SANA SMILED when she remembered her dream last night. Nakapikit pa rin ang kanyang mga mata habang nagbabalik-tanaw sa kanyang magandang panaginip kagabi. Ikinasal na raw silang dalawa ni Maximo, at naging saksi ang kuya Daniel nito sa kanilang pag-iisang dibdib. At mas lalo pa'ng lumawak ang kanyang ngiti nang madama ang isang mainit na bagay na nakayakap sa kanya.
Nang maramdaman niyang bahagyang gumalaw ang bagay na iyon ay biglang napamulat ang kanyang mga mata, at napabangon siya ng wala sa oras.
"Urgh..." ungol niya nang dumaan ang matinding pagkirot ng kanyang sentido.
Nilingon niya ang katabi at literal na nanlaki ang kanyang mga mata nang mapagtantong si Maximo ang mainit na bagay na nakayakap sa kanya.
Muling kumirot ang sentido niya at wala sa sariling hinawakan niya iyon at minasa-masahe. Ngunit, nahinto rin siya nang mapansin sa kanyang daliri ang isang bagay na kumikinang.
"Isang... singsing?"
Takang-taka siya kung bakit may suot-suot siyang gano'n gayong wala siyang maalalang may suot siyang singsing kahapon sa kasal.
Gumalaw si Maximo sa pagkakahiga nito, at iniyakap nito ang kanang bisig sa kanyang bewang. And her eyes widened when she saw the similar ring in his finger.
"H-hindi... Panaginip ko lang 'yon." She closed her eyes as she tried to remember what happened last night.
Ang natatandaan niya ay inaya siya ng kuya Daniel ni Maximo upang uminom. Pero— "isang shot lang 'yon, 'di ba?" nalilitong tanong niya. "Shit naman! Bakit wala akong masyadong matandaan?"
"You're cursing."
Bigla siyang napalingon sa kanyang katabi na mukhang kagigising pa lang pero matiim nang nakatitig sa kanya. Hindi niya tuloy alam kung saan ibabaling ang mukha niya. Nakahubad-baro kasi ang kanyang katabi, at natatakam siya sa pandesal nito. Hoy Sana! Umayos ka! Kastigo niya sa kanyang sarili.
"M-magdamit ka nga sir." At nautal ka pa talaga ha?
Maximo just grinned, "ayoko nga. Sabihin mo munang kailangan mo ako. Na hindi ka mabubuhay ng wala ako."
She looked at him as if he was not in his own mind right now. Sinalat niya rin ang noo nito ngunit wala naman itong lagnat. Isa lang ang maaaring sanhi kung bakit ganoon ang iginagawi nito.
"S-sir? Lasing ka pa ba?"
After she asked him that question, he looked at her flatly, "oo. Lasing ako. Nalasing ako nang dahil sa pag-ibig ko sa'yo, ayie." Saka ito napahagalpak ng tawa.
Siya naman ay tiningnan lang ito. Sa tingin niya, kailangan na nitong magkape, kaya'y tumayo na siya sa kama. Bago siya umalis ay tiningnan niya muna ito na ngayon ay seryoso nang nakatingin sa kanya, ngunit mababanaag sa mukha nito ang pagka-aliw.
"Ipagtitimpla muna kita ng kape. Mukhang kailangan mo 'yon," aniya rito.
He snorted, "yeah right."
Hindi niya na lang ito pinansin at saka tinungo niya na ang pintuan ng silid upang lumabas at pumunta ng kusina. Alam na naman niya ang pasikot-sikot ng mansiyon ng mga Monteverde. Kahit papano ay nakapagtrabaho siya ng mga ilang araw dito. Pipihitin niya na sana ang seradura ng tawagin siya ng kanyang butihing amo, kaya naman nilingon niya ito at kunot-noong tinanong, "ano?"
He smiled at her. Showing his set of white teeth. "Good morning... my wife."
Imbes na mabigla sa sinabi nito ay ipinagsawalang bahala niya na lang iyon. At tuluyan na siyang lumabas ng pintuan. "Kailangan niya na nga ng kape." Tanging nasabi niya.
BINABASA MO ANG
𝐻𝑀𝑆2: ℳ𝒶𝓍𝒾𝓂ℴ ℳℴ𝓃𝓉ℯ𝓋ℯ𝓇𝒹ℯ♡
RomanceSana is happy with the simple life she's living in. She has a father who is very loving to her, and a boyfriend who treats her so dearly. Too much respect was shown to her by her boyfriend and in their two years of being in a relationship, he never...