Ang Kaluskos

142 6 2
                                    

Bigla akong nagising mula sa isang napakahimbing na pagkakatulog dahil isang kaluskos ang narinig ko sa labas ng aking kwarto. Muli kong ipinikit ang mga mata ko pero kaagad rin akong napadilat dahil muli ko nanamang narinig ang tunog na iyon.

Sa tingin ko ay sa kusina nanggagaling ang tunog dahil para itong tunog ng mga plato at kutsara na tila nagsisipag galawan. Habang mas tumatagal pa ay mas lumalakas ito kaya kaagad akong bumangon upang silipin ito.

Pagbukas ko ng pintuan ng aking kwarto ay kaagad na sumalubong sa akin ang napakadilim na paligid. Kaya kaagad kong pinindot ang switch sa pader pero nakapagtataka dahil hindi bumukas ang mga ilaw.

Muli akong bumalik sa aking kwarto upang kunin ang flashlight at kaagad ko rin itong binuksan. Naglakad ako papalabas patungo sa kusina habang ang aking flashlight ay nakatutok sa napaka dilim na kapaligiran.

Pero habang mas lumalapit na ako sa kusina ay mas humihina na ang tunog at pagkarating ko dito ay tuluyan nang tumigil ang ingay na kanina lamang ay naririnig ko.

Naglakad ako patungo sa lababo upang silipin kung meron bang mga daga na naglalaro pero kahit ni isang plato, kutsara o tinidor ay wala akong nakita bagkus. silang lahat ay nakita ko sa loob platera.

Huminga ako ng malalim hanggang sa naisipan ko na bumalik na sa aking kwarto pero bigla akong napatigil sa aking paglalakad dahil nakarinig nanaman ako ng isang tunog mula naman sa sala.

Muli kong itinutok ang flashlight na hawak ko sa malawak at madilim na bahay ko hanggang sa naglakad ako patungo sa sala. Pero pagkarating ko dito...

...muli nanamang nawala ang mahinang kaluskos pero nakapagtataka dahil ang malaking bintana sa kaliwang bahagi ng aking sala ay nakabukas at kasalukuyang sumasayaw ang mga kurtina habang ang napakalamig na hangin mula sa labas ay kasalukuyang pumapasok.

Bigla akong napaisip dahil wala naman akong naaalala na naiwan ko itong nakabukas bago ako matulog. Kaya dali-dali akong nagtungo papalapit dito at kaagad ko itong isinarado.

Habang isinasarado ko pa rin ang bintana ay sumilip ako sa labas at saka ko napagtanto na imposibleng may ibang taong makakapasok sa aking bahay dahil ang pinakamalapit na kapitbahay ko ay tatlumpung minutong biyahe pa ng sasakyan bago ko marating.

Pero bigla ko namang naalala dahil narito pala ang kapatid ko dahil binisita niya ako kahapon at siya ay kasalukuyang natutulog sa kabilang kwarto.

Mukhang ayos na naman na ang lahat kaya naglakad na ako pabalik sa aking kwarto at pagkarating ko sa mismong pintuan nito ay muli nanaman akong napahinto dahil isang kaluskos nanaman ang narinig ko mula sa kabilang silid kung saan kasalukuyang natutulog ang kapatid ko.

Kaya dali-dali akong tumakbo patungo sa kanyang silid upang mahuli ko na kung sino ba talaga ang gumagawa ng ingay na 'yon! At pag bukas ko ng pintuan ay saktong nawala ang ingay na naririnig ko at ang kapatid ko naman napakahimbing pa rin ng pagkakatulog habang siya ay nakabalot ng kumot.

Tinitigan ko pa siya ng ilang saglit hanggang sa muli ko nang isinarado ang pintuan ng kanyang kwarto at kaagad na rin akong bumalik sa aking kwarto upang magpahinga na.

Muli akong humiga pero isang segundo matapos kong ipikit ang mga mata ko ay bigla akong nagulat dahil isang napakalakas na tunog ng isang makina ang bigla kong narinig at kasabay nito ay bumukas na ang ilaw ng aking kwarto. At isa lamang ang ibig sabihin neto...

...May nagbukas ng generator sa may bodega sa likod ng aming bahay.

Muli akong bumangon mula sa pagkakahiga at tuluyang nawala ang antok ko! Imbes na flashlight ang kunin ko ay ang baseball bat sa ilalim ng kama ang dali-dali kong inabot. Panigurado akong may iba pang tao ang narito sa bahay ko!

SHORT STORY COLLECTION BY LEE RAFAELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon