Si Simon ay isang napaka-bait na kapitbahay, siya ay matulungin sa kanyang pamilya at nalalapitan din siya kapag may problema. Pero one day nagbago ang lahat. Palagi na siyang naglalasing, at kapag umuuwi siya ay gabing-gabi na rin. Tila siya ay may napaka tinding problema.
Noong December 22, 1993 ay ginabi ako galing sa school events namin. Medyo malamig non dahil malapit nang mag pasko. Napadaan ako sa bahay ni Simon. Narinig kong nagsisigawan sila ng asawa niya. Medyo na curious ako, kaya sumilip ako sa bintana ng bahay nila. Pero nang pagsilip ko ay biglang nawala ang ingay, natapos na ata ang kanilang pagtatalo. Kaya umuwi na lang ako.
Kinabukasan December 23, 1993 ay nagising ako ng maaga mga 4:30AM. Pagsilip ko sa bintana ng kwarto ko ay napakaraming Police cars sa bahay ni Simon. Sa sobrang pagtataka ko ay lumabas ako ng bahay. At tinanong ko ang pulis kung ano ang nangyari. Sabi niya ay may nag suicide daw at ang ikinamatay ay pagbibigti. Ikinagulat ko yon. Pero hindi lang pala yun ang ikakagulat ko dahil ang anak ni Simon ay patay rin. Nalaglag raw sa hagdan at nabasag ang bungo, iyon ang sanhi nang pagkamatay niya. Sabi ng pulis ay aksidente lang ang pagkamatay nang bata dahil may natapong mantika sa hagdanan. Pero ang ipinagtataka ko ay wala si Simon. Hinanap siya nang pulis pero hindi na siya natagpuan. Hanggang sa nakalimutan na rin siya nang mga ito.
Suicide at aksidente lang ba talaga ang nangyari sa kapit bahay namin?
---
Lumipas na ang 11 Years March 26, 2004 na ngayon. Nakatapos na ako ng pag-aaral ko at May sarili na rin akong trabaho. Francis ang pangalan ko at may asawa at anak na rin ako. Cindy ang pangalan ng Misis ko at Mark naman ang pangalan ng anak ko.
Nakatayo pa rin ang bahay ng kapitbahay kong si Simon. Hindi ko parin nakakalimutan ang malagim na nangyari sa bahay niya. Pero ang ikinagulat ko ay mayroon nang lumipat sa bahay niya na isang pamilya. Kinagabihan pagkatapos naming kumain ay bigla kong naalala ang nanay ko. Kasama ko lang siya dati pero ngayon ay patay na siya. At tuluyan narin kaming natulog.
Habang natutulog ako ay bigla akong nagising sa isang napakalakas na tahol ng aso. Napatingin ako at may nakita akong isang tao sa labas ng bahay na tumatakbo paalis. Hindi ko nalang pinansin yon, siguro magnanakaw lang. At itinuloy ko narin ang aking pagtulog.
Lumipas ang tatlong araw ay naubusan kami ng asukal kaya inutusan ako ni Cindy na mang hingi nito sa kapit-bahay. Agad ko naman siyang sinunod at pumumta ako sa bahay ng bago naming kapitbahay. Kumatok ako pero bukas na ang kanilang pinto. Bukas din ang TV nila pero walang nanunuod. Sumigaw ako para manghingi nang asukal pero walang sumasagot. Kaya tumuloy nalang ako.
At bigla kong naalala na dito pala nangyari ang suicide event. Kaya medyo kinilabutan ako. Pero agad na akong pumunta sa kusina. Tinatawag ko sila pero walang sumasagot. Binuksan ko ang Ref nila at agad naman akong nakakita ng asukal.
Pag kuha ko ay agad akong nagmadali paalis ng bahay pero nung nasa Living room na ako ay Patay na ang TV nila. Medyo nagtaka ako nang biglang may narinig akong tumatalbog na bola ng basketball. At biglang tumugtog ang radyo sa second floor ng bahay nila. Sa sobrang pagtataka ko ay agad akong pumunta sa Second Floor. At ang tugtog sa radyo nila ay 'TIPTOE THROUGH THE TULIPS'. Bukas ang pinto ng kwarto at doon ako pumunta. Pagsilip ko ay gumimbal saakin ang apat na walang buhay na katawan. Nabagsak ko ang hawak kong asukal.
Ang unang bangkay ay babae, ito ay puno ng duct tape sa mukha at puro saksak sa tiyan. At ang mas nakakagulat pa ay wala itong suot na kahit anong damit.
Ang pangalawang bangkay naman ay lalaki. Putol ang dalawang braso nito at may laslas sa leeg.
Ang pangatlong bangkay naman ay isang batang babae. Ito ay nakabigti gamit at string ng gitara. Sa sobrang higpit ay bigla itong natanggalan ng ulo. Nandiri ako sa nakita ko.
BINABASA MO ANG
SHORT STORY COLLECTION BY LEE RAFAEL
Short StorySa Wattpad Story na 'to. Mababasa niyo ang iba't ibang klase ng Short Story na gawa ko. Including Horror, Romance, Science Fiction, Fanfiction, at iba pa. I hope na magustuhan niyo to. At every-time na meron akong bagong naisip na SHORT STORY. Dito...