Tears are Falling

421 6 0
                                    

Paano kung isang araw sasabihin mo sa sarili mo na wag ka nang mag mahal baka kasi masaktan ka nanaman ulit. O baka naman sa sobrang pagod mo pumatak nalang ang luha mo habang sinasabi sa sarili mo na darating din ang panahon at hindi na ako masasaktang muli.

---

Isa itong kwento ng lalaking gusto lang ng magandang buhay para sa kanyang Ina. Kwento ito ni Marky, siya ay lumaki sa probinsya ng Bicol. Siya ay pursigidong makatapos ng pag-aaral. Kaya napag-desisyonan niyang mag-aral ng kolehiyo sa Maynila para mas maganda ang kanyang maging kinabukasan. Si Marky ay isang matalinong mag-aaral pero hindi siya mahilig maki salamuha sa ibang mga tao. Parang meron siyang tinatagong lihim na ayaw ipaalam sa lahat. Siya ay 17 years old na, at hindi pa siya nag kakaroon ng girlfriend ni isa.

Paglipas ng ilang buwan ng kanyang pag ti-ityaga. Naka pag enroll din siya sa isang napakagandang Eskwelahan, sa University of the Philippines. Inisip ni Marky na iyon na ang magandang pagkakataon para mag-sipag sa pag-aaral.

Nag simula na ang unang araw ng klase. Tila kinakabahan siya at bumibilis ang tibok ng kanyang puso. Kaya napainom siya ng tubig. Hindi ko ba nasabi na simula palang ng elementary ay palagi na nagbabaon ng tubig si Marky. May nakilala rin siyang babae, ang pangalan nito ay si Pauline. Siya ay isang mag-aaral na maganda, matalino, at talented. Almost Perfect na nga. Marami ring nagkakagusto rito pero kapag inaamin nila, naku! Busted agad. Naging malapit silang mag kaibigan dahil si Pauline ay friendly sa lahat. At napagtanto ni Marky na nag-kakagusto na siya rito.

"Teka, parang may gusto na ako sa kanya, aaminin ko ba sa kanya? At paano ko naman gagawin yun at natatakot rin ako." - bulong ni Marky sa kanyang sarili.

Kinagabihan, nag sulat si Marky ng love letter para kay Pauline at ang ginamit niyang panulat ay ang bigay ng kanyang Tatay nung nabubuhay pa iyon. Paubos na rin ang tinta nun kaya ginagamit lang ni Marky yung pen na yun para sa mga mahahalagang bagay.

Kinabukasan, sa hallway naglakas loob na binigay ni Marky ang kanyang sulat kay Pauline. Nang pag ka basa ni Pauline ay pinunit iyon sa harap ni Marky at itinapon harap-harapan sa mukha ni Marky sa harap ng maraming tao. Nagulat si Marky, at syempre hindi nito naitago ang kanyang emosyon, nagpunta siya sa lugar kung saan walang tao at naiyak nalang.

Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay parang naging malayo na sa isa't isa sina Marky at Pauline.

"Dapat pala, hindi ko nalang sinabi para naging malapit pa kami sa isa't isa, ang Tanga ko kasi ehh." - Bulong ni Marky sa sarili.

Kinagabihan, gumagawa ng assignment si Marky ng biglang nanikip ang kanyang puso, uminom agad siya ng tubig. Nagtataka siya dahil palagi nalang iyon nangyayari sa kanya. At kinabukasan nag punta siya sa Hospital. Linggo nun at walang pasok. Ang sabi ng doktor, balikan nalang niya ang resulta kinabukasan.

At paglipas ng isang araw, sa eskwelahan. Habang nag uuwian ay nakalimutan ni Pauline ang notebook niya sa upuan nito. Nakita naman agad ni Jason yun pero nnung ibibigay na niya naka alis na si Pauline. Kaya napag desisyonan niya na itago muna niya sa bag ang notebook at bukas nalang niya ibibigay. Nagtungo agad siya sa Hospital para malaman ang resulta. At laking gulat niya na mayroon pala siyang sakit sa puso at malala na iyon. Natakot siya para sa kanyang sarili. At napag desisyunan niya na ilihim nalang iyon.

Kinabukasan, nakita ni Marky si Pauline. Parang natataranta ito. Hinahanap ata niya ang kanyang notebook. Paglapit si Marky ay iniabot agad niya ang notebook.

