"ANONG ginagawa mo rito?" She asked Felix. Gustong-gusto niyang mag-angat ng kilay pero pinigilan niya ang kanyang sarili. Kahit papano ay naging isang mabuting kasintahan ito sa kanya, pero hindi niyon maitatanggi ang katotohanang nagsinungaling pa rin ito sa kanya sa mahabang panahon.
Tumikhim ito, "how about you, Sana? Bakit nandito ka sa bahay ni Maximo— err Maxine?"
Natahimik siya sa tanong nito. Kilala niya ang asawa ko?
"Babe?" untag sa kanya ng asawa niya. Hindi niya namalayan na nasa likuran niya na pala ito at naramdaman niya ang pagyapos nito mula sa kanya mula sa likuran. "Nagising akong wala kana sa tabi ko, kaya hinanap kita agad," he whispered. Her husband didn't notice the presence of the visitor outside, yet. He's leaning on her shoulder facing her neck, that's why. Tumikhim ang kanyang magaling na ex kaya napalingon dito ang kanyang asawa. "Whoa. Felix?" tumango naman ang kaharap. "Wow. What a surprise!"
Felix straightened his face, "yeah, it's really a surprise," he snorted while looking at her.
Ngumiti naman ang asawa niya. Hindi nito alintana ang pasarkasmong pagsagot ni Felix dito.
"Come in, come in." Pag-aaya rito ng asawa niya na kaagad namang pinaunlakan nito. "I'm happy to see you," anang asawa niya habang patungo sila sa salas ng condo unit. Nang makaupo na ang mga ito, nagpaalam namana siya saglit upang muling balikan ang kanyang niluluto na naiwan niya nang binuksan niya ang pintuan sa pag-aakalang si Elaine na ang kanyang panauhin. Ex ko lang pala. Hay naku. Pero teka— parang kilalang-kilala niya ang asawa ko ah? Tanong niya sa kanyang isipan.
Nang matapos na siyang magluto ay inayos niya naman ang hapag-kainan. Mukhang makakasama pa nila si Felix sa kanilang pag-aalmusal.
She doesn't know how to act in front of his ex. Yes, she can feel a little awkwardness towards him, but she can't remember her feelings for him anymore. How she showed her care for him. How she gave him most of her time. How she thought that Felix was the one for her. How she was used to being so deeply in love with him. That's all in the past. And yes, she won't treasure that "katangahan" moments with him. Ni hindi sumagi sa isipan niya na isang bakla pala ito, kahit na nga minsan, sinasabi sa kanya ni Elaine na masyadong malambot ang kilos ni Felix. Minsan nasabi rin ni Elaine sa kanya na mas babae pa raw kumilos si Felix kumpara sa kanila ng matalik niyang kaibigan. Pero ang lahat ng iyon ay binalewala niya lang sa pag-aakalang, natural lang dito ang maging gano'n.
Nagkibit-balikat siya. "Bakit ko nga ba inaalala ang nakaraan? Eh, nakaraan na 'yon eh. Ang mahalaga ngayon ay kami ni Maximo... Kami ng asawa ko."
The truth is, she's so afraid that she might be just dreaming about it. And then one day, she'll wake up feelin' so empty. Ayaw niya nang maranasan iyon. Dahil sa ayaw man niya't sa hindi, nakapasok na ang kanyang asawa sa kanyang puso. Natatakot siya na baka magising din ito mula sa panaginip at bigla na lang umayaw sa kanya dahil mas gusto pa rin nito ang isang lalaki.
"Babe."
Nabitawan niya ang hawak-hawak niyang sandok nang basta na lamang sumulpot sa kanyang harapan ang asawa. Napasimangot tuloy siya dahil sa panggugulat nito sa kanya, "bakit bigla-bigla ka lang sumusulpot? Aatakehin ako nang dahil sa'yo eh," katwiran niya.
Kaagad naman siyang nilapitan nito at niyakap. Kapagkuwa'y nilagyan nito ng puwang ang pagitan nila, at masuyong sinapo nito ang kanyang mukha. Hindi niya tuloy maiwasang hindi kiligin dahil lang sa mga simpling ginagawa nito sa kanya.
"I'm sorry..." he uttered. "But I did that because you were spacing out, babe."
Napabuntong-hininga siya, "sorry. A-ahm i-iniisip ko lang kasi si Elaine. Ang tagal niya kasi. Baka naligaw na 'yon," she slightly lied at him.
BINABASA MO ANG
𝐻𝑀𝑆2: ℳ𝒶𝓍𝒾𝓂ℴ ℳℴ𝓃𝓉ℯ𝓋ℯ𝓇𝒹ℯ♡
RomantizmSana is happy with the simple life she's living in. She has a father who is very loving to her, and a boyfriend who treats her so dearly. Too much respect was shown to her by her boyfriend and in their two years of being in a relationship, he never...