Maybe in Heaven (EXO FANFIC)

611 13 5
                                    

"Oh my God! Late na ako!!!!" Bigkas ni Kris habang nagmamadaling pumasok.

First day pa naman ng classes. Medyo naninibago si Kris dahil transferee siya. Habang papasok na siya sa school ay may nakasabay siya. Ka school mate niya ito dahil pareho sila ng uniform. Tinitigan niya ito nang bigalang tinignan din siya nito.

Medyo nagulat siya dahil nagkatitigan sila. Nabighani siya sa mga mata nito.

Pagkarating nila sa school ay muli silang nagkasabay. Maging sa pagtawid at pagpasok sa gate.

Napaka daming tao sa campus "Saan ba yung classroom ko. Wala akong idea!" Sinabi ni Kris sa sarili niya habang hinahanap ang magiging section niya.

Ang section ni Kris ay '4-EXTRASOLAR'

"Sa wakas ay nakita ko na rin." At pumasok na siya sa classroom niya. Dahil nga sa late na siya ay nahirapan siyang makahanap ng upuan. Pero may natira pa sa dulo.

Umupo na si Kris at laking gulat niya na classmate pala niya ang nakasabay niya sa bus. At magkatabi pa sila nito.

"Anong pangalan mo?" Tanong ni Kris.

"Kyungsoo ang Pangalan ko..." Sagot ng katabi niya.

Medyo naiilang pa sila sa isa't isa dahil ngayon lamang sila nagkakilala. Tinandaan ni Kris ang araw na yon dahil iyon ang araw nabighani siya kay Kyungsoo. (June, 11, 2012)

Dumating ang oras at isa isa na silang nagpakilala sa klase. Lumipas pa ang ilang minuto at si Kyungsoo na ang nagsalita sa harap...

"Ako nga po pala si Kyungsoo. Transferee lang ako galing sa kabilang school. Kaya lumipat ako dito dahil may madali para saakin mag byahe. Wala na akong parents. Ang father ko ay may iba nang karelasyon at ang mother ko naman ay patay na. Ang kinamatay niya ay Heart Cancer. Ang sabi niya nung nabubuhay pa siya ay nasa lahi na daw talaga ng pamilya namin ang magkaroon ng ganon. Pero hindi naman ako natatakot. Dahil palagi kong kasama ang Diyos sa likod ko at maging ang nanay ko... Maraming salamat po. Sana maging mabuti tayong mag ka-classmates."

At umupo na siya. Nagulat si Kris sa sinabi ni Kyungsoo. Pero naniniwala si Kris na magiging kaibigan niya si Kyungsoo.

--

Hindi nga siya nagkamali. Lumipas ang ilang buwan ay naging close na agad sila. Magkasa lagi silang kumakain sa canteen at magkasundo rin sila sa halos lahat ng bagay. Pero hindi rin mawawala ang mga taong magpapagulo sa masaya nilang pagkakaibigan.

--

"Dumating na ang bully. Tahimik na kayo." Bulong ng classmate nila Kris at Kyungsoo.

At pumasok na nga sa classroom ang bully na si Tao. Kinakatakutan siya dahil bukod sa mayabang ay nananakit din ito ng mga kaklase. Ang pinaka gusto nitong I bully ay si Kyungsoo. Dahil bukod sa mahina, maliit din ito.

Nag ring na ang bell. Uwian na. Naisipan ni Kris at Kyungsoo na magsabay nalang. Dahil sa isang direksyon lang naman sila umuuwi. Habang naglalakad sila ay biglang dumating si Tao. At tinisod nito si Kyungsoo. Walang nagawa si Kyungsoo kundi madapa. Nakita ni Kris ang pangyayaring iyon. Maging siya ay nagulat. Nang biglang sinuntok ni Kris si Tao. Dumugo ang ilong nito at hindi na nakaganti.

"SUBUKAN MO LANG ULIT SAKTAN SI KYUNGSOO, AT HINDI LANG YAN ANG AABUTIN MO SAKIN!" Pasigaw na sagot ni Kris. At tuluyan nang umalis si Tao.

Nang lalapitan na ni Kris si Kyungsoo ay laking gulat niya na wala itong malay. Nakahiga nalang ito sa lapag at naka tirik ang mata. Halos maiyak si Kris sa nakita niya. Wala siyang mahingan ng tulong dahil walang tao sa paligid.

SHORT STORY COLLECTION BY LEE RAFAELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon