Tumingin si Linda sa kanyang relo at nalaman niya na alas-atso na pala ng gabi. Mahigit sampung minuto na siyang nag-aabang ng masasakyan pero lahat ng dumadaan ay hindi na siya hinihintuan dahil sa puno na ang mga ito. Ang kanyang kanang braso ay nangangawit na rin dahil meron siyang bitbit na pasalubong para sa kanyang anak. Isang laruan.
Lumipas pa ang ilang saglit, dumaan ang isang dyipney na mukhang hindi pa puno at saka siya hinintuan neto. "Maluwag pa miss. Tara na!" Wika ng nagmamaneho neto. Wala nang isip-isip at kaagad nang sumakay si Linda. Pagpasok niya sa loob ay pumuwesto siya sa pinaka-likurang bahagi kung saan ay malapit siya sa labasan.
Umandar ang dyipney at saka naramdaman ni Linda ang malamig na hangin. Tumanaw siya sa labas at saka niya naisip na sa wakas ay natapos nanaman ang isang nakakapagod na araw. Pagkatapos niyang titigan ang mga gusali sa labas ay napalingon naman siya sa isang batang babaeng katapat niya. Pinagmasdan niya ito at saka niya naalala ang kanyang anak. "Siguro kasing edad niya lang si Sarah. Makikita ko pa kaya siyang kasing lakas ng batang ito?" Dahil ang kanyang anak ay may Brain Tumor. Sa murang edad ay nakikipaglaban na ito sa sakit na dumudurog sa puso ni Linda. Ilang beses na siyang nagdasal at kahit saang simbahan na rin siya nakarating pero wala pa ring HIMALANG nangyayari. Pero gayunpaman. Pinipilit niyang magpakatatag para sa kanyang anak.
Ang laruang bitbit ni Linda ay isang magandang manika pero hindi ito makita ni Laica dahil nakabalot pa ito. Kanina pa niya pinagmamasdan ang dala-dala ni Linda mula nang sumakay ito. "Ang swerte naman ng pagbibigyan niya neto. Siguro... may birthday party!" Bulong ng kanyang isipan. Sa murang edad ay marami nang pinagdaanan si Laica. Ang pinakahuli ay ang pagtakas niya sa kanyang ama na sinasaktan siya. Palagi kasi siyang binagbubuhatan neto ng kamay mula nang mamatay ang kanyang mama. Ang kanyang ama ay mahilig uminom at dalawang beses na rin itong nakulong dahil sa pagnanakaw. Ngayon ay nakasakay siya sa dyipney na ito na walang dalang pera at hindi alam ang kanyang pupuntahan.
Sa wakas ay nagsawa din siyang titigan ang dala ni Linda at siya umiba ng lingon.
Nais sana niyang tumingin sa bintana sa kanyang unahan pero nakaharang naman ang isang lalaking naka asul na jacket at may yakap na isang backpack. Para itong tulala at may malalim na iniisip.
Si Robert na naka asul na jacket ay hindi mapakali. Siya kasi ay may dalang isang backpack at mayroon itong lamang makakapal na pera. Hindi niya alam kung taba ba itong ginagawa niya dahil isa itong pagtataksil.
Siya ay pinagkatiwalaan ng kanyang amo pero ngayon ay tumakas siya dala ang mahigit tatlong daang libong piso na ninakaw niya sa vault ng kanyang amo.
Pero kaya LANG naman niya ito ginawa dahil sa napakatinding pangangailangan. Ang kanya kasing lola na siyang nagpalaki sa kanya ay tinamaan ng isang malubhang sakit. Mula nang mawala an kanyang mga magulang sa isang motorcycle accident noong siya ay musmos pa lamang ay ang lola niya na ang nagpalaki sa kanya. Ngayon ay nangangailangan ito ng tulong at ang perang ninakaw niya nalang ang magsasalba sa buhay nito.
Nanginginig ang kanyang mga paa pero inisip niya na hindi dapat siya matakot dahil tuluyan na siyang mawawala sa lugar na 'to. Sa katunayan nga ay natungo na siya sa bus terminal upang umuwi sa kanyang probinsya kung saan naroon ang kanyang lola.
"Bayad po." Malakas na sinabi ni Linda habang pinapa-abot niya ang kanyang bayad. Pero matapos non ay walang umabot ng kanyang bayad kaya inulit niya ang kanyang pagsigaw.
"Bayad po!" Hanggang sa nagulat ang kanyang katabing college student. Dali-dali nitong inabot ang bayad ni Linda patungo sa driver at humingi rin siyang ng tawad. Ngumiti ito at saka muling ikinabit ang kanyang earphone pabalik sa kanyang tenga.
Si Jasper ay nakikinig ng masayang tugtugin dahil ang kanyang araw ay sobrang sigla talaga.
Dahil sa wakas ay sinagot na siya ng kanyang nililigawan ng mahigit isang taon. Kanina ay kasama niya itong nanuod ng sine at mukhang ito ang pinakamasayang sandali ng buhay niya. Hindi maipinta sa kanyang mga mata ang tuwa at ang susunod niyang plano ay kung paano patatagalin ang kanilang relasyon.
BINABASA MO ANG
SHORT STORY COLLECTION BY LEE RAFAEL
Short StorySa Wattpad Story na 'to. Mababasa niyo ang iba't ibang klase ng Short Story na gawa ko. Including Horror, Romance, Science Fiction, Fanfiction, at iba pa. I hope na magustuhan niyo to. At every-time na meron akong bagong naisip na SHORT STORY. Dito...