CHAPTER 12

2.2K 79 45
                                    

"What?!" He asked in an irritated way. Sinadya niyang makita nitong naiinis siya rito dahil sa pang-iistorbo nito sa kanilang dalawa ni Sana. Makakatikim na ako ng sunflower eh! Bruhong 'to. Istorbo. Usal niya sa kanyang isipan.

His kuya Daniel just laugh at him. "Whoah, whoah, whoah. Chill, okay? I'm not the villain in here."

Hindi niya tuloy maiwasang taasan ito ng kilay, "chill my ass. Istorbo ka kuya eh. Wala ka ba'ng love life?" Natigilan si Daniel sa itinanong niya, at bahagyang nag-iba ang awra nito. Oops, mukhang mali ang naging tanong ko. "Sorry."

Tipid itong ngumiti sa kanya ngunit hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagdaan ng kung anong lungkot sa mga mata nito at kapagkuwa'y galit. Hindi niya akalaing makikita ang mga emosyong iyon sa mukha nito. He doesn't know him that much and so he can't just judge him or what. Nagsisi tuloy talaga siya nang masabi niya ang mga iyon dito.

"Well, as I was saying. We have to talk for an important matter. I think we can talk about it on my office. Ahm... is it okay for you?"

He smiled at him, "yah sure. Pwede bang mauna kana lang sa office mo kuya? Katabi lang iyon ng kwarto mo rito 'di ba?"

"Oo. You know the way there bro." Pagkasabi niyon ay tumalikod na ito sa kanya at nagsimulang maglakad patungo sa silid nito na nasa dulo ng ikalawang palapag. "I'll wait for you, Maximo," pahabol pa nito. Hindi pa malayo ang nahahakbang nito nang humarap ito sa kanya, "and don't make me wait for too long. Ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat ay ang pinaghihintay ako. My time is precious, my dear brother."

Sumaludo siya sa nakatatandang kapatid, "masusunod kamahalan," he smirked.

"Tsk." Iyon lang at deritso na siya nitong tinalikuran at tinahak ng kuya Daniel niya ang daan patungo sa office nito sa kanilang mansiyon.

Hindi niya tuloy maiwasang mag-isip kung nagkakaroon pa ba ito ng 'night life' dahil halos gugulin na nito ang sarili sa pagtatrabaho sa kompanya. Siya nga na nagpaplanong magpatayo ng branch ng La Maximo ay nahihirapan na sapagkat marami ang papeles na dapat asikasohin, ito pa kaya na buong kompanya ng mga Monteverde ang pinamamahalaan, at pati na rin ang iba pang negosyo sa ibang bansa. 'Sana lang hindi tumandang binata si kuya. Sayang naman ang lahi niya kapag hindi niya mapakinabangan iyon.' Anang isipan niya kasabay ng kanyang paghugot ng malalim na hininga.

Pumasok na siya ulit sa kanilang silid, ngunit napatda siya nang masilayan ang asawang mahimbing nang natutulog. Bahagya pa'ng nakaawang ang mga labi nito, at nakayakap sa kanyang unan. He can't help but chuckled when he heard a snoring sound from his beautiful wife.

"Cute," he uttered.

Nilapitan niya ito at inayos ang kumot na nasa paanan ng kanyang asawa. Hindi niya mapigilang mapatitig sa kagandahan nito. For him, his wife is simply amazing. Simply beautiful! Iyong tipong kahit walang gawin sa sarili ay sumisigaw na ng kagandahan. Iyong kahit gaano mo pa katagal na tingnan ay mas lalo lang na gumaganda sa iyong paningin. Iyon para sa kanya ang asawa. Hindi niya mapigilang itanong sa sarili, kung bakit napakaputi nito at napakakinis ng kutis. Pero alam niyang natural na natural lang iyon. Baka ipinaglihi siya sa gluta ng kanyang ina? Hindi niya tuloy maiwasang mag-isip ng ganun, dahil talagang humahanga siya sa pisikal na anyo ng asawa.

"Bruha ka, ang ganda-ganda mo talaga. Kaya siguro gano'n na lang kita ka-bet no'ng una tayong nagkita. I hired you as my maid because I seem to like you... At sa totoo lang, wala akong makapang pagsisisi na ibinigay ko sa'yo ang pangalan ko. Na, pinakasalan kita kahit na nga lasing ka lang no'ng umuo ka sa aking magpakasal. Sana lang ingatan mo ang puso ko. Dahil pagdating sa'yo... marupok ako," usal niya rito.

—•❀❀❀•—

Naalimpungatan si Sana dahil sa matinding pagkulog at pagkidlat nang paulit-ulit. Kinapa niya sa kanyang tabi ang asawa ngunit wala ito sa espasyo nito kaya dahan-dahan siyang bumangon.

𝐻𝑀𝑆2: ℳ𝒶𝓍𝒾𝓂ℴ ℳℴ𝓃𝓉ℯ𝓋ℯ𝓇𝒹ℯ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon