CHAPTER 22

1.8K 68 16
                                    

CHAPTER 22

PARANG may dumaang isang anghel at hindi nakaimik ang dalawang lalaki sa apat na sulok ng kusinang iyon. At ang kaninang pagkunot ng noo niya ay napalitan ng pagtikwas ng kanyang kilay.

"Ano? Bakit 'di kayo makaimik? Walang may gustong sumagot sa inyong dalawa, huh?"

Naku, ang aga-aga at nakakadama na siya ng pagkabwesit sa asawa. Bigla pa'ng kumalam ang kanyang sikmura, kaya mas lalong nadaragdagan ang pagkairita niya.

Dali-dali namang lumapit sa kanya si Maximo. "Babe, it's not what you think it is."

Kung may mas ititikwas pa ang kilay niya ay iyon ang nangyayari sa kanya ngayon.

"Bakit? Alam mo ba kung ano ang iniisip ko? Alam mo? Manghuhula ka? Huh? Huh?" Gigil mo ako eh!

"Babe... K-kumalma ka lang."

Inirapan niya ito, at masamang tinitigan ang kanyang ama na mahahalatang may takot din sa tabas ng mukha.

"N-nakakatakot ka n-naman anak," kabadong anito.

"Nagugutom ako. Pakainin niyo muna ako, at mamaya tayo magtuos," she said.

Dali-dali namang naging alerto si Maximo, at pinagsilbihan siya. Inilatag nito sa hindi kalakihang mesa nila ang sangkatutak na pagkain, at talagang nagulat siya.

"T-teka— may okasyon ba ngayon?" Takang tanong niya.

He smiled so widely and then softly caress her cheek. "Wala namang okasyon babe— oh wait, meron pala. Your pregnancy!"

Kaagad na bumadha sa kanyang mukha ang kaba at pagkaputla, at nabaling ang kanyang tingin sa kanyang ama.

"P-paps... uhm, s-sabihin ko naman eh. N-naghahanap lang ako ng t-tyempo." Ngayon siya naman ang hindi halos makapag-salita. Para siyang isang tigre na nang masukol ay naging isang kuting na lang.

Napakamot lang sa batok nito ang kanyang ama, at maya-maya pa ay napangiti ng malapad, hanggang sa ang ngiting iyon ay napalitan ng halakhak. Kaya ang pagkunot ng noo niya ay naburang bigla dahil sa nakikitang kasiyahan sa mukha ng kanyang ama.

Dahan-dahang lumapit sa kanya ang kanyang ama, at binigyan siya ng isang masuyong yakap.

"Masaya ako para sa'yo anak. Para sa inyo ni Maximo. Alam kong magiging isang mabuting ina ka sa anak mo, syempre ako ang nagpalaki sa'yo eh, kaya alam ko ang kakayahan mo..."

She can't help but to be so emotional today. She hugged her father back with teary eyes. "Thank you, Paps. Akala ko talaga magagalit ka."

Her father just chuckled, "magagalit talaga ako, kung hindi mo asawa itong si Maximo. Pero s'ya, kumain na muna tayo, at alam naming gutom kana. Mamaya na natin pag-uusapan ang tungkol sa mga nasaksihan mo. Hindi naman 'yon masama anak. Para naman 'yon sa'yo."

SHE doesn't know what to say right now. Pagkatapos niyang malaman mula sa kanyang ama na ang kanyang asawa ang tumubos ng kanilang lupain mula sa pagkakasanla sa bangko ay nananatiling tikom ang kanyang bibig. She can't utter even a single word. She was hit by the bomb, but instead of killin' her, it gives her overflowing emotions. She knows it, saying "thank you" is not enough, but, she knows her husband better, he's okay with a single "thank you" from her. Oh Maximo...

"P-paano mo naman nalaman ang tungkol sa malaking problema ko na 'yan?"

Iyon ang katagang lumabas sa kanyang bibig nang makahuma siya.

He grinned, "I'm a Monteverde my wife. You know what I can do."

"Pinaimbestigahan mo ako?" kunot-noong tanong niya.

𝐻𝑀𝑆2: ℳ𝒶𝓍𝒾𝓂ℴ ℳℴ𝓃𝓉ℯ𝓋ℯ𝓇𝒹ℯ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon