Isang mainit na hapon habang nag-lalakad ako mag-isa ay bigla akong napatingin sa aking likuran. Tila may mga-alaalang gusto akong balikan. Mga-masasaya at malulungkot na ala-ala na hinding-hindi ko talaga malilimutan.
Pinilit kong mag-lakad pabalik upang tignan ang nakita ko, kahit pagod na pagod ako sa kakalakad. Hanggang sa makita ko ang lugar na matagal ko nang gustong makita ulit.
Napangiti ako.
Na-miss ko na talaga ang lugar na to. Matagal na akong hindi nakakabalik dito! At saka ako pumikit at binalikan ko ang napaka saying ala-ala na alam ko ay hindi ko na muling mababalikan kailanman.
---
Hinahabol ko ang mga best friend ko na sina Jenny, Marvin at Claire. Napaka kulit naming apat. Tumatawa ako habang hinahabol ko pa sila. Dala namin ang aming mga backpacks dahil papasok na kami sa aming school. Grade 5 pa lamang kami. Habang tumatakbo ay bigla kaming sinigawan ng matanda sa gilid. "Hoy! Ang kukulit niyong mga bata. Baka madapa kayo!" Napatingin ako sa matandang iyon.
Pero laking gulat ko na wala na ang mga kaibigan ko. Ang bilis kasi nilang tumakbo. Hinanap ko sila hanggang sa makarating na ako sa labas ng Train. Paglingon ko ay nakasakay na pala sila sa loob.
Pinagtatawanan nila ako habang sila ay kumportable na nakaupo. Habang papasok na ako ay biglang sumara ang pintuan ng Tren. Naiwan ako.
Hinabol ko sila pero hindi ko na rin naabutan. At nagalit ako sa kanila! Lumipas ang ilang minuto at dumating na ang panibagong Tren. Pero alam ko sa sarili ko na late na ako.
Pagdating ko sa school ay hindi ko sila pinapansin. Nagtatampo ako sa kanila. Habang recess naman ay kumakain ako mag-isa. Pero lumapit saakin si Claire. Binuksan niya ang lunch box niya at ibinigay niya sakin ang baon niyang Lemon Square cupcake. "Hoy Kuya Michael. Wag ka na magalit samin please!" Tinitigan ako Claire at hindi ako naka-tiis. Kinuha ko ang cupcake at hindi na ako galit sa kanila. At nag-kwentuhan na kaming apat.
Pagkatapos naming mag-aral. Ay agad na kaming umuwi lahat. Holding hands kaming apat habang nag-aabang ng Tren pauwi. Hindi namin binibitawan ang-isa't isa para wala nang maiwan ulit.
Dumating ang tren at sumakay kaming apat. Pagpasok ko ay napalingon ako sa bintana. At nakita naming apat ang napaka gandang sunset. Habang may mga ngiti sa aming mga labi.
---
Lumipas pa ang Limang taon. Silang tatlo ay bestfriend ko parin. Pinili parin namin na maging mag-ka kaklase dahil ito na ang huling taon namin sa high school.
Isang umaga habang nag-aabang ako ng Tren ay pinili ko munang umupo sa isang bench. Ang tagal nilang dumating. Pero lumipas pa ang ilang minuto ay nakita ko na silang lumalapit.
Si Marvin ay napaka tikas. Pinag tatanggol niya kaming tatlo kapag mag mga bumu-bully samin. Hindi sila makalaban pag dumadating na si Marvin. Si Claire naman ay napaka hilig sa fashion. Bawat linggo at ay may bago na siyang mga damit. At si Jenny naman ay mahilig sa mga Music at magaling din siyang sumayaw.
Habang naglalakad kaming apat ay biglang tumakbo si Marvin. Nagulat ako!
Ayan nanaman ang trip nilang apat. Palagi nila akong iniiwan. Napaka bagal ko pa naming tumakbo at mabilis akong mapagod.
Pagka pasok nila sa Tren ay nasa labas pa lamang ako. Pagod na pagod na ko at gusto kong uminom ng tubig. Nang papasok na ako ay biglang sumara ang pintuan ng Tren. Naipit ang kamay ko.
Nag pa-panic na ako dahil umaandar na ang tren at pinipilit kong hatakin ang kamay ko. Pinag titinginan ako ng mga tao pero hindi nila ako tinulungan. Bago pa tuluyang maka-alis ang tren ay nahatak ko na ang kamay ako. Ang sakit!
BINABASA MO ANG
SHORT STORY COLLECTION BY LEE RAFAEL
Short StorySa Wattpad Story na 'to. Mababasa niyo ang iba't ibang klase ng Short Story na gawa ko. Including Horror, Romance, Science Fiction, Fanfiction, at iba pa. I hope na magustuhan niyo to. At every-time na meron akong bagong naisip na SHORT STORY. Dito...