29

877 11 0
                                    

"Ate Thalia!"

They immediately run towards me. Binitawan ko ang mga paperbags na hawak ko at lumapit sa kanila. Mas lalo akong napaluha nang marinig ko ang iba sa kanila ay naiiyak nang makita ako. Kahit na ako ay naiiyak nang makita sila.

Ang mga bata sa bahay ampunang ito ay sobrang malapit sa puso ko. "Ate!" They hugged me while crying.

"Ate Thalia, miss na miss kita," Naluluhang saad ni Ben. Ngumiti ako sa kaniya at niyakap siya. Isa-isa ko silang binigyan ng yakap. Nasa higit labing limang mga bata ang inaalagaan dito sa bahay ampunan. May mga sponsor naman ang House of Angels kaya kahit papaano ay maayos silang naaalagaan at naibibigay ang mga pangangailangan nila.

"Athaliana," Lumipat ang tingin ko sa isa pang madreng tumawag sa 'kin si Sister Nadya. Nalipat ang tingin ko sa bitbit niyang batang babae na sa tingin ko ay nasa edad lima. Ngayon ko lang nakita ang batang hawak ni Sister Nadya. Ito ang pinakabata sa kanila.

Tumayo ako at nilapitan si Sister Nadya may ngiti sa kaniyang mga labi. "Natutuwa ako at narito ka, Athaliana. Itong batang hawak ko ang pinaka bunso sa lahat." Tukoy ni Sister Nadya sa batang babaeng hawak niya.

"Pwede ko po ba siyang kargahin?" Paalam ko kay Sister Nadya. Nakangiti itong pumayag at inabot sa 'kin ang batang hawak niya.

When she's finally in my arms. I stare at her. "Ano pong pangalan niya, Sister?" Tanong ko nang hindi inaalis ang tingin sa bata.

"Amarie Sofie ang pangalan niya. Five years old. Ngayong buwan lang siya dinala rito sa House of Angels. Ipinaubaya ng ina sa amin dahil hindi niya na ito kayang alagaan pa dahil kapos sa pera." Paliwanag ni Sister Nadya.

Agad akong nakaramdam ng lungkot para kay Amarie. Napakaganda ng pangalan niya. Kasing-ganda niya.

"Hi, ako si Ate Thalia. It's nice to meet you, Amarie Sofie," Masayang pagpapakilala ko kay Amarie. Hinawakan ko ang maliit niyang kamay.

Mas lalo akong napangiti nang makita ang ngiting sumilay sa kaniyang maliit na mukha.

Agad kong nilingon si Riev na bigla ko atang nakalimutan na kasama ko pala. Natunaw ang puso ko nang makitang nakikipag-usap siya sa mga bata. Pinapaligiran na siya ng mga ito.

"Sino iyong gwapong binata na kasama mo, Athaliana?" Na-curios na tanong ni Sister Nadya. Ngunit sa halip na ako ang sumagot ay naunahan ako ni Sister Jena. "Nobyo niya ang binatang iyon, Sister Nadya. Si Akiro Riev."

Tumango-tango si Sister Nadya at nakangiting pinagmasdan ang mga bata na kinukulit si Riev. Napagdesisyunan kong lapitan si Riev habang nasa mga bisig ko naman si Amarie.

"Kuya Akiro, sobrang gwapo mo po. Sobrang bagay kayo ni Ate Thalia." Rinig kong wika ni Suzie. Ginulo ni Riev ang buhok nito at ngumiti. "Really huh?"

I rolled my eyes because of what I've heard from him. Nang makita ako ng mga bata ay agad nila akong nginitian. Dumapo ang tingin ni Riev sa 'kin bago kay Amarie Sofie na bitbit ko.

"Siya si Amarie Sofie. Bago lang siya napadpad dito sa bahay ampunan. She's the youngest here. Five years old." Pagpapakilala ko kay Amarie sa kaniya.

Humakbang palapit si Riev sa 'kin at pinagmasdan si Amarie na nakatitig na rin sa kaniya. "Hey, little one, I'm your Kuya Akiro."

"Ate Thalia at Kuya Akiro. Para po kayong mag-asawa na dalawa at si Amarie ang anak niyo. Ang cute!" Biglang sabi ng isang bata na pamilyar sa 'kin. Lokong batang iyon ah.

Uminit ang pisngi ko nang tumingala sa lalakeng kaharap ko. Nakaramdam ako ng hiya nang makitang nakatitig na din pala ito sa 'kin. Magkaharap kami ni Riev at pinapagitnaan namin si Amarie.

"Can I hold her?" He requested. Gusto niya ring buhatin si Amarie. Nakangiti akong tumango sa kaniya ay ibinigay si Amarie. Kawawa naman ang batang' 'to pinagpasa-pasahan na.

Nang karga na ni Riev si Amarie ay pinagmasdan ko silang dalawa. My eyes widened when Amarie kissed Riev's cheeks. And after stealing a kiss from him. She giggled.

My heart started to beat faster when I saw Riev smiling genuinely while staring at Amarie. His eyes showed lots of emotion while staring at her. This is the very first time that I saw him smiling genuinely. Hindi nakasimangot, hindi nakangisi o kahit mapang-asar na ngisi kundi isang totoong ngiti.

"You naughty, girl." Riev said while smiling. This is the moment I will cherish forever. Seeing him holding a five years old little girl while smiling genuinely is a memory I will treasure forever.

....

Betrayal and Redemption (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon