Itim

58 5 0
                                    

Biglang tumunog ang kanyang telepono habang siya ay nagmamaneho.

Inabot niya ito sa kanyang tabi nang hindi tumitingin o pumipikit.

Ang kanyang mga mata ay nakatingin lamang sa daan. Mukhang seryoso dahil napakadilim ng daan.

Kumikidlat at umuulan kaya siya ay nag-iingat rin.

Pag-dampot niya sa kanyang telepono ay kaagad niya na itong sinagot. Siya ay nagulat dahil ang kanyang kausap sa kabilang linya ay mukhang takot na takot.

Sinabihan siya nito na sa sobrang lakas ng ulan ay hindi na madaraanan ang kalye kung saan siya palaging dumaraan.

Kaya wala siyang ibang paraan kundi daanan ang kalye kung saan ay wala siyang ibang makikita kundi ang kadiliman lamang.

Ang kalyeng iyon ay hindi niya na dinaraanan matapos ang pangyayaring tanging siya lamang ang nakakaalam.

Noong una ay kinakabahan pa siya pero binuksan niya ang radyo at nakinig sa kaunting musika upang ang kanyang kaba ay tuluyang mawala.

Siya ay kalmadong nakatingin sa daan hanggang sa naalala niya ang isang pangyayari tatlong taon na ang nakararaan.

Sa daan din kasi na ito nangyari ang isang malagim na krimen na bumago sa takbo ng buhay niya.

Sinariwa niya ang mga ala-alang SIYA lamang ang nakaka-alam.

Kaagad niyang pinatay ang radyo at sinimulan niyang isipin kung paano nga ba ulit iyon nangyari?!

Hanggang sa naalala niya na ang lahat...

Tatlong taon na ang nakararaan. Alas-onse ng gabi tulad ngayon, siya ay nagmamaneho rin daan na 'to gamit din ang sasasyang ito na noon ay bago pa lamang.

Sa pagkakatanda niya. Galing siya noon sa isang pagtitipon. Napakasaya niya dahil siya ay na-regular na sa trabaho.

Maaga siyang umuwi dahil gusto na niyang sabihin sa kanyang mga magulang ang magandang balita kaya binilisan niya na ang pagmamaneho.

Naisipan niyang daanan ang kalsada kung saan kakaunti lamang ang dumaraan kahit na ito ay napakadilim.

Pero kung ito ang kanyang dadaanan. Mas bibilis ang kanyang byahe ng dalawampung minuto.

Habang nasa kalagitnaan ng biyahe ay bigla siyang napatigil dahil sa isang babaeng naka-itim. Siya ay umiiyak ang humihingi ng tulong at gusto niyang makisakay dahil may papatay daw sa kanya.

Pinagmasdan niya ang babaeng naka-itim na puro galos at dugo ang mukha at ang unang pumasok sa kanyang isipan ay WAG ITONG PASAKAYIN.

"Paano kung baliw siya? Paano kung saktan niya ako? Paano kung mapahamak lang ako?" Ito ang naglalaro sa kanyang isipan habang pinagmamasdan ang kawawang babae.

Patuloy na nagmamakaawa ang babae pero imbes na tulungan niya ito ay kaagad niyang pinaandar ang kanyang sasakyan papalayo habang ang tibok ng kanyang puso ay napakabilis pa rin.

Ang tanging inisip niya lamang ay ang babaeng ito ay BAKA nasisiraan lamang ng bait.

Mahimbing siyang nakatulog ng gabing iyon at nawala rin sa isip niya ang babaeng naka-itim.

Iyon ang ala-alang matagal niya nang ibinaon sa limot dahil sa sobrang tagal na itong nangyari. Nasa kalagitnaan pa rin siya ng daang ito at ang ulan ay mas lalo pang lumakas.

Noong una ay kidlat lamang ang kasabay ng ulan pero ngayon ay may kasama na itong napakalakas na hangin kaya ang kalsada ay hindi niya na masyadong nakikita.

SHORT STORY COLLECTION BY LEE RAFAELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon