23

1K 13 0
                                    

"Sigurado ka ba na gusto mo nang umuwi?" Tanong ni Kai.

Ngumiti ako sa kaniya at tumango. "Oo, Kai. Nakakahiya naman kung mag-tatagal pa ako dito. Atsaka paniguradong hinahanap na ako ni mama sa bahay. Alalang-alala na 'yon sa'kin."

Tumango-tango naman si Kai tsaka ngumiti. "Kung gan'on ay ihahatid na kita sa inyo. At bawal kang tumanggi. Nag-aalala ako sayo, baka mapahamak ka pa sa daan. Kahit araw ay marami paring loko-loko sa daan."

Napabuntong-hininga ako. "Sige, Kai. Maraming salamat talaga sa tulong at malasakit mo sa'kin."

"It's my pleasure to help and to meet you, Thaliana. I hope we can be friends from now on," he smiled.

Ayan nanaman ang makalaglag panty niyang ngiti.

Ngumiti ako pabalik at in-extend ang kanang kamay ko. Asking for a handshake.

"It's so nice to meet you, Kai. Let's be friends," anas ko habang diretsong nakatitig sa kaniyang magandang mga mata.

Mas lalong lumiwanag ang kaniyang mukha. Inabot niya ang aking kamay bago malawa na ngumiti. "Thank you, Thaliana."

"Just call me, Thalia." Saad ko. Mabilis naman siyang tumango.

....

Tahimik kong pinagmasdan ang mga painting na maayos na nakasabit sa ding-ding. Dapat ay ihahatid niya ako pauwi kaya lang ay may biglang tumawag sa kaniya at mukhang importante iyon dahil nagpaalam muna siya sa 'kin saglit na aalis muna at pagbalik niya at saka niya ako ihahatid pauwi.

Tinanong niya kung ayos lang ba sa 'kin ang maiwan mag-isa rito kaya tumango ako at sinabing magiging ayos lang ako.

Bago siya umalis ay pinaalalahanan niya akong wag basta-bastang mag-bubukas ng pinto upang hindi na maulit ang nangyari sa akin kagabi.

Sobrang laki ng pasasalamat ko kay Kai. Kung hindi dahil sa kaniya ay paniguradong natuloy ang balak ng mga lalakeng lasenggo na iyon.

Sinikap kong kalimutan ang gabing iyon ngunit kada minuto ay bumabalik ang mga eksenang iyon sa isip ko. Kaya naisipan ko nalang na aliwin ang aking sarili sa pagtingin-tingin ng mga paintings na nakasabit sa ding-ding.

Maya-maya ay dumapo ang mga mata ko sa isang napakalaking picture frame.

Picture frame ng isang masayang pamilya.

Dumapo ang mga mata ko sa isang lalakeng nakasuot ng suit at may malawak na ngiti sa mga labi. May ngiting sumilay sa aking labi.

It's Kai.

Napakaaliwalas ng kaniyang mukha at halata ang saya sa kaniyang mga mata.

Sunod naman na dinapuan ko ng tingin ay ang kaniyang mga magulang. Hindi na ako magtataka kung bakit napaka-gwapo ni Kai. His parents genes are no joke.

Napakasayang titigan ang masayang larawan ng kanilang pamilya.

"That's my parents."

Bahagya akong napaigtad nang may mag-salita sa gilid ko. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang si Kai lang pala iyon.

Hindi ko man lang namalayan na nakauwi na pala siya. Saan kaya siya nagpunta?

"Ops. Nagulat ba kita?" Nakangiwing tanong ni Kai. Binigyan ko siya ng isang maliit na ngiti. "Hindi naman masyado." Sagot ko.

"Sorry kong nagulat kita. Anyways, do you want to go home? Ihahatid na kita." Kai offered.

Nang dahil sa sinabi niya ay biglang pumasok sa isip ko ang nag-aalalang mukha ni mama. Shit. Kailangan ko na ngang umuwi. Paniguradong sobrang nag-aalala na sa 'kin iyon.

"Oo nga pala, Kai. Paniguradong nag-aalala na si mama sa 'kin. I need to go home." Saad ko.

Sumang-ayon naman siya. Sabay kaming naglakad ni Kai palabas ng kaniyang bahay. Paglabas namin ay agad na bumungad sa 'kin ang isang magarang kotse na alam kong pag-aari ni Kai.

"Salamat, Kai." Usal ko nang pagbuksan niya ako ng pinto. Nginitian niya lang ako tsaka tinanguan.

....

Ang tahimik na biyahe ay bigla nalang binasag ni Kai nang siya'y mag-tanong.

"Thalia, are you okay now? How are you feeling?" He asked nang hindi inilalayo ang mga mata sa daan.

Humarap ako sa kaniya tsaka siya binigyan ng isang maliit na ngiti. "I'm fine now, Kai. It's all thanks to you. Hindi ko alam kung paano ko mababayaran ang ginawa mong pagligtas sa'kin kagabi."

Muli kong ibinaling ang aking mga mata sa daan. Ang ngiti ay nanatili sa aking labi. "Alam kong hindi magiging madali ang paglimot ko sa nangyari sa 'kin noong gabing iyon, pero susubukan kong maging matatag at maging positibo sa buhay."

"You should. If you need a friend, I'm just here for you, Thalia." I heard him said which made me smile even more.

I didn't expect that I'll found my first ever boy friend. And it's Kai.

"Thank you, Kai." I said nang humarap muli ako sa kaniya. He glance at me for just a second. Isang ngiti ang nakapaskil sa kaniyang labi bago niya muling itinuon ang atensyon sa pagmamaneho.

....

"Here's my contact number. Just call me anytime you want, Thalia." Kai said when he gave me his calling card. I accepted it with a smile on my face.

"Maraming salamat ulit, Kai. Sobrang laki ng utang na loob ko sayo." I sincerely said. Napapikit ako nang guluhin niya ang aking buhok.

"Libre mo nalang ako ng street foods next time." He said.

Lumawak ang ngiti ko bago mabilis na tumango. "Sige ba! Ililibre kita next week!"

He left out a soft chuckle. "Okay. Sabi mo 'yan ha?"

Sunod-sunod akong tumango na parang bata. Ni hindi ko nga alam kung bakit ganoon nalang bigla ang inakto ko.

"Alis na ako. Bye!" Nakangiting paalam niya bago pumasok sa driver seat. Kumaway naman ako sa kaniya as a sign of goodbye.

"Ingat ka, Kai!" I added. "Yes, ma'am!" Sigaw niya mula sa loob ng kotse.

Hinintay ko munang makaalis si Kai bago napag-desisyunang pumasok sa loob ng bahay. Bigla tuloy akong kinabahan sa hindi malamang dahilan.

Paano ako magpapaliwanag kay mama niyan? Hindi ko pwedeng sabihin ang nangyari sa 'kin kagabi dahil paniguradong mas sobra iyong mag-aalala sa 'kin. Lalo na't hindi basta-basta ang nangyari kagabi.

It's a serious matter. I was almost got raped.

Pagpasok ko sa bungad ng pintuan ay katahimikan ang sumalubong sa 'kin.

Nasaan kaya si mama?

Naisip kong dumiretso sa sala, nagbabakasakaling makikita ko si mama doon.

Nang nasa bungad na ako ng sala ay bigla akong napahinto nang makita ang hindi inaasahang tao. Likod palang niya pero kilalang-kilala ko na.

Bahagya akong napaatras nang inangat niya ang kaniyang ulo mula sa pagkaka-yuko at lumingon sa gawi ko.

Ikinuyom ko ang aking mga palad. My face went blank. Bumilis ang tibok ng puso ko, hindi dahil may nararamdaman ako sa kaniya kundi dahil sa namumuong galit sa dibdib ko.

....

Betrayal and Redemption (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon