05

1.5K 20 0
                                    

It's Saturday morning and I decided to go to a near grocery store to buy some stuffs that needed in the house.

Nag morning jog ako hanggang sa makarating sa isang grocery store.

Kumuha ako ng isang basket dahil onti lang naman ang bibilhin ko. Ang sasakto lang sa dala kong pera. Isang libo lang kasi ang pera ko sa bulsa.

Nang matapos ako sa pamimili ay dumiretso na ako pauwi.

Bumagal ang paglalakad ko nang makitang may isang magarang kotse ang nakaparada sa tapat lang ng aming bahay. Agad na nagsalubong ang kilay ko.

May bisita ba si mama?

Mukhang mayaman ang may-ari ng kotse.

May kaibigan bang mayaman si mama? Ba't ngayon ko lang nalaman?

Nang tuluyan ko nang marating ang tapat ng aming bahay at dali dali akong naglakad papasok. Gusto kong makita kung sino ang bisita ni mama.

Papasok na sana ako ng sala ngunit napatigil ako nang marinig ang basag na boses ni mama. She's crying. Pero bakit?

"Pakiusap, pwede bang b-bigyan niyo pa ako ng pagkakataon? P-pangako... magbabayad ako. B-babayaran ko ang u-utang ng asawa ko..."

Tila tumigil ang pag-ikot ng mundo ko nang marinig ko ang sinabi ng aking ina.

Utang? May utang kami?

"Pasensya na Mrs. Hermosa ngunit nakalapag na ng bansa ang young master. Dapat niyo na siyang bayaran sa lalong madaling panahon kundi ay buhay mo at ng anak mo ang kapalit sa malaking halaga na inutang ng iyong asawa sa young master" Boses iyon ng isang lalake.

Ano? Papatayin kami kapag hindi namin nabayaran ang malaking halaga na inutang ni papa sa boss niya? Kalokohan!

Rinig kong mas lalong napaiyak si mama dahil sa sinabi ng lalakeng iyon. Hindi na ako nakapagpigil. Basta ko nalang ibinagsak sa sahig ang hawak kong plastic ng grocery tsaka dire diretsong pumasok sa sala.

Nanlaki ang mga mata ni mama nang makita akong pumasok.

"A-Anak"

Mas lalo akong nasaktan sa aking nakita. Nakaluhod si mama sa harapan ng isang lalakeng nakasuot ng isang suit. Walang emosyon ang mukha nito nang dumapo ang tingin sakin. Sa tingin ko ay nasa mid 30's na ito.

"Mama, ano bang ginagawa mo? Tumayo ka po diyan" May halong inis na saad ko kay mama tsaka siya tinulungang tumayo.

Nang tuluyang makatayo si mama ay tsaka ko hinarap ang lalakeng nakasuot ng itim na suit. Tinago ko si mama sa aking likod.

"Magkano ang utang ng papa ko sa boss mo?" Matapang kong tanong.

"Limang milyon ang utang ng iyong ama sa young master, iha" Walang emosyong sagot nito.

Halos manghina ako nang marinig ko ang halaga ng utang ni papa sa lalakeng iyon.

Parang gusto kong magmura! Ba't sobrang laki ng utang ni papa? Limang milyon? Anong ginawa niya sa limang milyon?!

Huminga muna ako ng malalim bago muling magsalita.

"Gusto kong makilala ang tinutukoy mong young master. Ako ang kakausap sa kaniya tungkol sa utang ng papa ko" Saad ko.

"Pero iha-"

"Gusto ko siyang makita, sir. Iyon lang ang pakiusap ko. Ako ang haharap sa kaniya" pagputol ko sa kaniyang dapat na sasabihin.

"Kung iyan ang kagustuhan mo. Bukas ay susunduin kita at dadalhin kay young master Riev" pagpayag nito.

Nakahinga ako ng maluwag nang pumayag ito.

Nang makaalis ang lalakeng naka itim na suit ay nanghihina akong napaupo sa aming sofa dito sa sala. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng aking luha.

Bakit biglang naging ganito ang sitwasyon namin ni mama? Natatakot ako para sa aming dalawa.

"A-Anak"

Nang marinig ko ang boses ni mama ay dahan dahan ko siyang hinarap.

"M-Mama, ba't di mo sinabi sakin agad?"

Tumabi sakin si mama at niyakap ako. Niyakap ko din siya ng mahigpit.

"P-Pasensya na anak"

"A-Ang laki ng problema natin ngayon mama dahil kay papa" Hindi ko mapigilang sabi.

"Ma, limang milyon ang utang ni papa, anong ginawa niya sa pera?" Nagtatakang tanong ko. Humiwalay ako kay mama tsaka tumingin sa kaniya ng diretso.

"Ipinang sugal ng papa mo ang pera anak pero natalo siya sa sugal"

Mariing kumuyom ang aking palad.

"Nagalit ako sa papa mo noong malaman ko na nangutang siya ng malaking pera sa isang mayamang lalaki. Akala ko ginamit niya sa mabuting paraan ang inutang niyang pera. Pero nagkamali ako dahil ipinatalo niya lang ito sa sugal"

Mariin naman akong napapikit dahil sa nalaman. Ipinang sugal niya lang ang pera? Nangutang siya para may pang sugal siya?

"Pinagbantaan siya ng lalakeng inutangan niya. Na kapag hindi niya nabayaran ang limang milyong utang niya ay buhay niya ang magiging kapalit"

"I-Iyon po ba ang dahilan kaya tayo iniwan ni papa? Kaya siya umalis? Kasi natatakot siyang mamatay? Kaya siya nagtatago ngayon?" Sunod sunod na tanong ko kay mama.

Malalim na huminga si mama. "Oo. Sa tingin ko ay iyon nga ang dahilan kung bakit tayo iniwan ng papa mo anak"

Hindi ko mapigilan ang hindi makaramdam ng galit sa sarili kong ama. Iniwan niya kami. At dahil kami ang nandito. Kami ni mama ang humaharap sa problemang kinasasangkutan niya. Wala siyang kwentang ama. Isa siyang duwag.

"Anak, wag ka kang mag-alala gagawa ako ng paraan para makabayad tayo sa utang ng papa mo. Magdo doble ako sa pagtatrabaho para makaipon tayo ng perang pambayad sa lalakeng pinagkakautangan ng papa mo" wika ni mama.

"Ma, limang milyon ang utang ni papa sa lalakeng iyon. Hindi birong halaga ang limang milyon. Kahit magtrabaho pa tayong dalawa hindi tayo makakaipon ng ganoong kalaking halaga. Bago pa tayo makaipon paniguradong patay na tayo" hindi ko maitago ang takot sa aking boses para sa buhay namin ni mama.

Naalala ko ang banta ng lalakeng naka itim na suit kanina. Buhay namin ni mama ang magiging kapalit kapag hindi namin nabayaran ang utang ni papa. Ayoko pang mamatay. Marami pa akong pangarap para samin ni mama.

"A-Anong gagawin mo anak? Tototohanin mo ang sinabi mo kanina? Makikipagkita ka sa lalaking iyon?" Nahihimigan ko ang pagkabahala sa boses ni mama.

Tipid akong ngumiti tsaka mahigpit na hinawakan ang dalawang kamay ni mama.

"I need to do this ma. Para sa ating dalawa ang gagawin kong ito. Ako mismo ang makikiusap sa kaniya na bigyan pa tayo ng mahabang panahon para makapagbayad"

Kung sakaling si kamatayan man ang makakaharap ko. Wala akong pakealam.

-
Edited. 06/16/22

Betrayal and Redemption (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon