02

1.9K 33 0
                                    

Agad kong minulat ang mga mata ko atsaka mabilis na napabangon. Ngunit bumalik din ako sa aking pagkakahiga nang maramdaman ko ang matinding pagkirot ng aking ulo. Shit na hangover!

Ano bang nangyari sa 'kin? Ba't ako nalasing?

"You're awake."

Agad na lumipad ang mga mata ko sa pinagmulan ng boses na iyon. At nanlaki ang mga mata ko nang makakita ng isang gwapo at sobrang hot na lalake sa aking harapan. Ilang metro lang ang layo niya sa kamang kinaroroonan ko.

Halatang kagagaling niya lang sa banyo dahil basa pa ang kaniyang buhok at may tumutulo pang tubig mula rito. At ang mas malala ay nakatop-less siya. Tanging isang puting tuwalya lang ang tumatakip sa ibabang bahagi ng kaniyang katawan.

Pero agad din akong bumalik sa reyalidad nang mapagtanto ang sitwasyon ko ngayon.

Ba't may kasama akong lalake? Ba't wala ako sa bahay? Paano ba ako nalasing?

"You don't remember what happened, do you?" Ani ng lalake at naglakad patungo sa aking direksiyon.

Agad naman akong umatras at diniin ang sarili sa headboard ng kama.

Nangyari? Anong ibig niyang sabihin na hindi ko maalala ang nangyari? May nangyari ba? May ginawa ba kami?

"Don't you dare go near me!" I hissed.

Nakita kong umangat ang sulok ng labi ng estranghero. May nakikita akong amusement sa kaniyang mga mata. Tumigil lang siya sa paglalakad nang nasa gilid na siya ng kama.

"Why? You regretted it already?" He mocked.

Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Biglang humigpit ang kapit ko sa kumot. So, may nangyari nga? Sa aming dalawa?

"Anong ginawa mo sa 'kin?!" Nanlilisik ang mga matang tanong ko sa kaniya.

"Oh, I just fulfill your wish last night." He answered with a smirk on his face.

Nagngitngit ang ngipin ko dahil sa kaniyang sinabi.

"You took advantage on me!" I accused.

Iyon naman ang totoo. He took advantage on me while I'm in a drunk state.

"I didn't. You gave yourself to me." He plainly said. Tumalikod siya at naglakad patungo sa isang direksiyon kung saan ang kaniyang walking closet.

Napayuko ako at pilit inaalala ang nangyari kagabi. Pero kahit na anong pilit ko. Hindi ko talaga maalala. Damn this!

Pinakiramdaman ko ang aking sarili kung nay masakit ba sakin. Ngunit unti unting kumunot ang noo ko nang maramdamang wala naman lalo na sa ibabang bahagi ko.

Diba kapag unang beses mo pa lang na makipagtalik ay makakaramdam ka ng sakit?

Inangat ko ang aking tingin. Dumapo ito sa direksiyon ng lalake. Nasa loob pa siya ng kaniyang walk in closet at abala pa sa pagbibihis.

Hinawi ko ang kumot na nakatabon sakin at agad na tumayo. Mas lalong kumunot ang noo ko dahil ganoon parin naman ang suot ko kagabi. I'm not naked at all.

Nagsisinungaling lang ba ang lalakeng iyon?

I even checked his bed if there's any blood stain in it, ebidensiya na siya ang nakauna sakin. Pero wala.

So he's just lying?

I sighed in relief. Nothing happened between you and that guy Thalia. Your hymen is still intact.

Gosh! I thought I'd lost my virginity last night.

Nakataas ang kilay na lumabas ang lalake mula sa kaniyang walk in closet.

"You lied." I said while staring at him. Nagkibit balikat lang siya.

"If you want to go home, feel free to leave my house." Was all he said before storming out of his room.

Napanguso nalang ako dahil sa huling sinabi ng lalakeng iyon. Should I thank him?

Of course you should. He brought you to his house and he didn't took advantage on you while you're drunk. And you need to apologize too. Said the back of my mind.

Yeah, I need to apologize. Inakusahan ko siya kanina.

Pero paano ko 'yon gagawin? Parang ang hirap niya namang lapitan, mukha siyang masungit. Hindi, masungit talaga siya.

Napailing nalang ako. Napagdesisyunan kong lumabas na ng kwarto niya.

Habang tinatahak ang hallway ay hindi ko mapigilang libutin ang aking mga mata sa kabuuan ng bahay. His house is quite big.

Nang marating ko ang dulo ng hagdan ay tinahak ko ang daan pababa.

Black and white ang kwarto.

Black and white din ang hallway.

Pati ba naman sa baba pinaghalong black and white parin?

Nang tuluyang makababa ay agad siyang hinanap ng mga mata ko. Naglakad lang ako nang naglakad sa loob ng kaniyang bahay habang tinititigan ang bawat painting na nakasabit sa ding ding.

Hindi ko mapigilang hindi mapaismid. Pati ba naman painting black and white parin? Adik lang sa black and white?

Hindi ko namalayan na napadpad na pala ako sa bahagi ng bahay kung saan may swimming pool. Tanaw ko ang malaki at malawak na swimming pool mula sa aking kinatatayuan.

Hanggang sa lumipad ang aking mga mata sa lalakeng nakatalikod. May hawak siyang cellphone na nakalagay sa kanang tainga niya. Mukhang abala siya sa pakikipag-usap sa kung sino man.

Hindi ko sinasadyang marinig ang pagsasalita niya. Nakabukas kasi ang glass door at medyo may kalakasan din ang kaniyang boses.

"Yeah. Damn you, brother"

Kumunot naman ang noo ko. Brother? Ibigsabihin may kapatid siya?

"I'll just wait for your arrival. My house is always open bro-I'll go back to greece after two days."

Ang mga sumunod na sinabi niya ay hindi ko na naintindihan dahil ibang lengguwahe na ang ginamit niya. Hindi na ako magtataka kung bakit mukha siyang greek god na nagmula Mt. Olympus. He's from Greece... or not?

Pero sa tingin ko ay hindi. The language he used awhile ago doesn't seem to be a greek language. Parang italian language ang gamit niya kanina. Maybe he's from Italy.

"What are you still doing here? I thought you left already,"

I came back to my senses when I saw him standing infront of me with his usual cold face. Walang emosyon ang kaniyang mga mata habang nakatitig sakin. Parang kanina lang nakita ko yung playful side niya, anyare ngayon?

"U-Uh... andito ako para magpasalamat at mag-sorry." Medyo nahihiya ko pang saad. Nakakapanghina naman siyang tumitig.

"You don't need to. You can leave now." Aniya sa malamig na tono. Matapos iyon ay kaniya akong nilagpasan.

Napanganga naman ako dahil sa kaniyang inasta. Napakasungit. Tsk!

-
Edited. 06/15/22

Betrayal and Redemption (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon