08

1.3K 17 0
                                    

"Aaaaaaaaahhhh"

Naalimpungatan ako nang marinig ang malakas na tili ni Mama. Agad akong napabalikwas ng bangon.

"Mama!" Tawag ko sa kaniya habang pababa ako ng aking kama.

Mabilis akong lumabas ng aking kwarto at tinungo ang kwarto ni mama. Nang marating ko ang kaniyang kwarto ay malakas akong kumatok. Mabilis ang tibok ng aking puso dahil sa kaba.

Anong nangyayari? Ba't sumisigaw si mama?

"Ma! Pakiusap buksan mo ang pinto! Si Thalia po ito!" Tawag ko kay mama habang walang tigil sa pagkatok.

"A-Anak! Bumalik ka sa kwarto mo!" Rinig kong sigaw ni mama mula sa loob. Nahihimigan ko ang takot sa kaniyang boses at pag-aalala para sa akin.

Mas lalo akong kinutuban ng masama.

"Mama! Ano po bang nangyayari? Ayos ka lang ba? Please buksan mo ang pinto!" Mas lalo ko pang nilakasan ang pagkatok. Rinig ko ang pag-iyak ni mama sa loob.

Mas lalong gusto kong pasukin ang kaniyang kwarto. May nakapasok ba sa loob ng bahay namin?

"A-Anak bumalik ka sa kwarto mo!" Muling sigaw ni Mama. May butil ng luhang tumulo mula sa aking mata. Kinuyom ko ang aking palad.

"M-Mama! Hintayin mo ako!" Matapos kong isigaw iyon ay dali dali akong bumaba ng hagdanan at nagtungo sa kusina.

Naghanap ako ng bagay na pwedeng gamitin upang mabuksan ko ang pinto ng kwarto ni mama.

Ngunit napatigil ako sa paghahanap nang may makita akong isang puting papel sa ibabaw ng lamesa. Mabilis ko iyong nilapitan tsaka kinuha.

Binasa ko ang nakasulat sa papel at hindi ko mapigilang magngitngit sa galit nang dahil sa nakasulat doon. At lalo akong nagngitngit nang malaman kung kanino ito nanggaling.

Baby,

If you don't want me to kill your beloved mother and your dearest friend. Just do what I wanted you to do.

Strip for me baby.

If you read this took a picture of your nakedness and send it to me. You only have two minutes to do that.

Do it faster, baby. I want to see you naked now.

-Riev

I covered my mouth to suppressed my sobs. Muli kong binasa ang nakasulat. Matapos iyon ay mabilis akong umakyat sa taas at dumiretso sa aking kwarto.

Hindi na ako nagsayang pa ng oras. Hinubad ko lahat ng suot kong saplot sa katawan. Kinuha ko ang phone ko sa ibabaw ng bed side table at in-open ang camera.

Nanginginig ang kamay na itinapat ko ang camera sa ibabaw ng dibdib ko. Sakto lang ang layo nito upang makuhanan ang buong dibdib ko.

I was sobbing while taking pictures of me while naked. Inisip ko nalang na ginagawa ko ito para sa kaligtasan ng mama at kaibigan ko.

That devil jerk threatened me. He used the important people in my life just to get what he wants.

Nang matapos kong kuhanan ang aking sarili ay aligaga akong nagtipa sa aking screen ngunit napatigil din nang ma-realize na hindi ko alam kung saan ko isesend. Hindi niya naman binigay ang number niya. That devil!

Napaigtad ako nang mag-vibrate ang phone ko. Nakita kong may isang message ako from unknown number. Agad ko itong binuksan at binasa ang mensahe.

Betrayal and Redemption (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon