Notes and Words

440 9 0
                                    

"What a beautiful sunset."

Bulong ko sa sarili ko habang naka-upo sa bench sa gilid ng Seawall. Kitang kita ko ang napaka gandang mga barko at kislap ng araw papunta sa dagat. Huminga ako ng malalim at naamoy ko ang napaka-init na singaw ng tubig. Ang sarap sa pakiramdam. Pero bigla akong may naalala. Si Sarah. Siguro kung nandito siya sa tabi ko ay malamang natutuwa din siya.

Pero wala na siya...

Matagal na siyang namayapa, 40 years na ang nakakaraan matapos niya akong iwan, namatay siya sa Leukemia. Naaalala ko pa ang mga huling katagang sinabi niya sakin.

"Mahal na mahal kita..."

Pero kahit na wala na siya ay hinding hindi ko pa rin nalilimutan ang napaka ganda niyang mukha at ang napaka bait niyang ugali.

Tumayo ako at pumunta sa gilid ng seawall. Muli akong huminga ng malalim, at napa-pikit.

Lumipas ang sampung sigundo at napa-dilat na ako. Isang batang babae ang tumabi saakin, sa tingin ko ay mga nasa 16 Years old na siya. Pinagmamasdan din niya ang napaka gandang sunset.

Medyo napa-urong ako ng konti dahil mukhang may napaka-lalim siyang iniisip.

Tumingin ako sa paligid at may isang batang lalaki akong nakita. May hawak siyang sulat at rosas. Sa tingin ko ay kasing edad din niya ang batang babae sa gilid ko. Muli ko siyang pinag-masdan at kitang kita ko sa kanyang mga mata na siya ay kinakabahan.

Napa-ngiti ako...

Maya-maya lamang ay unti-unti nang lumapit ang batang lalaki sa batang babae. Ibinigay niya ang sulat at ang bulaklak. Pinagmasdan ko ang reaksyon ng batang babae at siya ay mukhang nagulat.

Sa sobrang hiya ng batang lalaki ay bigla na lamang siyang tumakbo papalayo. Hindi ko siya maintindihan pero siguro ay sa sobra niyang hiya kaya siya tumakbo.

---

Madilim na ang paligid at nasiyahan naman ako sa nakita kong sunset. Napag desisyunan kong pumunta sa isang restaurant upang kumain. Kailangan ko ring mapakinabangan ang Senior Citizen discount ko. Minsan lang ako lumabas ng bahay kaya kailangan kong mag-enjoy.

Pumasok ako sa isang mamahaling restaurant. Binigay ng waiter ang menu ng mga pag-kain saakin at namili na ako. Pero bigla akong napa tingin sa isang pag-kain. "FRIED CHICKEN". nako... Paborito ni Sarah ito. Gustong gusto niya ang fried chicken pero kabaligtaran naman ito ng saakin. Hindi ko gusto ang Fried Chicken pero dahil pinilit ako ni Sarah na kumain neto. Wala akong nagawa kundi magustuhan na rin ito. Napaka sarap din pala...

Binigay ko na ang order ko at nag-hintay.

At bigla akong napatingin sa katabing mesa ko.

Isang Babae at Lalaki ang nag de-date. Pinagmasdan ko sila at ang lalaki ay tila kinakabahan. Napalunok siya at bigla niyang kinausap ang babae.

"Uhmmm. Matagal na kitang gusto, at mahal kita... Pwede ba kitang ligawan??"

Hmmmmmmmmm. Napa hawak ako sa bibig ko at hindi ko mapigilang kiligin sa kanilang dalawa.

"OO! Mahal din kita! Tayo na!"

Napa-ngiti ako at hindi ko talaga mapigilang kiligin. Matapos ng kanilang ligawan ay dumating na ang inorder kong fried chicken. At kinain ko na ito.

---

Busog na ako! Oras nang pumunta sa Hospital upang kunin ko na ang X-Ray ko. ganito na talaga kapag tumatanda. Hindi nawawalan ng sakit. Lumabas na ako sa restaurant upang sumakay ng Bus.

Habang nag-aabang ay bigla akong napa-tingin sa gilid ko. Isang napaka gandang dilag ang nag-aabang din ng bus. At sa tabi niya ay isang napaka-gwapong lalaki. Sa tingin ko ay bagay na bagay sila.

SHORT STORY COLLECTION BY LEE RAFAELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon