Isang napakainit na Oktubre nanaman ang nararanasan nilang lahat pero hindi iyon ang naging dahilan upang mapigilan sila sa pagpunta sa Gathering. Tuwing Linggo ito nangyayari sa may Plaza o sa lugar na tinatawag nila noon na Rizal Park. Pinagpapawisan na silang lahat pero nakakapagtaka dahil wala man lang sa kanila ang nagdala kahit ni-isang payong.
Nakasulat kasi sa house rules ng Gathering na bawal gumamit ng payong kapag ikaw ay nasa Plaza na dahil maaari na maging dahilan ito upang hindi makakita ang ibang mga tao na nasa likod mo.
Ilang minuto na lamang at magsisimula na ang Gathering at lahat ng mga tao ay nagpalakpakan na parang nasa isang konsyerto at ang iba naman sa kanila ay nagsisigawan pa dahil sa sobrang excitement habang nakatinggin sa isang malaking stage na wala pang tao. Pero may isang babae na may pangalang Clara ang nasa pinaka-dulong bahagi ng Plaza ang mukhang hindi masaya at bakas rin sa kanyang mukha ang napakatinding lungkot at paghihinagpis.
Naririnig niya ang ibang mga tao na nag-uusap pa at lahat sila ay atat na sa gagawing Gathering. Biglang tumunog na ang Bell hudyat na nagsimula na nga ang Gathering! Bigla namang bumuhos ang luha ni Clara kasabay ng pag-iingay ng Bell at ang mga tao naman ay mas lumakas pa ang mga sigawan at palakpakan. Si Clara ay umiiyak dahil naalala niya ang kanyang kapatid na si Miko na nakulong noon dahil sa salang panggagahasa sa isang batang babae.
Nakulong siya at hindi na nakalabas pa. Habang nasa Gathering si Clara ay iniisip niya na dapat masaya siya dahil ngayon pa lamang siya nakapunta sa ganitong pagtitipon sa buong buhay niya. Bigla namang nanahimik ang lahat nang nagsalita na ang Host.
"Magandang hapon sa inyong lahat! Narito kayo sa Plaza upang masaksihan ang ika one thousand and for hundred seventy six na Gathering. Napapanuod tayo ngayon sa buong Pilipinas at narito na rin sa ating harapan ang isa nanamang ma-swerteng makakaranas ng Gathering! At simulan na natin ang pagbibilang ng Tatlo!" Nagsigawan ang lahat malibanlang kay Clara. "ISA! DALAWA! TATLOOOOOOO!" At matapos non ay nagsigawan ang lahat at nagtawanan pa.
Halos nabingi si Clara sa mga tilian at habang tumatagal ay humihina na ang mga ito at si Clara naman ay unti-unting sumusulyap sa stage hanggang sa siya ay nanlumo! Dahil nakita niya ang kanyang walang buhay na kapatid na si Miko na naka-bigti ang pinagbababato pa ng mga taong bayan habang ang iba ay sumisigaw ng "KRIMINAL! DAPAT LANG SA'YO YAN!".
Normal lamang ito mangyari tuwing Linggo ng hapon dahil ang Gathering ay isang uri ng Bitay na napapanuod sa buong Pilipinas upang matakot ang lahat na gumawa ng kasamaan. Ipinatupad ito noon ng dating pangulo daang taon na ang nakararaan.
Si Clara naman ay biglang nanilim ang buong paningin hanggang sa siya ay himatayin! Dahil siguro ito sa napakatinding pagod baka dahil sa init ng panahon?
BINABASA MO ANG
SHORT STORY COLLECTION BY LEE RAFAEL
Short StorySa Wattpad Story na 'to. Mababasa niyo ang iba't ibang klase ng Short Story na gawa ko. Including Horror, Romance, Science Fiction, Fanfiction, at iba pa. I hope na magustuhan niyo to. At every-time na meron akong bagong naisip na SHORT STORY. Dito...