap ng salamin bago lumabas ng aking kwarto at bumaba. I'm wearing a simple maroon puff sleeve dress at isang kulay puting strappy sandals. May sling bag akong dala para sa aking cellphone at wallet, pulbo at liptint.

Wala si Mama sa bahay dahil namalengke. Pero alam niya naman na aalis ako at tutungo sa bahay ampunan.

Nang ma-ilock ko ang bahay ay agad akong nagtungo sa isang magarang sasakyan na nakaparada sa tapat ng aming bahay. Lihim kong kinagat ang aking pang-ibabang labi nang makita ko siyang parang isang modelo na nakasandal sa gilid ng kaniyang kotse.

"Hi," I greeted him nang tumapat ako sa kaniya. At kahit nakasuot siya ng sunglasses ay ramdam ko pa rin ang mga mata niyang nakatitig sa 'kin.

"Hey, beautiful." Ramdam kong uminit ang pisngi ko sa itinawag niya sa 'kin.

"Let's go?" He asked. Ngumiti ako at tumango. Umayos siya sa pagkakatayo at binuksan ang pinto ng kaniyang kotse para sa 'kin. He put his other hand above my head para siguro hindi ako mauntog. "Salamat." I uttered.

Yumuko siya at hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa. He kissed me!

Nagtagal lang ang halikan namin ng limang segundo. He bit my lower lip which is his favorite thing to do before ending our kiss.

"Sweet,* He huskily whispered. Muli na namang nag-init ang magkabilang pisngi ko.

Maraming nagbago kay Riev sa pakikitungo sa 'kin nitong mga nakaraang araw. He became less colder towards me. It started after our steamy sex inside his car that night. Pero kapag ibang tao ang kaharap niya ay sing-lamig pa sa yelo ang pakikitungo niya sa mga ito.

"So where are we going, baby?" He asked when he entered the driver seat.

"Pupunta tayo sa bahay ampunan. Gusto ko sanang bisitahin ang mga bata doon. Matagal na rin kasi simula noong huli kong bisita sa kanila." I pouted.

Nagsalubong ang kilay ko nang pisilin nito ang nguso ko. "Stop pouting, baby. You don't want us to end up f•cking each other inside my car for the second time, right?" He playfully said.

Agad ko namang inalis ang kamay niya sa nguso ko. "Stop it, Riev! You're not funny!" He let out a soft chuckles. At para iyong musika sa aking pandinig. D•mn. I keep falling for him.

"Then stop seducing me,"

"I'm not seducing you!" I spat.

"Oh yeah?" He teased.

Isa pa 'to sa nagbago kay Riev. Mas naging playful siya towards me. At iyon ang isa sa pinaka nagustuhan ko sa pagbabago ng pakikitungo niya sa 'kin.

"Stop teasing me. Umalis na tayo. Excited na kasi akong makita ang mga bata." Agad na sumilay ang malapad na ngiti sa mga labi ko habang iniimagine ang magiging reaction nila kapag nakita ako.

"It looks like you're very fond of kids. Do you want me to put a baby inside your womb so that you'll have your own?" He teasingly asked.

Agad ko naman na tinapunan ng masamang tingin si Riev. He just smirked at me before he maneuver his car.

....

Halos kalahating oras lang ang byahe namin patungo sa bahay ampunan. At kasalukuyang nakasunod sa likod ko si Riev habang tinatahak namin ang daan papasok ng bahay ampunan.

Sumalubong sa 'kin si Sister Jena. Ang isa sa mga madreng nag-aalaga sa mga bata sa dito sa ampunan.

"Athaliana, ikaw ba talaga iyan?" Masayang wika ni Sister Jena. Malawak ang ngiting tumango ako.

"Opo, Sister Jena. Bumisita po ako dahil namiss ko po kayo pati na rin ang mga bata. At may dala rin po kami para sa kanila." Saad ko. "Naku, napakaganda mo talagang dalaga, Athaliana. Mas lalo ka pang gumanda ngayon." Anas ni Sister Jena. Sa pangatlong pagkakataon ay naramdaman ko ang pag-iinit ng aking parehong pisngi.

"Mabuti at napadalaw ka. Palagi kang hinahanap ng mga bata sa 'kin. Tinatanong nila kung kailan mo ulit sila bibisitahin." Sister Jena added. Nakita kong dumapo ang mga mata niya sa likod ko. At agad na gumuhit ang pagkamangha sa kaniyang mukha nang makita siguro na may kasama ako.

"At sino naman ang napakagwapong binata na kasama mo, Athaliana? Nobyo mo ba siya?" Curious na tanong ni Sister Jena. Alanganin akong ngumiti at umiling. Magsasalita na sana ako ngunit naunahan ako ng lalakeng kasama ko.

"Akiro Riev Torrelba, Sister Jena. I'm her boyfriend. It's nice to meet you po." He introduced himself respectfully.

Agad na nanlaki ang mga mata ko at tumingin sa kaniya. Siguro napansin niya na may nakatitig sa kaniya kaya dumapo ang tingin niya sa 'kin. He just smirked at me.

"Kinagagalak din kitang makilala, iho. Napakagwapo at napakabait nitong nobyo mo, Athaliana." Saad ni Sister Jena kaya bumalik ang atensyon ko sa kaniya. Ngumiti nalang ako dahil hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong sabihin.

"Sumunod kayong dalawa at dadalhin ko kayo kung nasaan ang mga bata."

Agad kaming sumunod ni Riev kay Sister Jena bitbit ang mraming paper bag na puro damit at laruan na para sa mga bata. Si Riev ang nagbayad ng lahat at siya rin ang nag-suggest na bilhan ang mga bata ng damit at laruan. I was smiling widely habang namimili kami ng mga damit at laruan sa mall.

Nang marating namin ang playground ay sumalubong sa 'min ang mga batang nasa edad pito hanggang labing dalawa. They're playing with a smile on their faces. Their genuine laughters melts my heart.

"Mga bata, may mga bisita kayo," Pagkuha ni Sister Jena sa kanilang atensyon.

Agad na dumapo ang mga mata nila sa kinatatayuan namin ni Riev. At hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko nang marinig ko ang pagtawag nila sa aking pangalan.

"Ate Thalia!"

....

Betrayal and Redemption (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon