Rainbow Memories

355 6 0
                                    

JUNE 1991

My name is Harry and it was all started when I was first year in college. As usual. Kinakabahan ako katulad ng mga iba pang magiging estudyante dito sa eskwelahan na papasukan ko. Ngayon ay naglalakad ako sa hallway at ang lahat ng mga pintuan ay tinitignan ko. "Room 302" Bulong ko. Hanggang ngayon ay kasalukuyan ko pa ring hinahanap ang classroom na papasukan ko.

Naglakad-lakad pa ako hanggang sa nakita ko na ang kwarto. Pumasok ako at umupo sa pinaka dulong bahagi ng silid dahil hindi ako sanay na may maraming tao ang nakakaita sa akin. Hindi ako katangkaran para sa isang lalaki dahil five-six lamang ang height ko. Sa katunayan nga ay dapat sa pinaka harapan dapat ako nakaupo pero hindi ko iyon pinili, Tahimik lang ako at nakayuko hanggang sa biglang may isang taong umupo sa tabi ko. Sa pagkabigla ko ay kaagad akong napatingin sa kanya. Maputi siya. Makinis. Guwapo. At may katangkaran. Hindi ko inasahan na ngingitian niya ako kaya wala na akong nagawa hanggang sa ngitian ko na lang din siya.

At doon na nagsimula ang lahat.

Naging magkaibigan kami ni Justin simula ng magkakilala kami noong first year. Sinasamahan niya ako sa tuwing pupunta ako sa mall upang bumili ng mga materials para sa school projects. At sinasamahan ko rin siyang maglaro ng basketball.

Sa katunayan ay hindi talaga ako marunong ng sports na 'to pero nang dahil sa kanya ay natuto ako. Sobrang saya ko sa tuwing nakakasama ko siya dahil siya lamang ang ganong klase ng kaibigan na nakilala ko kahit na hindi ako gaanong palakaibigan.

Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko pero sa tingin ko ay nagugustuhan ko na siya. Lahat na ng mga sikreto ay nasabi ko sa kanya maliban lang sa isang bagay. Iyon ay dahil bading ako. Ayoko kasing masira ang pakikipag-kaibigan ko sa kanya dahil bibihira lamang ang taong katulad niya.

Si Justin ay nakatira lamang sa kanyang lola at patay na ang kanyang mga magulang. Maging ako ay ganoon din. Wala na rin akong mga magulang at tanging sa tita ko na lamang ako nakatira.

Nasabi pa niya sa akin na mawawala ang kanyang lola nang isang buwan dahil kailangan nitong puntahan ang kanyang mga kamag-anak sa probinsya.

Isa pa sa magiging epekto kapag nalaman niyang may gusto ako sa kanya ay baka tuluyan na niya akong iwasan. Si Justin kasi ay mayroong Girlfriend at sila ay anim na taon na. Si Trina ang kanyang mahal at palagi niyang kinu-kwento sa akin ang kanilang mga dates, first kiss, monthsary, at kung anu-ano pang mga achievements ng kanilang relasyon.

Ngumingiti ako at sinasabing wala nang lalaki pa ang makakapantay sa pagmamahal niya para kay Trina. Pero sa totoo lang... Nasasaktan ako sa hindi malaman na dahilan.

***

Kagabi ang unang beses na iniyakan ko siya. Dahil mag a-apat na taon ko nang tinatago ang nararamdaman ko para sa kanya. Nalalapit na rin ang graduation namin at mukhang tuluyan na kaming magkakahiwalay.

Pero kaninang umaga lang nangyari sa isang bagay na matagal ko nang gustong sabihin sa kanya.

"Mahal kita Justin."

Matapos niyang marinig ang pag-amin ko ay natulala siya. Hindi siya makapaniwala na makakapagsabi ako ng ganong klaseng bagay sa kanya. Hindi siya nakasagot at matapos non ay hindi na siya nagsalita at tuluyan nang umalis.

Iniwan niya akong mag-isa.

Habang pinagmamasdan ko siya na papalayo sa akin ay tuluyan na akong naluha. Hindi ko akalain na magiging ganoon ang kanyang reaksyon at mukhang nasira na nga talaga ang pagkakaibigan namin.

Kaagad akong tumakbo ng napakabilis hanggang sa nakarating na ako sa basketball court kung saan kami naglalaro ni Justin ng Basketball. Doon ko binuhos ang lahat ng pinakatatago kong emosyon at ang mga mata ko ay wala nang tigil sa kakaiyak.

SHORT STORY COLLECTION BY LEE RAFAELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon