PROLOGUE

4.1K 88 41
                                    

SANA WOKES UP that morning feeling so happy. It's a special day for her tomorrow so she needs to prepare and cook special foods for her boyfriend, Felix. Especially his favorite foods.

Kinikilig na bumangon siya sa kanyamg higaan na kumakanta-kanta pa. Ni hindi na siya tumingin pa sa harapan ng salamin upang tingnan ang ayos niya. Pagkatapos niyang ayusin ang kanyang higaan ay nagpasya siyang lumabas agad ng kanyang kwarto at dumiretso na sa likod ng bahay nila kung saan naroon ang kusina at hapag-kainan.

"Good morning mahal na araw! Good morning mga puno at bulaklak! Good morning sa inyong lahat!" She greeted the sun to the trees and all the things that surrounds her.

Narinig niyang parang may nabasag sa bandang likuran niya kaya napalingon siya at nakita ang kanyang maganda at matalik na kaibigan na si Elaine na nanlalaki ang mata dahil sa takot kaya't napakunot ang noo niya.

"W-white lady! Ah!" Nagsisigaw ito sa takot kaya dali-daling nilapitan niya ito at sinabunutan. "Aray! Ngayon ko lang nalaman na may white lady pa lang nananabunot! Grabe ka naman!" Hinimas-himas pa nito ang ulo na parang ininda ang sakit nang pagkakasabunot niya.

"Ang oa mo naman kasi. Ako lang 'to, si Sana. Na kaibigan mo. Na mahal na mahal ka kahit alam kong hindi ka niya mahal." Biro niya kay Elaine na may kahalong panunukso.

Napasimangot naman ito at piningot ang kanyang ilong. "Grabe ka naman bes. Namimersonal kana e." Reklamo nito.

And Sana can't help but chuckled. "Ikaw naman kasi, move on na. Hindi kana naaalala no'n. Naghahanap ka lang ng paraan e para mas lalo kang masaktan."

Nangalumbaba si Elaine sa upuan. "Wala namang masama kung aasa ako di ba?" Malungkot na ngayon ang tabas ng mukha nito pero nang maupo siya sa harap nito ay napasimangot itong bigla. "Pwede ba bes? Magsuklay ka nga pagkagising mo. Tapos huwag kang magsusuot ng parehong puting damit. Eh sa sobrang puti ng kutis mo at sobrang itim ng buhok mo, palagi kang napagkakamalang white lady e. Muntik na akong atakehin sayo e!"

She looked at her flatly. "Inatake ka ba?"

"Hindi." Anito.

"O eh di wag kang magreklamo. Tsaka, kasalanan ko ba kung para akong nakalunok ng maraming gluta sa katawan?" Tumayo na siya at tinungo ang lalagyan ng mga tasa. Kumuha siya ng dalawang tasa dahil nabasag ni Elaine ang tasang dala nito. "Oi bes, anong sayo, gatas o kape?"

"Alam mo na yon. As if naman may magbabago sa panlasa ko. Syempre kape—" nakangisi nitong turan sa kanya.

"—na may gatas." Pagtatapos niya at nag-appear pa silang dalawa. Siya naman ay nagtimpla ng gatas dahil ayaw na ayaw ng tatay niya na umiinom siya ng kape simula't sapol hanggang sa ngayon na dalaga na siya. Ganun siya alagaan ng tatay niya.

And right from where she's standing. She can see the back of his father on their rice fields. His father is putting some natural pesticides to kill the insects that affects the growth of the rice plants.

"Good morning Paps!" Sigaw niya sa kanyang ama na alam niyang narinig ang sigaw niya dahil lumingon ito sa lugar kung saan naroon sila ni Elaine at winagayway nito ang kamay upang batiin siya, kaya't gumanti rin siya ng kaway sa kanyang ama, ganun din si Elaine.

"Paps" ang tawag niya dito dahil iyon ang gusto nitong itawag niya rito simula nung bata pa siya. And she wants her father to be happy so she just let it be.

Kayumanggi ang kulay ng balat ng kanyang ama. At sinabi nito sa kanya na manang-mana daw siya sa kanyang ina dahil katulad niya, ay maputi din ito masyado. Kapag nabibilad siya sa araw ay mamula-mula ang kanyang kutis ngunit, kahit yata maligo siya ng dagat o pumunta pa man sa bukid at magbilad sa araw, hindi nasusunog ang balat niya.

𝐻𝑀𝑆2: ℳ𝒶𝓍𝒾𝓂ℴ ℳℴ𝓃𝓉ℯ𝓋ℯ𝓇𝒹ℯ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon