14

1.2K 14 0
                                    

The car stopped infront of a luxurious hotel. Paano ko nasabi? Dahil sa itsura palang ng hotel ay halatang mamahalin na. Wherein only elite people are allowed to enter.

"Young lady, we're here" anunsiyo ni kuya na naghatid sakin. Bumaba siya mula sa sasakyan tsaka umikot patungo sa side ko upang buksan ang pinto ng kotse.

Tinulungan niya akong makalabas ng magarang sasakyan. Agad naman akong nagsabi ng pasasalamat kay kuya na tinanguan niya lang.

"Papasok po tayo" saad ni kuya na ikinatango ko.

May isang guard ang bumati sakin bago ako tuluyang makapasok sa loob ng hotel. Siya ang nagbabantay sa entrance ng hotel.

When we entered, bahagyang kumunot ang noo ko. Ba't sobrang tahimik naman? Dito ba talaga gaganapin ang debut party ko?

"Ahm... kuya... ba't sobrang tahimik naman? Tama ba tayo ng pinuntahang venue?" Paninigurado ko kay kuya na nauunang maglakad kaysa sakin. Dahil siya ang nakakaalam ng dapat naming puntahan.

"The location is correct, young lady. Papunta po tayo sa function hall kung saan naroon ang mga bisita at si young master" paliwanag ni kuya. Tumango tango naman ako.

Marami pa kaming nilikuan ni kuya hanggang sa tumigil kami sa tapat ng isang malaking pinto. The huge door is closed.

"We're here, young lady. If you excuse me, I'll call young master to inform him of your arrival" ngumiti at tumango ako kay kuya.

Lumayo ng bahagya si kuya at may kinausap sa kaniyang telepono. I'm sure, it's Riev. Kasasabi niya lang eh.

Habang hinhintya si kuya ay inayos ko muna ang aking buhok. Nagsimula nanaman akong kabahan. Kaya ayoko ng mga ganitong klaseng selebrasyon eh. I'm not used to many people.

Sana naman onti lang ang mga bisita. At sana may mga kakilala ako. Ang saklap naman kasi kung marami akong bisita tapos wala naman akong kilala ni isa sa kanila.

Pero panigurado akong wala dahil hindi naman ako ang nag imbita. It's Riev.

"Young lady, prepare yourself, the door will open in one minute" anunsiyo ni kuya na kakatapos lang ata na kausapin ang kaniyang amo.

Ninenerbiyos naman anong tumango. Humakbang ako papalapit sa malaking pinto. Ngunit bahagyang kumunot ang noo ko nang may maramdaman.

I tried to move my feet at ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang marealize na wala pala akong suot na heels. Damn.

I'm just wearing my slippers. Bakit ngayon ko lang naramdaman na naka tsinelas lang pala ako? Ang malas naman oh!

I sigh. Bahala na nga. Hindi naman kita na nakasuot lang ako ng tsinelas. Mahaba naman ang ball gown ko kaya okay lang.

At mas mabuti nang nakatsinelas lang ako para hindi masaktan ang paa ko sa heels. Hindi pa naman ako sanay na magsuot nun.

After waiting... the door automatically open. At sunod sunod na flash ng camera ang unang bumungad sakin. Masyado akong nasilaw kaya hinarang ko ang mga ito gamit ang aking mga kamay.

Debut party ba talaga 'to? Ba't ang daming paparazzi? Anong meron? May artista ba?

"Open your eyes"

My heart skip a beat when I heard his cold baritone voice. Ramdam ko rin na may nakatayo na sa harapan ko.

Dahan dahan akong ibinaba ang aking mga braso na humaharang sa aking mukha. Hindi narin ako masyadong nasisilaw sa liwanag.

Napalunok ako nang magtama ang aming mga mata. Hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit bumibilis ang tibok ng puso ko kapag alam kong nasa malapit lang si Riev o kaya naman kapag nasa harap ko siya.

Dati naman ay hindi ako nakakaramdam ng ganito sa kaniya. Ano na bang nangyayari sakin.

He's so freak'n handsome!

Sigaw ng kabilang utak ko. Tama. Sobrang gwapo niya nga. Mas lalo siyang gumwapo sa paningin ko.

Nang marealize ang aking sinabi ay mabilis akong kumurap kurap.

"R-Riev..." I uttered. Umismid lang siya bago biglang lumuhod sa harapan ko na hindi ko inaasahan. My eyes went wide because of his sudden action.

"H-hoy... anong ginagawa mo?!" Pabulong na suway ko sa kaniya. Nakaluhod siya sa harapan ko habang nakayuko.

"Stay still" mariing utos niya.

Napakagat labi ako dahil sa labis na kahihiyan. Inangat ko ang aking ulo at ganoon nalang ang kagustuhan kong kainin ng lupa nang makita ang mga bisita. May mga paparazzi pa. Shit.

"Arnold, give me the box"

Bigla namang lumitaw sa gilid ko si kuya na naghatid sakin sa venue. Arnold pala ang pangalan ni kuya.

Bumaba ang tingin ko sa box na kaniyang hawak. It's a black shoe box na may tatak nang isang mamahalin atang brand ng sapatos.

"Here, young master" iniabot ni kuya Arnold ang hawak na box kay Riev na nanatiling nakaluhod sa harapan ko.

Kinuha niya ang box tsaka inilapag sa carpented na sahig.

"Lift your dress up" utos niya na agad ko namang sinunod. Nakakunot lang ang noo ko habang siya'y pinapanood.

"R-Riev" Mahinang bulong ko habang pinagmamasdan siyang iangat ang kanan kong paa. Inalis niya ang suot kong light pink na tsinelas.

Hindi ko mapigilan ang pag init ng ang aking magkabilang pisngi. Sana talaga lamunin nalang ako ng lupa.

Hinubad niya rin ang kabila ko pang tsinelas. At ngayon ay nakapaa nalang ako. Ramdam ko na ang lamig ng carpet.

"Arnold" Ibinigay ni Riev ang dalawang pares ng tsinelas ko kay Arnold. Agad naman iyong tinanggap ng isa.

Rinig na rinig ko ang mga bulung-bulungan ng mga bisita. At kita ko rin ang sunod sunod na pag flash ng mga camera.

I'm doomed. Really doomed.

Pinanood ko si Riev na buksan ang kahon na nasa kaniyang tabi at ganoon nalang ang pag awang ng bibig ko nang makita ang laman nito.

It's a cream colored sandals. Na sa tingin ko ay may taas na nasa 3-4 inches. It's beautiful and elegant. May mga malilit pang diamonds sa palibot niya.

My heart beats faster while watching Riev. He's the one who put the sandals on my feet. And it really gave butterflies to my stomach. Para naman akong si cinderella nito.

Sakto ang size ng heels sa size ng paa ko. Paano kaya niya nalaman ang size ng paa ko? Sa pagkakaalam ko ay wala naman akong sinabi sa kaniya tungkol dito.

Nang matapos niyang maisuot sa akin ang heels ay dahan dahan siyang tumayo ng tuwid. Pinakiramdaman ko naman heels na suot ko. It's comfortable.

Pero nakakakaba paring maglakad gamit ang magandang sapatos na ito. Baka bigla akong matapilok. Nakakahiya yun.

"Are you nervous?" He gently asked. Dahan dahan akong tumango habang diretsong nakatitig sa kaniya.

"Don't worry, my sweet. I'll be by your side" He whispered. Sumilay ang maliit na ngiti sa kaniyang labi. Mas lalo lang nagwala ang puso ko dahil first time ko siyang makutangr ngumiti.

Shit.

...

Betrayal and Redemption (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon