A Slice of Summer

6 0 0
                                    

April 2006

Habang nagmamaneho ako ng aking sasakyan ay pinatay ko na ang aircon at binuksan na lamang ang bintana. Ang malamig na simoy ng hangin mula sa labas ay kaagad na pumasok sa loob ng aking sasakyan. Tumingin ako sa akong relos at nalaman ko na alas-dos na pala ng hapon. Ang kalangitan ay asul at ang araw ay nakangiti pero walang bahid ng kahit anong init ang aking nadarama. Kung tama ang hinala ko. Mukhang nasa Baguio na nga ako.

Limang oras ang binayahe ko upang balikan ang lugar na 'to. Walong taon na rin mula nang huling beses na nakatapak ako sa lugar na ito. Napakaraming mga ala-ala ang kaagad na bumalik pero habang tinatahak ko pa rin ang lugar kung saan ako tutungo ay naisipan ko munang bumili ng isang bouquet ng bulaklak sa gilid ng daan.

Matapos 'non ay muli kong ipinagpatuloy ang pagmamaneho hanggang sa narating ko na ang lugar na naging dahilan kung bakit ko binalikan ang lugar na ito. Ang simenteryo.

Hinanap ko agad ang lapida at sa pagkakaalala ko ay mayroong isang malaking puno ang nakatirik malapit dito. Umikot ako at nakapagtataka dahil hindi ko pa rin nakikita ang malaking punong iyon. Sakto naman at may isang matandang lalaki ang nagwawalis sa 'di kalayuan at kaagad ko siyang nilapitan. Tinanong ko kung nasaan na ba ang punong iyon at saka niya sinabi na matagal nang pinutol ang iyon "Siguro mga anim taon na ang nakararaan mula nang tanggalin ang punong iyon dito." Wika niya. At saka niya naman itinuro ang lugar kung saan dating nakatayo ang punong iyon. Nagpasalamat ako sa kanya at saka ko na tinungo ang lugar na yon.

Nang marating ko na ang tamang lugar ay saka ko napagtanto na napakarami na palang nagbago sa lugar na ito. Tinatanaw ko ang mga bundok sa kalayuan at kung dati ay maaliwalas itong tignan. Ngayon ay nakaharang na ang mga maliliit na gusali at may mga sasakyan din ang umaakyat dito.

Pagkarating ko sa tamang lapida ay kaagad kong inilapag ang bulaklak. Dinama ko ang malamig na lapida hanggang sa bigla akong nakadama ng matinding kalungkutan. Pero gayumpaman. Hindi muna ako umalis sa lugar na ito at kaagad akong umupo sa tabi ng lapida. Tumanaw ako sa kabundukan at kalangitan hanggang sa nakita ko ang mga ibong malayang nagliliparan. "Parang kailan lang. Walong taon. Tila kahapon lang. napakabilis ng mga pangyayari."

Hanggang sa muli kong naalala ang mga pangyayari sa aking buhay na matagal ko nang itinago at pinanatili sa pinaka sulok ng aking puso.

Sa pagkakaalala ko ay labing dalawang taon na ang nakararaan mula nang mawala ang aking mga magulang. Nawala sila dahil sa isang aksidente. Ang kanila kasing sinasakyan na bus ay nahulog sa bangin doon sa may Marcos road. Sa pagkakaalala ko ay ibinalita pa iyon sa TV at nanging usap-usapan din iyon dito sa Baguio.

Matapos mawala ng mga magulang ko ay natuto na kong mamuhay nang mag-isa. Pinagsabay ko ang pag ta-trabaho sa aking pag-aaral at nakatulong din ang insurance ng aking ama para makatapos ako ng high school. Pero hindi pa iyon ang buong kwento.

Habang nasa high school ako. Third year kung aking maaalala. Nangyari ang pinaka hindi ko malilimutang kabanata ng aking buhay.

Iyon ay noong nagkagusto ako sa kaklase kong si Tony. Araw-araw ko siyang pinadadalhan ng sulat at ipinapaabot ko ito sa kaibigan niyang si Jarold na tanging kaibigan ko rin simula noong first year high school pa lamang ako. Si Tony ang nagsisilbi kong inspirasyon sa aking pag-aaral bukod sa aking mga magulang pero ni isang beses ay hindi ko siya nakakausap. Sa mga sulat lamang ako umaasa na siya ay mapansin ako.

Tuwing alas-tres ng hapon. Magtutungo ako sa labas ng gate ng aming paaralan at doon ko tatagpuin si Jarold. Ibibigay ko sa kanya ang isang sulat na nakalagay sa isang intermediate pad at dadalhin niya naman ito kay Tony. Pero isang araw, nagtataka ako dahil kahit na mahigit sampung sulat na ang naipadala ko kay Tony ay hindi pa rin niya ako magawang pansinin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SHORT STORY COLLECTION BY LEE RAFAELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon