"CONGRATULATIONS misis, you're two weeks pregnant!"
Kahit may hinala na siyang nagdadalang-tao nga siya, ay parang bomba pa rin iyong sumabog sa mukha niya.
Buntis nga ako...
Hindi pa masyadong napoproseso sa isipan niya ang kanyang pagbubuntis, pero nang madako ang kanyang kamay sa impis pa niyang tiyan ay bigla siyang binalot ng galak, at nag-unahan sa pagpatak ang kanyang mga luha.
Max... magkaka-baby na tayo.
Nang maisip niya ang kanyang asawa ay naramdaman niya ang pagbara ng kanyang lalamunan, at bigla na lang siyang napatutop ng bibig dahil ang kanyang pag-iyak ay naging hagulhol na.
"T-teka ija— huminahon ka. Hindi ka ba masaya?" Natatarantang tanong sa kanya ng doktora.
"M-masaya po d-doktora. S-sobrang saya ko p-po."
She did her best to stop herself from crying and be calm. Hindi makabubuti sa kanyang magiging anak kung magiging ganito siya. Maapektuhan ito kapag hindi siya maging maingat sa kanyang sarili.
I'm sorry anak. Mahal ka ni mama. Pagkausap niya sa munting anghel na nasa sinapupunan niya.
Mahirap. Pero kakayanin niya. Wala naman na sigurong pakialam ang kanyang asawa kung magkakaroon naman na sila ng anak, at sa palagay niya ay hinding-hindi niya na ito makikita pa'ng muli.
"Kailangan mas pag-ingatan mo ang sarili mo. Medyo mahina ang kapit ng bata kaya iwasan mo ang mga mabibigat na gawain— kung mayroon man, at syempre, iwasan mo ang stress," payo ng doktora sa kanya.
Tipid naman siyang ngumiti rito, "yes po doktora."
"At kung maaari lamang ija. Bawas-bawasan niyo muna ni mister ang pagsisiping. Alam mo naman na nakakapagod din iyon kahit na nga nakahiga ka lang," humagikhik pa ito.
Walang mangyayaring gano'n doktora dahil wala na kami ng asawa ko. Anang isip niya pero hindi niya iyon isinatinig dito. Bagkus ay tumango na lang siya, tanda ng pag-sang-ayon niya sa mga payo nito.
Before she leave the clinic, her ob-gyn prescribed vitamins for her and also milk that she will intake everyday. And she's glad that she can put the milk on her food if she can't drink it, because there are times that she hate the smell of it. Siya na mahilig sa gatas noon, ay inaayawan na ang gatas ngayon. But she'll follow the doctor's prescription. For her, and her unborn child.
PAGKATAPOS niyang bilhin ang mga bagay na inireseta sa kanya ng doktor ay humanap siya ng masasakyang tricycle. And when she found one, she told the driver to drop her at the side of the road.
Dahil maaliwalas ang panahon kung kaya ipinagpasya niya munang maglakad-lakad nang sa ganun ay makapag-isip-isip siya.
She knows that she can't hide it to her father— and she's not planning to do it even. But she has to make the announcement to him in his good mood. And she's hoping that her father will accept her and her baby.
Hinaplos niya ang kanyang impis pa'ng tiyan. Manalig tayo anak na matanggap ng lolo mo ang ating sitwasyon ngayon. Dahil sa ngayon, hindi ko alam ang gagawin kung wala ang lolo mo.
Napag-isip-isip niyang sabihin na sa ama ang totoong nangyari sa kanya sa siyudad.
Her father needs to know the truth.
Nang akmang tatawid na siya sa kabilang daan ay biglang may humarurot na isang itim at magarang sasakyan na siyang naging dahilan ng kanyang pagkatumba.
Mabuti na lamang at madamong bahagi ng daan siya natumba at hindi mismo sa semento. Pero kahit gano'n pa man ay nakaramdam pa rin siya ng kaunting kirot, kaya hindi niya muna pinilit ang sarili na tumayo agad.
BINABASA MO ANG
𝐻𝑀𝑆2: ℳ𝒶𝓍𝒾𝓂ℴ ℳℴ𝓃𝓉ℯ𝓋ℯ𝓇𝒹ℯ♡
RomanceSana is happy with the simple life she's living in. She has a father who is very loving to her, and a boyfriend who treats her so dearly. Too much respect was shown to her by her boyfriend and in their two years of being in a relationship, he never...