"Nasayo lang pala! Yan kasi ang hirap sayo masyado kang mayabang. Sinadya mo talagang itago ito para pagkabigay mo sakin, mapansin kita? Ganon ba? Bwisit ka talaga. Pare pareho kayo! Nakaka bad trip!!" - Sigaw ni Pauline kay Marky.

Labis na nasaktan si Marky at sa sobrang kaba niya, nanikip agad ang puso nito. Pinilit niyang maging kalmado pero nag-punta agad siya sa lugar kung saan walang tao. At doon siya umiyak dahil sa halong sakit at emosyon. Pagkatapos nun ay bigla siyang hinimatay.

Pagdilat ni Marky ay nakahiga na siya sa kama. May naka kabit na dextrose at may oxygen tank pa sa gilid. Paglapit ng doktor ang sabi nito ay

"Nakita ka ng isang teacher nan aka handusay na sa sahig. Dahil hindi ka gumugising ay dinala ka niya dito sa Hospital." - wika ng doktor.

Lumipas ang ilang araw ay hindi na pumapasok si Marky sa eskwelahan nito, nagtataka ang lahat maging si Pauline. Tumawag si Marky sa nanay niya na si Mara. Inamin niya ang kanyang karamdaman. At dali dali agad itong lumuwas ng Maynila.

Pagkarating ni Mara sa Hospital ay niyakap agad nito si Marky

"Pasensya anak, hindi ko agad sinabi sayo." - wika ni Mara

"Ang alin Ma?" - Marky

"Dahil ang tunay na ikinamatay ng tatay mo ay mayroon siyang sakit sa puso, hindi ko lang sinabi sayo dahil gusto kong matupad mo ang mga pangarap mo." - Wika ni Mara habang umiiyak.

Lumipas ang isang linggo. Nalaman din ng mga kaklase ni Mark yang tunay na pangyayari. Nag punta agad silang lahat sa Hospital kasama si Pauline. Nahihiya itong pumasok at nanatili sa labas.

"Salamat sa pagpunta, pero nasaan si Pauline?" - Marky

"Nasa labas, nahihiyang pumasok." - wika ng mga kaklase niya.

"Papasukin mo. Wala na sakin yun." - Marky

Nang pagkapasok ni Pauline ay lumabas ang lahat. Silang dalawa lang ang nanatili sa loob.

(Lahat ng bagay ay pinag-usapan nila.)

Kagaya ng nawawalang notebook.

"I'm sorry, hindi ko alam." - Pauline

"Hindi na ako galit sayo. Sana lang mapatawad mo ako, dapat pala hindi nalang ako nagkagusto sayo para mas nagging mag-kaibigan pa tayo." - wika ni Marky habang umiiyak.

"Wag kang mag-alala, sinasagot na kita" - wika ni Pauline habang nakangiti.

Pero biglang nagulat si Marky sa sinabi ni Pauline

"Bakit? Hindi ka masaya?" - Pauline

"Pasenya na pero ka tingin ko hindi na rin matutuloy yun dahil baka hindi na tumagal ang buhay ko." - Ang sabi ni Marky.

Halos maiyak na si Pauline sa kanyang narinig. Lumipas ang maraming minuto at dumating na ang panahon kung saan mababawian nan g buhay si Marky.

"Matagal ko na tong gustong sabihin sayo pero mahal na mahal kita. Sana matagpuan mo na rin ang taong nakalaan para sayo." - Marky

"Mahal din kita at Sorry! Sana mapatawad mo ako." - Pauline

"Palagi kitang patatawarin at salamat sa time na nagging parte ka ng buhay ko. Palagi kitang mamahalin" - Ang huling wika ni Marky at tuluyan na itong nalagutan ng hininga.

Lahat ay naiyak sa pagkawala ni Marky. Sana lang ay maging masaya palagi si Pauline sa taong iibig at mag-mamahal ulit sa kanya.

THE END

Sa bawat sakit na mararamdaman ay may kapalit na saying hindi mapapalitan.

Sa bawat pag-amin sa minamahal ay may kapalit na pait o tamis ng kapalaran.

At sa bawat patak ng luha ay may kapalit na kayamanan kung saan matatagpuan ang tamis, tuwa at sayang hindi matatagpuan saan man.

SHORT STORY COLLECTION BY LEE RAFAELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon