Beneath the Light

733 10 3
                                    

YEAR: 2008
LOCATION: EAST LAKE ISLAND, PHILIPPINES

Ang East Lake Island ay isa sa pinaka-popular na lugar sa Pilipinas tuwing bakasyon. Parami ng parami ang turista na pumupunta dito dahil sa napaka gandang lugar na ito. Hindi ka mauubusan ng gagawin sa tuwing ikaw ay bibisita sa East Lake kagaya ng swimming, Bar Hoppings at kung ano-ano pa. At nang dahil sa East Lake Island. Ang lahat ng tourist destination sa buong mundo ay humihina. Tinalo pa nito ang Boracay dahil sa napaka puti at pino ng buhangin nito.

Ang East Lake Island ay matatagpuan sa Visayas (Malapit sa Leyte). Nasa Pilipinas ang lugar na ito.

Dinudumog ito ng napaka-daming tao tuwing summer, pero napaka tahimik ng lugar na ito tuwing sasapit ang buwan ng June, July, August at Semptember. Palaging umuulan at hindi nauubusan ng bagyo ang lugar na ito bawat linggo.

Nang dahil sa mga bagyong ito. Nasisira ang mga cottages, kalye, at ang mga Palm Trees. Maging ang napaka gandang isla ay napipinsala dahil dito.

At noong July 2008 ay may isang napaka laking bagyo na sumira sa halos buong East Lake Island. At sinundan ito ng napaka lakas na tsunami, nang dahil sa mga pangyayaring iyon... Halos mabura sa mapa ang East Lake Island. Napaka daming buhay din ang nawala. Mahigit sa 470 na tao ang na kumpirmang patay. At sa kasalukuyan ay may mahigit 160 parin ang nawawala. Pinaniniwalaan na lamang ng mga residente na inanod na sa dagat ang mga bangkay nito.

Wala silang ibang nagawa kundi magdasal na lamang habang umiiyak.

Kaya noong taon din na iyon ay napilitan na isara ng Lokal na Pamahalaan ang buong isla dahil sa mukhang hindi na ito mapapakinabangan. Araw-araw nalamang itong inuulan sa hindi malaman na dahilan. Tanging ang East Lake Island lamang ang binabagyo. Nagtataka ang mga Scientist dahil sa hindi nila maipaliwanag ang mga pangyayaring iyon.

Nawala ang turismo sa East Lake Island. Nalulungkot ang lahat ng residente sa isla na iyon dahil sila ay nag hirap matapos isara ang isla sa mga turista. Pero hindi sila nawalan ng pag-asa. Nag tulong tulong silang lahat upang maibalik sa dating ganda ang isla na iyon. Nilinis nila ang buong isla at muli silang nabuhayan ng loob.

Hindi sila nabigo at muling binuksan ang East Lake Island noong 2010. Bumalik na din sa dati ang lahat.

---

At noong May 2012 ay siniira ng East Lake Island ang World Record na may pinaka maraming turistang bumisita sa lugar na iyon. Mahigit 140 Thousand tourist ang bumisita sa lugar na iyon sa loob ng dalawang buwan.

Nang dahil doon. Muling umunlad ang ekonomiya ng Pilipinas. Dumami ang trabaho at mas nakilala ang East Lake Island sa buong mundo.

Noong July 2013 ay nagulat ang buong residente ng East Lake Island. Wala nang bagyo na dumadating sa kanilang isla. Ngayon lang ito muling nangyari pagkatapos ng mahigit 7 Years. Maaliwalas ang kalangitan at napaka init parin ng lugar na iyon. Napakasaya ng lahat ng tao sa East Lake Island. Pero isang gabi ay may kakaibang nangyari...

Isang lalaki ang natagpuang naka bigti sa ilalim ang puno. Siya si Dr. Carlo Suarez. Isa siyang scientist na nag-aaral ng mga bagyo sa East Lake Island kada taon. Pero ngayon ay patay na siya. Sa isang linggo sana ay dapat sasabihin na niya ang tunay na explenasyon kung bakit tanging East Lake Island lamang ang binabagyo sa buong Visayas. Pero hindi na mangyayari iyon.

Walang naka alam ng tunay na dahilan kung bakit siya nag-bigti. Ang kanyang mga braso ay may bakas ng lubid at ito ay namumula. Nagtataka tuloy ang lahat ng residente na hindi nagpakamatay ang doktor. Maaaring iba pang dahilan kung bakit siya namatay.

Pagkatapos ng malagim na pangyayaring iyon ay pinilit na lamang ng mga residente na hindi na ito malaman ng Media. Itinago na lamang nila ang pangyayaring iyon upang hindi matakot ang mga turista na pupunta sa kanilang isla.

SHORT STORY COLLECTION BY LEE RAFAELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon