04

1.6K 25 1
                                    

"Bes, pansinin mo naman ako oh"

"Bes naman"

"Thalia"

"Bes, I'm sorry okay, wala akong nagawa kasi kinain na ako ng kalasingan ko, sorry na bes"

"Thalia"

Tumigil ako sa paglalakad pagkatapos ay hinarap si Katalina na kanina pa ako sinusundan mula entrance. Pinag-krus ko ang dalawang braso ko saka seryoso siyang tinitigan.

"That's the reason why I don't want us to enter that club in the first place, Kat. I've already told you na wag kang uminom dahil malalasing ka lang. Sinabi ko sayo na umuwi nalang tayo, but you didn't listen to me" Seryosong saad ko.

Napayuko siya dahil sa sinabi ko. Nagpapasalamat ako dahil wala masyadong estudyanteng dumadaan sa kinaroroonan namin.

"I'm sorry"

"Your sorry is useless now Katalina. May nangyari na, you already lost it in such a young age" Puno ng pagka-dismaya ang boses ko.

"Sinisisi ko rin ang sarili ko, Kat. Sinabi kong babantayan kita pero hindi ko nagawa dahil nalasing din ako at dahil iyon sa katangahan k-ko" My voice cracked. Mariin akong pumikit.

"You're too young, Kat. At nag-aalala ako dahil baka m-magbunga ang nangyari sa inyo ng lalakeng iyon" Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha mula sa aking mga mata. Sobra akong nag-aalala sa kaibigan ko. Ayokong masira ang pag-aaral niya. Ayokong tumigil siya sa pag-aaral.

"G-gumamit naman siya diba? Nang p-proteksiyon?" Halos pabulong ko na sabi. Pero tama lang para marinig niya.

"H-He didn't" She cried.

At halos manigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa aking narinig. Inis akong napasabunot sa sarili ko.

"Fuck this!" Frustrated na saad ko saka ko siya tinalikuran. Iniwan ko ang bestfriend ko doon habang umiiyak.

I need air. I need to breath.

Nawalan na ako ng ganang pumasok sa klase kaya imbis na dumiretso sa room ay ibang daan ang tinahak ko. Ang daan patungong roof top.

.......

Kasalukuyan akong nakatambay dito sa rooftop habang pinapanood ang iilang mga estudyante na naglalakad sa baba. Para lang silang mga langgam sa paningin ko. I sigh.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa railing nang maalala ang sinabi ni Kat.

They didn't use protection when they did it. Mas lalo lang sumakit ang ulo ko sa isiping baka may posibilidad na mabuntis nang lalakeng iyon si Katalina. Pero hinihiling ko na sana hindi.

Makita ko lang talaga ang lalakeng iyon. Makakatikim talaga yun sakin. Pero bigla kong naalala na hindi ko nga pala kilala ang lalakeng naka-ano ng kaibigan ko.

Pero kilala mo ang kaibigan niya.

Yeah. Kilala ko ang kaibigan ng lalakeng gumalaw kay Kat. Hindi ko man siya kilala sa pangalan pero kilala ko siya sa mukha. Kilalang-kilala. I would never forget his face.

Humanda ka sakin.

.......

Buong araw ay nasa rooftop lang ako tumambay. Hindi ko pinasukan ang lahat ng klase ko dahil ayaw ko munang makita ang kaibigan ko.

Ito ang unang beses na lumiban ako sa klase. Ngayon lang naman.

Kahit nakakaramdam ng gutom ay pinili ko paring hindi kumain.

"Bes"

Napabuga nalang ako ng hangin nang marinig ang boses ng kaibigan ko. Paano niya nalaman na nandito ako sa rooftop?

"Anong ginagawa mo dito? Ayaw muna kitang makita Katalina" Malamig na saad ko. Ni hindi ako nag-abalang tapunan siya ng tingin.

"Hindi ka pumasok" Aniya.

"Ayaw kitang makita"

"Hindi ka manlang ba bumaba para mag-lunch?" Tanong niya.

"Hindi ako nagugutom" Malamig paring tugon ko.

"Binilhan kita ng pagkain. You need to eat Thalia"

Narinig ko ang mga yapak niya patungo sa direksiyon ko. Ngunit isinawalang bahala ko lang ito.

"Bes" Tawag niya.

"Leave me alone" Malamig na tugon ko.

"S-Sorry na bes"

Tila nanigas ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang pagkabasag ng kaniyang boses. Rinig ko rin ang pagsinghot niya.

She's crying.

"I-I'm sorry. I'm so sorry, Thalia. A-Alam kong kasalanan ko kung bakit nangyari to sakin. Nagsisisi na ako! Sising-sisi ako! Na-realize ko na mali ako! Sobrang mali!" Mas lalong lumakas ang kaniyang pag-iyak.

Dahan-dahan akong napayuko. Ang sama ko bang bestfriend? I ignore her dahil hindi ko matanggap na parang wala lang sa kaniya ang pagkawala ng pagka-birhen niya. Naiinis ako sa kaniya dahil dun!

"But please, bes. Pansinin mo naman ako. Kailangan na kailangan kita ngayon. Hindi ko kaya na ganiyan ka. Sobrang lamig mo sakin hindi ako sanay!" Hagulgol niya.

Tuluyan niya nang nakuha ang atensyon ko. Pinagmasdan ko ang kaibigan kong iyak nang iyak. Nakalagay ang dalawang palad sa kaniyang mukha habang patuloy sa pag-iyak. Bigla akong nakaramdam ng guilt.

"Please bes... sorry na oh... pansinin mo naman ako" She pleaded.

Hindi ko namalayang may tumulo na palang butil ng luha mula sa mata ko. Dahan-dahan akong tumayo at lumakad palapit sa kaniya.

Mas lalo siyang napaiyak nang yakapin ko siya. Kahit ako ay napahagulgol na rin. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"I'm sorry... I'm sorry" Masuyong bulong ko sa kaniya habang marahang tinatapik ang kaniyang likod. Upang patahanin siya.

Naramdaman ko ang paghigpit ng kaniyang yakap. Hindi parin siya tumitigil sa pag-iyak.

"A-Alam kong kasalanan ko... I'm so sorry, Thalia. Napaka careless kong babae" Aniya sa kalagitnaan ng pag-iyak.

"Ssshhh... stop it, Kat. Nothing will change now. Don't blame yourself. We're both at fault here. Stop crying" pag-aalo ko sa kaniya.

"I'm very sorry for ignoring you. Hindi ko mapigilang hindi mainis sayo dahil parang balewala lang sayo ang lahat" Humiwalay ako ng yakap sa kaniya.

Tinitigan ko siya diretso sa mata. I wiped her tears away using my thumb.

"Ayokong tumigil ka sa pag-aaral. Ayokong masira ang buhay mo. Ayokong mabuntis ka ng maaga, Kat. Gusto kong sabay nating matutupad ang mga pangarap natin"

"I'm so sorry, bes. Ipinapangako ko sayo na hindi na tayo ulit pupunta sa club. Ayoko nang maulit pa ang nangyari satin. I already learned my lesson" Saad niya tsaka ngumuso.

Napangiti ako dahil sa sinabi niya.

"From now on we'll just focus in our studies. No clubs, no boys, no distractions" Ani ko na ikinangiti niya.

"Bati na ulit tayo?" Nakangiting tanong niya.

Nagkibit balikat ako.

"Ano pa nga ba?" Saad ko. Ngumiti siya nang malapad saka ako muling niyakap.

Hindi ko mapigilang mapangiwi dahil sa kadramahan namin. Gosh. I hate dramas.

-
Edited. 06/16/22

Betrayal and Redemption (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon