16

1.2K 15 0
                                    

Kasalukuyan akong nasa kusina at abala sa pagb-bake ng cookies. Naisipan ko kasing igawa ng cookies si Riev. Sa ganitong paraan ay maipapakita ko sa kaniya kung gaano ako nagpapasalamat sa mga ginawa niya sa araw ng birthday ko.

For me, that day was indeed memorable, especially that my mother is there. Kasama siya ni Kat nang magpaalam ito sakin. Iyon pala ay sinundo niya lang si mama at dinala sa table namin.

Ang sabi ni mama at Kat. Riev was the one who invited them. And I'm so thankful dahil nakasama ko sila that night. On my special day.

Nakakalungkot lang dahil after akong iwan ni Riev ay hindi ko na siya nakita pa noong gabing iyon. Ang sabi niya hintayin ko siya, and I did. Umaasa ako na makita ko siya at makasayaw sa eighteen roses ko.

Pero hindi iyon nangyari. Halos ang mga nakasayaw ko ay mga binatang hindi ko naman kilala. Kaya sobra ang pagkailang ko sa kanila habang nagsasayaw.

Kahit na ganoon ay masaya parin ako dahil kasama ko ang bestfriend at ang mama ko. That's more than enough for me.

"Hula ko, mag pagbibigyan ka niyan noh?" Saad ng boses mula sa gilid ko. At nang lingunin ko ito ay nakita ko ang nakangiting si mama.

"Oo, ma. Naisipan ko kasing ipag-bake si Riev, ma. Para magpasalamat sa kaniya. Hindi ko pa kasi siya napapasalamatan sa lahat ng paghahandang ginawa niya para sa kaarawan ko" wika ko habang isa isang nilalagay sa loob ng isang transparent tupperware ang mga cookies na binake ko.

"Paano ba nakilala ang binatang iyon, anak?" Curious na tanong ni mama.

Bahagya akong natigilan nang dahil sa tanong niyang iyon.

Hindi alam ni mama na si Riev ang inutangan ni papa ng malaking halaga.

"Ah... tinulungan ko po kasi siya" pagsisinungaling ko. Ipinagdarasal ko na sana hindi na magtanong pa si mama dahil hindi ko na alam ang sunod ko pang idadahilan. Wala akong maisip.

Nakita ko sa peripheral vision ko na bubuka pa ang bibig ni mama upang magtanong. Kaya lang ay agad akong kumilos upang maiwasan ang kaniyang tanong.

"U-Uh... ma, sige po ah, magbibihis lang po muna ako" nakangiting paalam ko rito. Tumango naman si mama tsaka ngumiti.

Dali dali akong lumabas ng kusina at umakyat sa taas upang tumungo sa aking kwarto. Malakas akong bumuga ng hangin nang makapasok ako sa aking kwarto.

Sorry, ma...

"U-uh... hi?" Bati ko kay Stella nang makapasok ako sa loob ng mansyon ni Riev. She stared at me and smiled.

"Ms. Thalia, you're here!" She exclaimed. Ngumiti ako at tumango.

"Si boss Riev ba ang sadya mo, Ms. Thalia?" Nakangiting tanong ni Stella.

"Thalia nalang ang itawag mo sa 'kin. At oo, nasa opisina niya ba si Riev?" Nagbabakasakaling tanong ko. Humigpit ang hawak ko sa dala kong brown paper bag na naglalaman ng cookies na ako mismo ang nag bake.

"Yes, Thalia. Nasa loob si boss. Come, follow me"

Katulad ng sinabi ni Stella ay sinundan ko siya hanggang sa makarating sa harapan ng pinto ng opisina ni Riev.

"Just wait for me here, Thalia" aniya na agad ko namang tinanguan.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaisipang makikita ko ulit siya.

This past few days, parang nagiging weird na ako. Laging bumibilis ang tibok ng puso ko kapag naaalala ko si Riev. Especially the moment wherein he's the one who put sandals on my feet during my 18th birthday.

I always felt butterflies inside my stomach just by the thought of him. His perfect sculptured face. His cold face. Everything about him. Parang mas lalo kong na appreciate ang buong pagkatao niya.

Seriously, what's happening to me?

"Thalia"

"Thalia"

Bumalik ako reyalidad nang marinig ko ang paulit ulit na tawag ni Stella sa pangalan ko.

"Your spacing out. You can now go inside now" nahihiyang ngumiti ako rito tsaka nagpasalamat.

When I finally entered his office. Riev's addicting manly scent invaded my nostrils. Habang tumatagal ay mas lalo kong nagugustuhan ang amoy niya.

"I'll go now, Thalia" paalam ni Stella. Ngumiti ako tsaka tumango sa kaniya.

Nang makaalis si Stella ay agad na dumapo ang mga mata ko sa gitnang bahagi ng opisina. And there, I saw him, the reason of my sleepless nights.

He's busy on his laptop while wearing his eye glasses that made him look like a hot strict professor

Ang mahabang sleeves ng kaniyang polo ay nakatupi hanggang siko. At ang dalawang butones sa kaniyang harapan ay nakabukas. He's so damn hot.

"Too much staring is rude, you should know that"

Napakurap kurap ako ng dalawang beses nang marinig ko ang kaniyang baritonong boses.

"Uh... sorry" I almost whispered. Nakaabot ito sa kaniyang pandinig dahil napansin kong tumigil siya sa pagtipa sa keyboard ng kaniyang laptop.

My heart race again when his cold eyes met mine.

"Sorry for what?"

Napalunok ako dahil sa intense ng kaniyang pagtitig.

"Sorry for staring at you" I said. Nakaramdam ako ng hiya sa aking sinabi. Paniguradong namumila na ang magkabilang pisngi ko.

"What are you doing here anyway?" Imbis na tanong niya.

Nangatog ang aking dalawang tuhod sa hindi malamang dahilan.

Kaya mo 'yan, Thalia!

Ngumiti ako at naglakad palapit sa kaniyang office table. Nagpapasalamat ako dahil hindi ako natumba habang tinatahak ang table niya. Sobrang nanlalambot ang tuhod ko. At mas lalo lang iyong nanginig nang makita ko ang matamang pagtitig sa akin ni Riev.

His stares can make my knees turn into jelly. And my heart keeps on beating faster as if I've been into marathon.

"Here" nilapag ko sa ibabaw ng kaniyang lamesa ang brown paper bag na dala ko. Dumapo ang mga mata niya doon.

"What's this?" Kunot ang noong tanong niya. Kinuha niya ang paper bag at kinuha ang nasa loob non.

Nilukob ng kaba ang aking puso. Magugustuhan kaya niya?

"Cookies?" Tanong niya nang mailabas ang laman ng paper bag. Dahan dahan akong tumango.

"That's my thank you gift. Hindi pa ako nakakapagpasalamat sayo sa paghahandang ginawa mo nung birthday ko. Kaya naisipan kong ipag bake ka" kahit labis na kinakabahan ay ngumiti parin ako.

"S-sana magustuhan mo..." Halos ibulong ko nalang ang mgs katagang iyon sa kaniya.

Nakita kong umangat ang sulok ng kaniyang labi.

"Come here" utos niya. I bit my lower lip before obeying him.

Nang makalapit ako sa kaniya ay malakas akong napasinghap nang hilahin niya ako. I landed on his lap na ikinalaki ng mga mata ko.

"Open it and feed me, Thalia. Let me taste your cookies" he huskily whispered. Para akong naestatwa nang dahil sa sinabi niya.

Shit. Bakit parang may malalim pang ibigsabihin yun?

....

Betrayal and Redemption (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon