12

1.3K 21 0
                                    

Days passed by unti unti na akong nasasanay sa presensya ni Riev. We're always together. Palagi niya akong sinusundo sa school atsaka kami dumidiretso sa mansyon.

Halos magiisang buwan na naming kilala ang isa't isa pero hanggang ngayon ay hindi ko parin siya masyadong kilala. Pati ang kaniyang buong pangalan ay hindi ko alam.

Ang tanging alam ko lang ay siya si Riev. That's it.

Gusto ko pa sana siyang makilala ng lubusan but he doesn't allow me. Kapag tinatanong ko siya ng iilang bagay tungkol sa kaniyang buhay ay agad niyang iniiba ang topic.

Halos alam niya na ang tungkol sa akin. And that's unfair.

Pero isang bagay lang ang isa pang sigurado ako. Mayroon siyang nakababatang kapatid. At ang kapatid niyang iyon ang una kong nakilala.

"Anak"

Bumaling ako sa direksiyon ni mama abala sa paghahanda ng mga sangkap para sa lulutuing sinigang. Ang ulam namin ngayong tanghali.

"Bakit po ma?" Tanong ko. Abala naman ako sa paggawa ng mga assignments ko sa school.

"Malapit na ang birhtday mo. Anong gusto mong handa?" Tanong ni mama.

Biglang pumasok sa aking isip ang nalalapit kong kaarawan. Tama si mama. Malapit na ang birthday ko. Tatlong araw nalang nasa legal age na ako.

Naalala ko ang sinabi ni Riev na hihintayin niya daw akong tumungtong ng eighteen bago niya ako galawin. Hindi ko maiwasang hindi kabahan.

"Anak"

Bumalik ako sa reyalidad nang muli kong marinig ang boses ni mama. Ayy oo nga pala. May tinatanong si mama sakin.

"Ma, kakainin ko naman po lahat basta ikaw ang nagluto" nakangiting sagot ko dito. May ngiti sa labing umiling si mama.

"Gusto mo ba ng bonggang party anak? Magdi-dise-otso kana. Lahat ng mga tumatapak sa eighteen na edad ay mayroong bonggang selebrasyon. Gusto mo ba iyon? Gagawa ako ng paraan para mabigyan ka ng ganoon anak"

May humaplos sa puso ko nang marinig ang sinabi ng aking ina. Mahal na mahal talaga ako ni mama. Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti.

"Mama, hindi ko na po kailangan ng bonggang selebrasyon para sa 18th birthday ko. Kahit simpleng salo salo lang ay masaya na ako"sinserong saad ko.

Atsaka hindi naman ako sanay sa isang bonggang handaan. Mas kontento ako kapag simple lang.

Simple but memorable.

"Pero anak pangarap iyon ng mga dalagang magde-debut" pangungumbinsi sa akin ni mama.

Umiling ako. "Ma, it's not my dream. It's theirs. Ang tanging pangarap ko lang naman ay ang makapagtapos ng pag aaral, makahanap ng trabaho na may sapat na sahod. At gusto kitang mapasaya sa paraang alam ko. That's my only dream for us, ma. Masaya parin naman ako kahit simple lang. Walang suot na gown, walang eighteen roses o kahit ano. Ang importante lang sakin ay nasa tabi parin kita hanggang sa tumungtong ako sa edad na disi-otso" nakangiting saad ko.

Nakita ko ang pangingilid ng mata ni mama.

"Napakabait mo talagang bata ka" maluha-luhang saad ni mama. Malapad akong ngumiti.

"Sobrang bait din kasi ng mama ko, siyempre saan pa ba ako magmamana ng kabaitan at kagandahan?" Ani ko.

Napailing nalang si mama. "Ikaw talagang bata ka"

And we both laughed.

"Uy bes, bukas debut mo na ah," ani Kat. Sabay kaming naglalakad palabas ng school.

"Oo nga eh"

"Ano bongga ba ang magiging handaan para sa 18th birthday mo?" Rinig kong tanong niya.

Maliit akong ngumiti at umiling.

"Hindi. Sinabi ko kay mama na simpleng salo-salo lang ang gusto ko. Atsaka wala naman kaming sapat na pera para bonggahan pa ang paghahanda para sa birthday ko" aniya ko.

"Ayy sayang naman. Minsan lang naman 'yan sa buhay mo eh" saad ni Kat.

"Okay lang naman sakin Kat kahit hindi bonnga. Ang mahalaga kasama ko yung mga mahahalagang tao sa buhay ko sa 18th birthday ko" i said then smiled at her.

She sigh. "Well that's your decision and i respect it. Basta dapat hindi mawala ang lumpiang shanghai sa handa mo ah"

Natawa ako sa huling sinabi ni Kat. She's a lumpia lover.

"Wait,"

Napakunot ang noo ko nang huminto si Kat sa paglalakad kaya napahinto rin ako.

"Why? Why did you stopped?" I asked.

Bumaling ang tingin niya sakin kalaunan ay ibinalik din ang tingin sa tinitignan niya. Hindi ko nga alam kung anong tinitignan niya.

"Is that your admirer?" She curiously asked. Bahagya namang kumunot ang noo ko dahil sa kaniyang sinabi.

"Huh? Admirer? Sinong admirer?" Naguguluhan kong tanong. Ngumuso si Kat sa isang direksiyon kaya sinundan ko iyon ng tingin.

At ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ko siya. Si Riev. He's here to fetch me i guess.

"Is he your admirer, Thalia? I often saw him with you ha, ikaw bes ha, you didn't even bother to tell me na may nanliligaw na pala sayo" Katalina teased na ikinasimangot ko.

"Hindi niya ako nililigawan, Kat. Wag kang ma-issue" i said habang pinagmamasdan ang lalakeng prenteng nakasandal sa kaniyang mamahaling kotse.

Maraming mga babaeng estudyante ang napapatigil sa paglalakad nang dahil sa kaniya.

"Don't deny it, bes. Palagi ka kaya niyang sinusundo, hindi mo ako masisisi kung bakit binigyan ko ng issue ang pagsundo-sundo niya sayo" ani Kat.

Nagsimula na akong humakbang. Naramdaman ko namang agad na sumunod si Kat.

"He's so handsome and hot. Gosh, naka-jackpot ka girl!" Mahinang tili ni Kat. I rolled my eyes.

Jackpot my ass.

Nang makalapit kami sa kaniya ay tuwid siyang tumayo.

"Let's go" he coldly said. Naglakad siya at umikot patungo sa driver seat. I sigh. Ni hindi manlang ako pinagbuksan ng pinto.

Hinarap ko si Katalina na nasa gilid ko. Nakita ko ang kaniyang reaksiyon, nakangiwi. Siguro dahil sa nakita niyang pagka-ungentleman ng lalake.

"See? He's not my admirer, he's just err ... a rude friend" nakangiwi kong saad.

"Una na 'ko, Kat" paalam ko rito.

She sigh. " Yeah, bye. Let's talk about this tomorrow" aniya. Ngiti at tango lang ang naging tugon ko.

Binuksan ko ang pinto ng kotse saka pumasok. Kumaway pa ako ng huling beses kay Kat kahit na alam kong hindi niya naman ako nakikita. The car window is heavy tinted.

"Napaka-ungentleman mo" nakasimangot kong sabi sa katabi kong nasa driver seat.

"Tsk" he coldly replied. I just rolled my eyes.

...

Edited. 07/09/22

Betrayal and Redemption (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon