May 5, 2012
Magandang araw sa lahat. Ako nga pala si Carla. Isa akong college student. Actually, vacation time namin ngayon. Malamang kayo rin.
Syempre sa mga ganitong panahon, kailangan ng pahinga. Chill ba.
Bukas pupunta ako ng Palawan. Gagawin ko lahat ng gusto ko run.Hindi ko ba nasabi na mag isa lang ako pupunta. Wala kasi ang mga parents ko ehh, pero pinayagan naman nila ako. Supportive sila.
Actually nag iimpake na nga ako ehh. Dali ko na ang camera ko. Para marami akung ma capturan na magagandang view.
Bukas na bukas, aalis na din ako.
Sana maging masaya at memorable ang vacation na to. Malayo sa ingay, malayo sa gulo, at syempre malayo rin sa magulong mundo sa Maynila.
May 6, 2012
Ngayong araw nag byahe ako, sumakay ako ng eroplano, bus at tricycle. Grabe haggard na ko.
Pero finally narrating ko rin ang Hotel na tutuluyan ko. Medyo naninibago ako kasi first time kong magbakasyon na mag isa.
Sabi ng parents ko, kailangan ko raw gawin para kapag mag t trabaho na ako sa ibang bansa ehh hindi na ako matatakot.
Super excited na ako lumabas. Gusto ko puntahan lahat ng mga magagandang lugar dito.
Natapos rin akong kumain J game na ako mag adventure...
Naglakad muna ako sa tabi ng dagat. Mga 3:15 ng hapon nun. Ang ganda ng panahon, mainit na mahangin. Ang sarap din tignan ng mga hampas ng alon sa dagat. Walang kaulap ulap sa langit. Eto na ata ang perfect vacation ko.
Pero habang nag lalakad ako, nagulat ako, kasi yung pera sa bulsa ko para may pamasahe ako pag-uwi ay hingangin ng malakas! 100 pesos lang naman ang dala ko. Bwiset diba.
Nag-iisip ako ng paraan para maka uwi. Tsk tsk... Anong gagawin ko?
Nang dahil dun, nag decide ako na umalis na sa dagat. Nakakainis ehh. Pero bigla akong may naisip na idea!
Pano kung makisakay nalang ako, kapalan ko nalang ang mukha ko! Nakakahiya pero kailangan kung gawin yun. Alanganaman mag-lakad ako pauwi. Edi bukas na ako naka balik nun.
Nag aantay ako ng masasakyan. Taxi, Jeep or whatever. Pero Shocks! Walang dumadaan kahit isa.
Pagkalipas ng 40 Minutes. May natanaw akong Scooter. Oh my, God. Sasakyan ko yan. Kesa naman gabihin ako dito.
Pinara ko agad yung scooter. Huminto naman agad siya.
Pero nahihiya ako sa kanya, lalaki pa naman siya. Tinanong niya ako kung makikisakay ako.
Wala nang pumasok sa isip ko kaya naki angkas nalang ako.
Grabe si kuya. Okay siya mag patakbo ng scooter. Kasi hindi siya kagaya ng iba na sobrang bilis mag paandar kala mo nakikipag unahan sa kabayo.
Habang umaandar yung scooter, biglang may tumawid na bata. Napa preno siya at bigla akong napayakap sa kanya. Grabe Awkward yun, sobrang higpit pa ng pag kaka yakap ko.
Nag sorry naman agad ako sa kanya, pero sabi niya Okay lang. Kaya nag smile nalang ako sa kanya.
Pag dating ko sa hotel nag pasalamat ako sa kanya. Nginitian niya ako at umalis na siya.
Ang tanga ko kasi nakalimutan ko itanong yung pangalan niya. Sayang ang cute pa naman niya.
May 7, 2012
Ngayong araw nag decide akong bumalik sa beach. Nakaka adik kasi yung view. At this time dinala ko na yung wallet ko para kapag humangin ulit, hindi na liliparin ang pera ko.
BINABASA MO ANG
SHORT STORY COLLECTION BY LEE RAFAEL
Short StorySa Wattpad Story na 'to. Mababasa niyo ang iba't ibang klase ng Short Story na gawa ko. Including Horror, Romance, Science Fiction, Fanfiction, at iba pa. I hope na magustuhan niyo to. At every-time na meron akong bagong naisip na SHORT STORY. Dito...