CHAPTER 21

2.1K 77 26
                                    

FURY. Yeah, that's what she can see now in his set of dark green eyes. Ako dapat ang galit sa kanya, 'di ba?

But she can't understand why it's the other way around.

"Anong—"

"Why did you leave?" madiin nitong tanong sa kanya.

Kumunot ang noo niya sa tanong nito, "ano?"

"Ang sabi ko, bakit ka umalis? Bakit umalis ka sa condo 'natin'? Bakit iniwan mo ako, huh?!"

She closed her eyes, but then as soon as she opened it, she snapped, "gago ka ba?! Pagkatapos mo akong lokohin, pupunta-punta ka rito?! Ang kapal din naman ng pagmumukha mo noh? 'Tapos ngayon ikaw pa ang galit? Huh? Huh?!"

Hindi niya mapigilan ang sarili sa mga sandaling ito. Talagang nasagad ng kanyang asawa ang kanyang pasensya.

After realizing her actions, she massaged her tummy right away. Sorry baby... Hindi sinasadya ni mama. Itong papa mo kasi, ang kapal lang ng mukha. Siya pa ang galit ngayon dahil sa pag-alis ko, eh kung tutuusin nga, mas dapat pa siyang maging masaya. Wala na tayong hahadlang sa pagsasama nila ng kaparehas niyang makapal din ang mukha. Hmmp! Ayoko isipin pagmumukha no'n, mahirap na at mapaglihian ko pa. Ew!

She's not the type of woman who easily gets mad. But well, yeah, it depends on a person she's dealing with. And she can't take it anymore. She doesn't want to keep silent. Tutal nandirito na ang magaling niyang asawa, kaharap niya mismo, kaya ilalabas niya na lahat ng kanyang hinaing.

"Niloko? Wait— paano mo nasabi 'yan? W-wait, babe? I did not cheat on you. And I won't do that. Cross my heart—"

"Mamatay ka man?" sansala niya rito.

Biglang natameme ang kanyang asawa, pero sandaling-sandali lang iyon.

"'Wag naman gano'n babe. Kung mamamatay ako, eh di wala ka ng gwapo at masarap na asawa. Sayang ang lahi ko kung 'di natin maipapalaganap 'di ba?" he grinned.

Pinaningkitan niya lang ito ng mga mata. Magsisimula kana nga sa pagpapalaganap eh! "Che! Huwag mo akong kausapin, at umalis kana rito. Ayokong makita 'yang pagmumukha mo. Magsama kayo ng Felix mo!"

Hindi niya alam kung bakit ganito ang nararamdaman niya. Bigla na lang siyang nainis kay Maximo, lalo na nang ngumisi ito sa kanya. At para ring hinahalukay ang kanyang sikmura. Nasusuka siya.

"Oh yeah, about that. We have to talk about him. And please babe— you have to listen to me... please?" pagsusumamo nito.

Tinaasan niya naman ito ng kilay, "at bakit naman ako makikinig sa'yo aber? Eh 'di ba, biglang-bigla kana lang nagbago pagkatapos no'ng gabing a-ano... u-uhm, nag-ano tayo."

She can see it in his face. He's just hiding his mischievous smile, "pagkatapos ng ano?"

"A-ano... K-kuwan... Ah basta! 'Yon na yon,"

"After the whole night of making love? Hmm, babe? Is that it?"

She blushed. She can't help but to remember that moment where they made love all through the night. And she's sure of it that that's the night where she and her husband made their baby. Tuloy, mas lalo lamang siyang nabubwesit sa asawa.

She 'shhh' him. "O siya, siya. Mabuti pa'ng simulan mo na ang dapat mong simulan, nang sa gano'n ay makaalis kana rito—teka, papano mo nga pala nalaman kung nasaan ako?"

He smirked, "well... As what they say. If there's a will? Then there's a way."

"Eh di ikaw na." Hindi niya mapigilang pagsusungit sa asawa.

𝐻𝑀𝑆2: ℳ𝒶𝓍𝒾𝓂ℴ ℳℴ𝓃𝓉ℯ𝓋ℯ𝓇𝒹ℯ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon