50

1K 16 0
                                    

Five years later...

Athaliana

Napangiti ako nang makababa ako mula sa eroplanong sinakyan ko. It's good to finally back!

"Miss Athaliana, the car is waiting for us outside," Saad ni Butler Alcon. Ngumiti ako sa kaniya at tumango.

Five years already passed. And in those five years, I was able to heal myself. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na may kapatid pala ako. Si Kuya Tristan.

He told me everything that I deserved to know. Someone took me away from them. At hanggang ngayon ay hindi pa nahahanap ang taong naglayo sa 'kin mula sa mga tunay kong pamilya. Sobrang sakit nang malaman ko na hindi ko man lang nakasama ang mga tunay kong magulang kahit na sa huling hininga nila. Pero kahit ganoon ay pinilit kong magpakatatag.

Ang malaking tanong ngayon sa utak ko ay kung paano ako napunta sa mga tumayong magulang ko noon. Who gave me to them? At bakit hindi man lang ni Mama sinabi sa 'kin na hindi niya pala ako tunay na anak? I really need to talk to her. Andito na rin naman ako sa Pilipinas kaya mas mabuting makausap ko si Mama.

I was really thankful with Kuya Tristan. He took care of me at hindi niya ako iniwan noong nagpapagaling ako sa Amerika. Kinailangan niya akong dalhin sa ibang bansa upang doon ipagamot at para na rin mas matutukan niya ako.

I also found out that he's in a Mafia Organization. He even told me that our dad is the former mafia boss but he got killed by an enemy and that's Riev's father.

My brother doesn't want me to get involved in Mafia. But when I fully recovered. I told him that I wanted to join the organization. Gusto kong matutong lumaban. I want to learn how to defend myself from those people who wants to harm me. I want to learn how to used a gun.

But Kuya Tristan didn't let me join the organization. Pero tinuruan niya akong gumamit ng baril at makipaglaban nang hindi gumagamit ng ano mang armas.

Actually, It took me two years to heal myself. Dahil gabi-gabi akong binabangungot. Bumabalik sa isip ko ang pananamantala ng tatlong lalakeng iyon. Pero sabi ni kuya ay wala na sila kaya wala na akong dapat ikatakot pa.

Pero kahit wala na ang mga demonyong iyon ay nakatatak pa rin sa isip ko ang kababuyang ginawa nila sa 'kin. But, I chose to let go of that dark past of mine. Dahil hindi ako uusad sa buhay kapag hinayaan ko ang sarili kong makulong sa madilim na nakaraan.

Nang gumaling ko ay sinabi ko kay Kuya kung sino ang nasa likod ng pandudukot sa 'kin. I told him that it was Rashia na akala ko ay pinsan ko, hindi naman pala. I don't know what Kuya Tristan did to her pero wala na akong pakealam pa doon.

I'm trying to moving forward despite of everything that I've been through from the past. Unti-unti nang naghihilom ang mga sugat sa puso ko. Natuto rin akong magpatawad. Kahit na hindi sila nanghingi ng kapatawaran ay bukal sa puso ko 'yong ibibigay. Kung ang Diyos nga ay nagpapatawad ako pa kaya na tao lang.

And about Riev, aaminin ko na mahal ko pa rin siya. Kahit na isa siya sa mga taong nagdulot ng matinding sakit sa puso ko, mahal ko pa rin siya. Tuluyan ko na siyang napatawad. Ayoko nang magtanim ng galit pa sa puso ko.

Gusto kong makamit iyong tinatawag nilang peace of mind. At mararanasan ko lang iyon kapag hindi ako nagtanim ng galit sa kapwa.

I already finished my degree in America. And I'm already twenty-three. I've learned a lot of things. Isa na doon ay ang pagpapahalaga sa dignidad mo bilang isang babae. Don't let any men take advantage on you.

Wag mong idedepende ang buhay mo sa isang lalake at wag mong hahayaan na abusuhin ka lang nila. You're a woman and you deserve better.

-

Pinagmasdan ko ang bahay na kinalakihan ko. Sa bahay na 'to ay marami akong magagandang alaala. May mga hindi rin magandang alaala. But, In this house, I grew up. Dito ako lumaki at nagkaisip.

Huminga ako ng malalim bago tuluyang kumatok. I'm a bit nervous. I don't know what will be her reaction once she saw me.

Maya-maya ay bumukas ang pinto at tumambad sa 'kin ang isang babae. Kahit medyo may katandaan na ay makikita pa rin ang kagandahang taglay nito. May mga puting buhok rin ako na nakikita na humahalo sa itim niyang buhok.

"A-Athaliana?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mama. Malapad akong ngumiti sa kaniya. No matter what happens, she's still my mother. Hindi ko man siya kadugo mahal ko siya at totoong nanay pa rin ang turing ko sa kaniya. Dahil kahit alam niyang hindi ako ang tunay na anak niya ay tinuring niya pa rin ako na parang kaniya.

"M-Mama..." Ramdam ko ang pagbagsak ng mga luha mula sa aking mga mata habang nakatitig kay Mama na umiiyak na rin.

"A-Anak ko..." She cried and hugged me tightly. I hugged her back while crying on her shoulder. Ang bawat iyak niya ay tila nanghihina ako. Ramdam ko sa mga yapak niya ang pagmamahal at pangungulila sa 'kin.

"Miss na miss kita, Mama ko," I whispered while crying. My tears can't stop from falling. Wala akong pakialam kung nakikita man kami ni Butler Alcon o ng tauhan ni kuya. I don't care. All that matters to me now is my mother. I really missed her motherly hugs and kisses.

"Mahal na mahal po kita, Ma. At pasensya na po kung ngayon lang ako bumalik sa 'yo," I added.

"Ayos lang anak. Ang importante ay buhay at malusog ka. Mas lalo ka pang gumanda. Mahal na mahal din kita, Athaliana..."

Napangiti ako sa narinig mula kay Mama. This is where I belong. In my mother's arms. It's really good to be back.

Mom, Dad, I know you can hear me. I just want to say that I love you both. Hindi ko man kayo nakita at nakasama alam kong mahal na mahal niyo ako. Mahal na mahal ko po kayo, Mommy, Daddy. At sana po ay masaya kayo kung nasaan po kayo ngayon. I miss you both...

....

Betrayal and Redemption (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon