Whatever Tomorrow Brings

0 0 0
                                    

Si Amy ay pansamantalang huminto matapos niyang makapasok sa pintuan ng kanilang opisina na naging pangalawang tahanan na niya. Habang pinagmamasdan niya ang mga computers, bulletin boards, at maging ang mga upuan ay saka bumalik sa kanyang isipan ang mga masasaya at mapapait na ala-ala sa lugar na to na halos bumuo na ng kanyang pagkatao. Siya ay napangiti ngunit iyon ay agad ding nawala. Dahil ito na kasi ang huli niyang araw sa lugar na ito. Ang opisinang binuo at tinuluyan niya sa loob ng labing-siyam na taon.
Sa di kalayuan ay natanaw niya ang mga empleyadong nagtitipon-tipon kung saan ramdam ni Amy ang kanilang kalungkutan din. Si Jackson na isang janitor ang unang nakakita kay Amy at ito ay agad na tinawag ang kanyang pangalan at saka kumaway. "Si boss Amy!"
Ang lahat ay napatingin sa kanya at ang kanilang malulungkot na mukha ay bahagyang napalitan ng panandaliang ngiti.
Ang lahat ay lumapit kay Amy at isa-isa nilang niyakap ang babaeng tumulong sa kanila sa pag-angat nila sa buhay.
"Maraming salamat po boss Amy. Nang dahil sa tulong mo noon nakatapos ng kolehiyo ang anak ko." Wika ni Janet na sampung taon nang empleyado.
Ang lahat ay nagpasalamat sa kanya sa pamamagitan ng iba't-ibang klasing tulong na binigay ni Amy sa kanila sa loob ng mahabang panahon. At matapos magpasalamat ng lahat ay si Amy naman ang kaagad na nagsalita. Sa loob ng labing-siyam na taon, ngayon lang ulit siya kinabahan ng ganito. Tila hindi pa handa si Amy na magsalita pero ito na lamang ang nag-iisa niyang pagkakaton upang masabi ang lahat ng nilalaman ng kanyang puso.
"Hindi ko alam kung paano ako magsisimula." Sabay hingang malalim niya. "Sa loob ng napakahabang panahon kasama ko kayo, halos dito na nga tayo tumanda. Nasaksihan ko lahat ng mga tagumpay na nakuha natin simula noong maliit pa lamang itong negosyong itinayo ko. Lumipas ang mga taon at nakilala ko pa kayo. May iilang mga umalis pero nanatili kayong loyal sa akin. Hindi ko alam pero napaka-bigat ng puso ko ngayong maghihiwa-hiwalay na tayo. Hindi ko akalaing dito pala magtatapos ang lahat ng pinaghirapan natin." Ang lahat ay nagsimula nang umiyak. Si Amy naman ay pinipilit na magpakatatag at hindi maluha. "Kung saan man tayo dalhin ng ating mga tadhana. Hanggang sa huli, hinding hindi ko kayo malilimutan. Nandito lang kayo palagi sa puso ko. Hanggang sa dulo ng buhay ko."
Ang halos 50 na empleyado ay nagsipagpalakpakan na may kasamang mga luha.
Matapos ng munting speech ni Amy ay kaagad niyang nilapitan isa-isa ang kanyang mga empleyado at saka isa-isa ring pinasalamatan. Iyon ay tumagal ng dalawang oras pero parang minuto lamang sa kanya dahil ang oras ay mabilis na nawawala kapag ang iyong ginagawa ay bukal sa iyong puso.

Isa-isa nang lumisan ang mga empleyado sa gusali at nang si Amy na lamang ang natira, muli niyang pinagmasdan ang lugar na ito at saka tuluyang isinarado ang pinto at nagtungo sa parking lot. Pero ito ay iniwan niyang hindi naka padlock.

Alas-otso na ng gabi nang narating na ni Amy ang kanyang sasakyan sa may parking lot. Tumingin siya sa kalangitan at saka niya natanaw ang isang napakaliwanag na bituin na halos nagbibigay liwanag sa gabi. "Mas maliwag ngayon ah." Bulong niya.
Agad siyang pumasok sa loob ng kanyang sasakyan at saka nagmaneho patungo sa lugar kung saan ay matagal na niyang hindi napupuntahan.
Habang tinatahak niya ang lugar na 'yon, napansin niya na sobrang traffic sa kabilang bahagi ng daan ngunit ang kalsada na kanyang tinatahak ngayon ay napakaluwag pa rin. Naisipan niya ring buksan ang radyo ng kanyang sasakyan at pinili niyang makinig ng balita. Ang volume ay kanyang nilakasan at isang pangkaraniwang balita na naman ang kanyang narinig.

"Oo pareng Jude. Totoo itong nakikita natin ngayon."
"Ano bang nakikita mo ngayon pareng Will?"
"Narito ako ngayon sa kahabaan ng Commonwealth Avenue at ang halos lahat ng mga sasakyan ay patungo sa Norte at ilang araw nang ganito ang takbo ng trapiko. Mas pinipili nilang magtungo sa mataas na lugar."
"Hindi rin naman natin sila masisisi pareng Will. Ganyan talaga kapag nasa oras na tayo ng kagipitan. Gagawin natin ang lahat upang maging ligtas lamang."
"Tama ka dyan. Tungkol naman sa bituin, mas nagliliwanag na to ngayon, hindi mo aakalaing gabi na dahil parang alas-kwatro pa lamang ng hapon. Mas lalong nag-panic ang buong mundo matapos mabigo ang NASA na pasabugin ang bituin na 'yon na tatama sa ating mundo sa loob na lamang ng dalawang araw."
"Hindi rin ako makapaniwala! Ilang beses na nating sinubukang basabugin yan ngutin sa sobrang laki niya ay walang kahit anong klasi ng armas ang umubra sa kanya."
"Siguro ang kailangan na lamang natin gawin ngayon ay magdasal at..."
At biglang pinatay ni Amy ang kanyang radyo. "Alam ko namang mamamatay na tayong lahat. Hindi niyo na kailangang ulit-ulitin pa."

SHORT STORY COLLECTION BY LEE RAFAELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon