Isang hapon habang papauwi na siya galing eskwela ay may kakaiba siyang napansin. Napatingin siya sa langit at bigla siyang nagtaka. Dahil ang kalangitan ay parang nag iiba. Bumibilis ang galaw ng ulap at tila may binubuo itong imahe. Hindi nalang niya pinansin ito. at dumeretso nalang sa paglalakad. Medyo mahaba pa ang lalakbayin niya dahil siya ay naubusan ng pamasahe. Habang naglalakad pa rin siya ay biglang kumidlat ng malakas. "Kailangan ko na atang magmadali, parang aabutan na ako ng ulan." - Wika niya. Pero wala pang isang minuto ay biglang bumuhos ang ulan. Nagulat siya! Pero buti nalang ay may nakita siyang waiting shed, kaya pinili niya nalang na manatili roon. "Dito nga muna ako, ayokong magkasakit no." Pagkalipas ng ilang saglit ay napatingin ulit siya sa langit. Tila parang may binubuong korte ang ulap. Tinitigan niya lang ito at bigla siyang nagulat, dahil may hugis kotse na nabuo sa kalangitan.
Siya ay namangha "Teka! Buti dala ko ang cellphone ko. Pi Picturan ko nga para maipagmayabang ko sa aking mga kaklase." (At Pinikturan na niya.) Pagkatapos non ay may nakita siyang babae at may kasamang bata. Ito ay papatawid na nang biglang mag kulay Green ang stoplight. "ATE! WAG KAYONG TATAWID!" -Sigaw niya. Pero hindi siya narinig ng babae.
Paglingon niya sa kanyang kanan ay may nakita siyang napaka tulin na kotse. At bumangga ito sa babae at sa isang bata. Ikinagulat niya ito. At tinakpan niya ang kanyang mga mata. Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating na ang mga ambulansya at mga pulis. Namatay ang Babae at bata. At natuklasan niya na mag nanay pala ang ito.
"Nagulat ako! Pero nakita ko na... Ang kotse...Ang Kotse..." - Wika niya sa mga pulis. Pero hindi na siya pinakinggan ng mga ito. "Wait! Napicturan ko yung ulap!" -Wika niya. Ipinakita niya ito sa mga pulis pero ang ikinagulat niya ay ordinaryong ulap lang ang nakuhanan niya. Hindi na siya pinaniwalaan ng mga ito.
Tumila na ang ulan at itinuloy na niya ang paglalakad pag uwi.
---
"MAKAKAASA PO KAYO NG ISANG NAPAKA ALIWALAS NA PAPAWIRIN HANGGANG SA SUSUNOD NA LINGGO. WAG LANG PONG KALIMUTAN MAG DALA NG PAYONG DAHIL MAGIGING MAINIT ANG LINGGONG ITO." -Wika ng reporter sa TV.
Mahigit tatlong taon na pala ang lumipas nang masaksihan ni Cyan ang kagimbal-gimbal sa aksidente na pumatay sa mag ina. Naalala niya kung paano mahati sa dalawa ang bangkay at magulungan ng napaka tulin na sasakyan. Nandidiri siya kapag naaalala niya ito.
(NAG RING ANG TELEPONO AT SINAGOT NI CYAN) *Hoy Cyan! Asan ka na ba! Ma la-late na tayo sa Flight naten. Bilisan mo nga.* -Wika ni Angel na girlfriend ni Cyan.
(AT THE AIRPORT)
"Pasensya na talaga ah. May inasikaso pa kasi ako" -Pasensya ni Cyan kay Angel. At tuluyan na silang umakyat sa eroplano. "Hon, pwede bang doon ka sa may tabi ng bintana umupo. May fear of heights kasi ako." -wika ni Angel. "Sige na nga!" -Cyan. (AT TULUYAN NANG LUMIPAD ANG EROPLANO.)
Napatingin si Cyan sa bintana ng eroplano. At may napansin siya. Korteng puso ang ulap. Nagulat siya. At ginising niya si Angel. "Hon. tignan mo yung ulap ohh! korteng puso." -Wika ni Cyan. Pero nagtataka si Angel. "Saan??? Wala naman ahh. Matutulog muna ako."-Wika ni Angel. Maya maya lang ay umalog ang sinasakyan nilang eroplano. Napatingin si Cyan sa mga pasahero at siya ay nagulat. Dahil ang isang pasahero ay biglang may lamabas na dugo sa bibig. At tumirik ang mata nito. "INAATAKE SA PUSO!!" -Sigaw ng katabi nito. Napatayo ang lahat sa upuan at nagulat. Sa kasamaang palad ay walang doktor o nurse sa eroplano. Napayakap nalang si Angel kay Cyan. At si Cyan naman ay natulala nalang sa mga pangyayari. "May kakayahan ako na hindi kayang gawin ng iba!" -Bulong ni Cyan sa sarili. "Mauna ka na Hon sa hotel. At may pupunta lang ako sa hospital." -Wika ni Cyan. At tuluyan na silang naghiwalay ng landas. Paglapag ng eroplano sa Manila ay agad agad siyang pumunta sa Psychiatrist. At ikinuwento niya ang kanyang kakayahan dito.
BINABASA MO ANG
SHORT STORY COLLECTION BY LEE RAFAEL
Short StorySa Wattpad Story na 'to. Mababasa niyo ang iba't ibang klase ng Short Story na gawa ko. Including Horror, Romance, Science Fiction, Fanfiction, at iba pa. I hope na magustuhan niyo to. At every-time na meron akong bagong naisip na SHORT STORY. Dito...