Yung mga sigawan, yung mga tilian, yung mga palakpakan. Yun yung mga bagay na hinding-hindi ko makakalimutan. Napaka saya nilang lahat habang pinapanuod akong sumasayaw. Pero may ibang bagay nanaman akong napansin...
Yung babae sa audience.
Nandito nanaman siya sa Concert ko? Lahat na ata ng Live performances ko ay napanuod na niya. Hindi na nga siya maalis sa isip ko ehh. Yung fangirl na yun.
Pero ito na ang pinaka huling magta-tanghal ako sa kanilang lahat. Hindi ko na kaya ang hirap at ang pagod. Napaka-sakit sa pakiramdam na iiwanan ko na silang lahat. Buo na kasi ang desisyon ko. Aalis na ako sa grupo na kinabibilangan ko at napag desisyunan ko na pupunta na lamang ako sa ibang bansa upang magsimula ulit.
Natapos na ang pinaka huling performance ko at nag-bow ako. Ayokong ipahalatang nalulungkot ako. Muli akong tumingin sa mga fans ko at ngumiti na lamang ako. Akala nila ayos lang ang lahat. Pero hindi nila nakikita ang sobrang hirap ng pinag daraanan ko.
Paalam sa inyong lahat.
---
Umalis na ako sa stage pero habang naglalakad ako papalayo sa mga tao ay bigla akong napaisip. Yung fangirl na palaging sumosoporta sakin. Eto na ata ang huling araw na makikita pa niya ako. Kaya bigla akong bumalik sa stage at kinawayan ko siya at kinindatan.
Pero bigla akong nagtaka...
Hindi siya ngumiti at naka-titig lang siya sakin.
Bigla akong napa-isip. Pero wala na akong nagawa kundi tuluyan nang umalis ng stage.
---
Lumipas ang isang linggo at tuluyan nang nalaman ng buong mundo na aalis na 'ko. Nakita kong nalulungkot sila. Palagi akong bumubisita sa mga Fanpages upang tignan ang kanilang mga reaksyon. At pare-pareho silang nalulungkot.
Feeling ko tuloy ay napaka sama ko. Pero wala rin akong nagawa kundi tanggapin na lamang ang katotohanan. Na wala na 'ko.
Hindi ko napigilang umiyak. At nag-impake na ko ng aking mga damit.
Tuluyan na akong umalis sa bansa kung saan maraming nagmamahal sa akin.
---
Lumipag pa ang tatlong buwan at tuluyan na akong nakapag-simula ng bago kong career. Hindi na akong performer kundi isa nang artista. Medyo masaya na rin ako dahil mas magaan na rin ang paakiramdam ko.
Habang nagpapahinga ako sa set ay bigla akong kinalabit ng Make-Up artist ko.
"Uyy. Mag tumatawag sayo sa labas. Fan mo ata. Kanina pa nangungulit ehh. May ibibigay siguro siyang fangift sayo."
Sanay na 'ko sa mga ganitong eksena. Pero hindi ko na lamang sila pinapansin dahil alam ko rin ang limitasyon ko. Pero parang may kakaiba akong nararamdaman. Yung make-up artist ko ay pinipilit akong lumabas upang makita ang Fan na yun. Wala na akong nagawa kundi lumabas na at puntahan siya.
Hanggang sa nakita ko siya.
Isang babae ang may hawak ng isang sulat. Iniabot niya ito sakin at nagpasalamat siya. Hindi na siya mukhang bata. Sa tingin ko ay nasa 40 Years old na siya. At sa tabi niya ay may isang babae na naka-upo sa wheel chair. Naka suot siya ng face mask kaya hindi ko siya namukhaan.
---
Agad na akong bumalik sa loob ng Mini Van at medyo pagod na rin ako. Hindi ko na naisipang basahin ang sulat dahil pagod na rin ako.
Lumipas ang dalawang oras nang pagpapahinga ay medyo may lakas na ulit ako.
Agad akong napa tingin sa sulat. At binasa ko na ito.
________
Dear Kris,
Salamat sa chance dahil pinaglaanan mo ako ng konting panahon para basahin ang sinulat ko. Gusto ko lang sabihin sayo na nagpapasalamat ako sa mga bagay na nagawa mo. Nabago mo kasi ang buhay ko. Akala ko wala na kong pag-asa. Ang akala ko din ay mamamatay na akong nalulungkot. Pero mali pala ako, pinasaya mo ako kahit sa maiksing panahon lamang. Hindi ako nalulungkot dahil na nawala ka na sa EXO. Kung saan ka masaya ay doon na rin ako. Pasenya na rin kung hindi kita na ngitian nung kumaway ka sa akin nung pinaka huling performance mo. Medyo lumalabo na rin kasi ang paningin ko nung mga oras na yun. Yun yung epekto ng sakit kong Cancer. Ito na siguro yung pinaka una at huling sulat na magagawa ko sayo. Malapit na rin kasi akong mawala. Pero masaya parin ako kasi kahit papano, napanuod ko yung pinaka huling performance mo bago man lamang ako mamatay. Kahit anong mangyari, susuportahan pa rin kita. Kahit wala na ako, palagi lang akong nasa puso mo. Salamat talaga sa lahat. Mahal na mahal kita. Kaya mo yan. Fighting....
-Charlotte.
_______
Bigla akong naluha habang binabasa ang sulat na 'yon. Bigla akong tumakbo papalabas upang tanungin sa make up artist ko kung nasaan na yung fan na nag bigay ng sulat.
Pero wala na sila.
Naaalala ko pa nung inabot sa akin ng matanda ang sulat. Yung babaeng nakaupo sa wheelchair ay parang gustong tumayo sa kinauupuan niya. Pero hindi niya magawa dahil sa nanghihina siya.
Siya siguro si Charlotte. Ang babaeng palaging nanunuod ng performance ko.
Pumunta pa talaga siya ng China upang ibigay ang simpleng sulat na 'yon.
---
Agad akong sumakay sa kotse upang pumunta sa pinaka malapit na Hospital. Wala pang sampung minuto at narating ko na rin 'yon.
Inikot ko ang buong Hospital pero hindi ko mahanap si Charlotte. Pero sa kabutihang palad ay nakita ang ang matandang nagbigay ng sulat sa akin.
Siya pala ang nanay ni Charlotte.
---
Tulala siya at namumula ang mata. Tinanong ko kung nasaan si Charlotte at isa lamang ang sagot niya...
.
.
.
.
.
"Wala na siya."
Hindi ko kinaya ang narinig ko at napa hawak ako sa pader.
Unti-unti akong pumasok sa kwarto niya at nakita kong nakapikit na ang mga mata niya. Tapos na ang paghihirap niya sa Cancer. Tinitigan ko ang mga mata niya at siya nga yung babaeng sumuporta sakin simula sa umpisa hanggang sa huli.
Napansin ko sa kanyang braso na suot-suot ang Baller ng EXO.
Siguro ay umaasa pa rin siya na muli akong makakabalik dun at muling mag-tatanghal.
Hinawakan ko ang mga kamay niya at Taos pusong nagpasalamat.
Siya nga ata talaga ang Number One fan ko. At ngayon ay siya na rin ang Angel ko.
---
Bigla akong nabuhayan ng loob. Ngayon ay mas hindi na akong natatakot . Mas matapang na ako ngayon dahil meron ng isang anghel na nagbabantay sa akin.
Kaya napag desisyunan ko na...
Babalik na ako sa EXO at pipilitin kong bumawi kay Charlotte kahit na ito na lamang ang tanging paraan para mapasalamatan siya sa lahat ng nagawa niya para sakin.
THE END
BINABASA MO ANG
SHORT STORY COLLECTION BY LEE RAFAEL
Short StorySa Wattpad Story na 'to. Mababasa niyo ang iba't ibang klase ng Short Story na gawa ko. Including Horror, Romance, Science Fiction, Fanfiction, at iba pa. I hope na magustuhan niyo to. At every-time na meron akong bagong naisip na SHORT STORY. Dito...