20 Meters Away

7 2 0
                                    

"Palagi ko siyang napapaginipan. Noong una, nakasabay ko daw siyang naglalakad habang pauwi na ako sa eskwela. Noong pangalawa, nasa canteen daw kami tapos nag-uusap kami. At yung ikatlong beses naman..." Bigla akong napahinto sa pag ku-kwento dahil ang malapit sa akin na si Ara ay biglang nakarinig ng phone call galing sa kanyang ina. Ito ay sinagot niya habang ako naman ay napatigil nalang na pag ku-kwento dahil hindi rin naman iyon gaano kainteresado.

Imbes, ako ay nag impake na lamang, hindi dahil papasok ako sa eskwela kundi upang magpunta sa isang malayong lugar na matagal ko nang hindi napupuntahan. Si Ara na kapitbahay ko na siyang tanging pinagkakatiwalaan ko rin ang tanging tao na nakaka-alam na ako ay aalis dahil alam ko na ligtas ang sikreto ko sa kanya. Sinabihan ko siya na kung tanungin siya ni mama at papa kung saan ako pupunta ay wag siyang magsasalita.

Noong sumunod na madaling araw, habang si mama at papa ay tulog ay kaagad kong kinuha ang maliit na backpack na siyang naglalaman ng mahahalagang kagamitan tulad ng aking cellphone at wallet at dahan-dahan akong lumabas ng bahay.

Pagsarado ko ng pinto ay kaagad na akong dumeretso sa bus terminal. Suot ang kulay asul kong jacket ay ramdam ko rin ang malamig na hangin ng Pebrero. 

Lumipas ang ilan pang minuto at tuluyan na akong nakasakay at ang bus na aking sinasakyan ay nagtungo na sa Angeles City, Pampanga. Isang lugar na siyang malapit sa aking puso. 

Sa tuwing naaalala ko sa lugar na to ay bumabalik ang masasayang mga ala-ala at may iilan din namang malulungkot. Paglipas ng dalawang oras at tuluyan ko na ring narating ang lugar mula Quezon City.  Ang hangin sa Angeles ay napaka-init pa rin at ang paligid ay napupuno ng mga gusali at mga bahay na siyang wala masyadong pinagkaiba sa Maynila.

Sa lugar na ito ako lumaki ngunit kinailangan namin lumipat sa malayong lugar ng mga magulang ko dahil sa di inaasahang pangyayari. 

Ang unang lugar na pinuntahan ko ay ang lugar kung saan kami noon nakatira nina mama at papa. Sumakay ako ng jeep at sampung minuto lamang ang lumipas mula sa bus terminal ay narating ko na ang aming lumang tahanan. Ako ay dumungaw sa gate at saktong isang matandang babae naman ang kaagad na lumabas. Isang pamilyar na babae.

Siya ay napatingin sa akin at nagulat! "Daryl? Daryl iho ikaw na ba yan?" SIya ay tila na-excite at saka tumakbo patungo sa akin. "Diyos ko! Tuloy ka iho." Dali-dali niyang binuksan ang gate at saka ako pinatuloy. Ang babaeng iyon ay si Marie. Siya ang matalik na kaibigan ni mama.

Noong kami ay lumisan na sa lugar na to ay napagdesisyunan nalang ni mama na ibigay sa kanya ang bahay namin dahil wala na rin namang makikinabang dito. Pagpasok ko sa aming lumang tahanan ay tila napakaraming mga ala-ala ang bumalik. Pinagmasdan ko ang apat na sulok ng tahanan at tila wala pa rin itong pagbabago.

"Sampung taon." Wika ni Marie. "Sampung taon na ang lumipas iho." Sabay hawak sa braso ko. "Parang kailan lang." Siya ay napahawak sa kanyang bibig. Bahagya siyang nanahimik at saka naluha. Siya ay agad kong niyakap at sinabihan na "huwag mag-alala dahil tapos na 'yon." 

Kami ay naupo sa sofa at nang si Marie ay kumalma na ay bigla niyang kinuha ang isang photo album na siyang naiwan namin na tahanang iyon. "Alam mo ba Daryl, ang photo album na to ay iningatan ko simula noong umalis kayo. Hindi ko alam kung makakabalik pa kayo pero nagulat ako nang makita ka kanina. HIndi ko inasahan..." Siya ay napatingin sa akin at saka ko kinuha ang photo album. Ito ay binuksan ko at tila bumalik ang lahat ng mga ala-ala ko. 

Sa sampung taon na wala ako sa lugar na to ay tila parang kahapon lamang ang lahat. Ako ay muling napatingin sa kisame at saka napahinga ng malalim. Ang photo album ay muli kong isinarado at ibinalik kay Marie. Siya ay nagulat. "Bakit mo ibinabalik Daryl? Hindi mo ba kukunin to?" Ako ay napa-iling. SInabi na itago niya na lamang iyon. 

SHORT STORY COLLECTION BY LEE RAFAELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon