The Accidental Fanboy

285 5 0
                                    

Announcement: Classes suspended due to heavy rainfall

6:47 AM
February 26, 2011

Hay nako... Kung kailan nasa school na ako saka sila mag-aanounce na wala nang pasok. Nasayang lang ang effort ko. Pero ok na rin kasi may baon naman ako. Gusto ko nang umuwi, pero wala akong masakyang jeep. Nang bigla kong naalala na meron pala akong Payong sa Bag ko. Agad ko itong kinuha at naglakad ako papunta sa waiting shed. Pero bakit ganun? Wala parin talagang jeep na dumadaan.

May isang babae sa loob ng waiting shed. Binuksan niya ang payong niya at agad siyang tumakbo papalayo. Tila parang may hinahabol siya, pero hindi ko nalang pinansin yun. Ngayon ay mag-isa na lamang ako dito.

25 minutes na akong nag-aabang pero wala paring dumadaan. Napa-tingin ako sa kalsada at nakikita ko na binabaha na ang kalye. Hay nako! Ngayon ay na-trapped naman ako dito. Nakaka-pagod na! Medyo stressed na rin ako dahil mag-isa lang ako dito.

Sa sobrang inip ko ay naisipan ko na umupo sa may upuan sa waiting shed. Nakaka-bagot. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at naisipan kong tumawag sa mommy ko. Pero nangulat ako nang makita kong walang signal. Ughhhhhhhhhhhhh...

Napa-iling ako sa sobrang inip pero habang na b-bad trip ako ay bigla akong napa-tingin sa bandang kanan ng upuan sa may waiting shed... May isang puting papel...Medyo curious ako.

Napa-tayo at at nilapitan ko ang papel. Medyo maliit lang siya eh. Tinignan ko ito at agad na kinuha. Hmmm. May nakasulat eh. Binasa ko ito.

___________________

SVIP TICKET with Backstage Passes

ARANETA COLISEUM

Super Junior Concert

P. 12000.00 | Fabruary,26,2011

___________________

Hmmm. Parang concert ticket. Medyo hindi ako familiar sa group. Ano ba to? KPOP ba to? Napansin ko na medyo humina na ang ulan. Ibinulsa ko nalang ang nakuha kong ticket pero hindi ako masyadong interested.

Ayun... Tuluyan nang nawala ang ulan. Medyo nag-tagal din ako sa waiting shed ahh. Pag-uwi ng bahay ay agad akong nanuod ng TV. Sakto. Mapapanuod ko yung anime na gustong gusto ko pag-umaga.

At habang nanunuod ako ay may Flash Report...

Reporter: KPOP GROUP NA SUPER JUNIOR DUMATING NA SA BANSA PARA SA KANILANG CONCERT NA PINANGALANAN NA SUPER SHOW 3.

Hmmm. Medyo familiar yung pangalan ng group na yun ahhh. Nang bigla kong naalala ang ticket na napulot ko. Agad ko itong kinuha sa bulsa ko at tinignan ko ulit ito.

___________________

SVIP TICKET with Backstage Passes

ARANETA COLISEUM

Super Junior Concert

P. 12000.00 | Fabruary,26,2011

___________________

So ito pala yun... Subukan ko kayang panuorin... Pero hindi ako masyadong familiar. Hindi ko rin alam kung magugustuhan ko ba sila o hindi. Pero sayang naman. 12 Thousand Pesos din yung ticket ehhh. Sige na nga. Manunuod na ako.

Kinagabihan ay pumunta na ako sa Araneta. Grabe. Bakit ang daming tao??? Hindi ko inexpect na ganito pala kadami ang fan ng Super Junior. At ano yung mga hawak ng fans nila. Flashlight ba yun??? Ahhh. Lightstick... First time ko lang makakita sa personal non.

Pagpasok ko sa venue ay nasa pinaka-harapan talaga ako naka-pwesto. Malapit ako sa mga performer, pero wala talaga akong idea kung ano ang itsura nila. Hanggang sa nag-simula na ang palabas.

Medyo nagandahan din naman ako sa group na 'to. Hindi ko man sila kilalang lahat ehh i think magagaling sila. At habang nanunuod ako ay bigla akong kinalabit ng isang babae. Tinanong niya ako.

Oppa! Sino po ang bias mo sa kanila?

Bias? Ano yun? Diba Tuhod yun. BIAS? Actually hindi ko siya maintindihan. Ano ba yung bias? Grabe! Natulala na lang ako at hindi ko siya nasagot... Hindi ko nalang kunwari siya pinansin at itinuloy ko nalang ang panunuod ko.

Lumipas ang ilang oras at natapos na rin ang Concert. Pero biglang may sinabi yung Host ng concert.

Yung mga SVIP ticket daw ay merong Meet and Greet. Hmmm. SVIP ticket pala ang gamit ko. Kaya agad akong nag-punta sa backstage... Habang nakapila kami ay agad kong nilabas ang cellphone ko sa bulsa. Gusto kong magpa-picture sa kanila kahit na hindi ko pa sila kilala.

Hanggang sa dumating ang time na ako na ang lalapit sa kanila. Medyo kinakabahan din ako dahil first time kong manuod ng Concert. Unang kita ko palang ng malapitan sa kanila ay alam ko na mababait sila. Lalo na si Kyuhyun. Tama ba?

Siya kasi yung unang tumatak sa isip ko habang nanunuod ng concert ehhh. Isa-isa silang nagpa-kilala habang nasa stage. Ang ganda din kasi ng pangalan niya.

At ayun... may picture na ako kasama ang super Junior. Medyo masaya rin ako...Ngayon ay oras na para umuwi...

Pag-uwi ko sa bahay ay hindi agad ako natulog... Nagbukas ako ng Laptop at nag research ako about sa Super Junior. Woahhh. Ganun pala talaga sila ka Famous. I think nagugustuhan ko na sila. At may isang bagay pa na pumasok sa isip ko. Ano ba yung Bias?

Hanggang sa natuklasan ko na rin anng totoong meaning nun. Hanggang sa na-realize ko na si Kyuhyun pala ang bias ko. :---)

Lumipas ang panahon hanggang sa tuluyan ko na nga silang nagustuhan. Tumating din yung time na bumibili na ako ng mga Posters at Albums nila. Ngayon ay hindi na boring ang buhay ko. Nagkaroon din ako ng inspirasyon para sa pag-aaral ko.

Ngayon ay 2014 na. Malapit na rin akong ikasal. Engaged na ako sa longtime girlfriend ko. Siya yung babaeng nag-tanong sakin kung sino ang bias ko. Muli kaming nagkita nung second time na nanuod ulit ako ng concert ng Super Junior. Hanggang sa dumating din yung point na nag-date kami hanggang sa umabot kami dito. Araw-araw ko siyang sinasagot na si Kyuhyun ang bias ko.

Pero hindi ko akalain na darating din yung panahon na ako yung mag-tatanong sa kanya ng...

Will you Marry Me?

Nagpapasalamat ako sa may-ari ng ticket na napulot ko. Lalong lalo na sa Super Junior. Na-kumpleto nila ang buhay ko.

Sana dumating din yung sandali na pareho kaming tatanda ni Angel at magkasama kaming manunuod ng Concert ng Super Junior hanggang sa huling pag-kakataon.

Salamat Super Junior. Maraming salamat dahil dumating kayo sa buhay ko. :)

THE END

SHORT STORY COLLECTION BY LEE RAFAELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon