CHAPTER 11

2.2K 90 58
                                    

CHAPTER 11


Sana smiled when she saw her husband gave his mother a tight hug. Kasalukuyan silang nasa airport ng mga oras na iyon dahil papunta sa ibang bansa ang mga magulang ng asawa niya. Sinabi ni Maximo sa kanya kagabi na nakapagdesisyon ang ama nitong pumunta sa ibang bansa upang doon ay mas masuri pa ng mga doktor ang kalagayan ng ina nito.

Kunsabagay, hindi rin naging madali ang lahat para sa ina nito, dahil ilang beses itong naaksidente lalo na kapag bumabalik ito sa hacienda. Ngunit nalaman din ng mga Monteverde kinalaunan ang puno't dulo ng lahat.

Ang alam niya sa ngayon ay pinaghahanap na ng mga awtoridad ang salarin.

"Maximo, hindi mo ba yayakapin ang papa mo?" Tanong dito ni mama Mercedes.

Napalingon siya sa tinurang iyon ng ina nito. Pero mukhang walang narinig ang asawa niya at sa halip na yumakap ito sa ama ay tinanguan lang nito ang huli.

Halata sa mga kilos nito na dumidistansya ito sa ama nito. Hindi pa siguro nito napapatawad ang ama at napapansin niya iyon.

"Ingat kayo 'ma. At huwag niyo pong pababayaan ang sarili niyo habang naroroon kayo at nagpapagamot," malumanay nitong usal sa ina. Ni hindi man lang nito tinapunan ng tingin ang amang malungkot na nakatitig dito.

Napabuntong-hininga na lang siya. Naaawa siya sa ama nito, kasi kung tutuusin, nakikita naman niyang ginagawa ng don ang lahat para makabawi pero sadyang mailap itong asawa niya.

"Ingat kayo parents. Susunod naman ako agad do'n. May asikasohin lang ako rito," anang kuya Daniel ni Maximo.

Tipid na ngumiti si Don Fabian, "okay son."

"Sorry papa, mama. Hindi ako makakasunod sa inyo. Maselan kasi ang pagbubuntis ni Maria, at ayaw ko naman siyang iwanan dito. Mas gusto ko pa ring kasama niya ako araw-araw." Pagkasabi niyon ay masuyong kinabig nito ang asawa, at hinalikan nito sa noo. Sana all sweet.

Pero sweet din naman si Maximo sa kanya. But most of the time, he likes teasing her. And it's okay to her. As long as she can give him happiness. As long as she can see his happy face. A really happy face. She will let him tease her even for a lifetime.

Kahit pa forever, char! Kinikilig na turan niya sa kanyang isipan.

Nang makaalis na ang mga magulang nito ay nagpasya na silang agad na umuwi na sa mansiyon. Hindi nila kasama ang mga kuya ni Maximo dahil pare-pareho ang mga itong may importanting gagawin. Well, Damian and Maria are still on their honeymoon, but it's not that far from San Sebastian. Maselan kasi ang pagbubuntis ni Maria at hindi ito pinayagan ng doktor nito na umalis ng bansa. Habang si Daniel naman ay may importanting pupuntahan daw kaya silang dalawa na lang ni Maximo ang magkapanabay na umuwi.

Gusto niya sanang maglibot sa buong hacienda, pero hindi niya iyon sinabi kay Maximo dahil parang wala ito sa mood. Ayaw niya namang basta-basta na lamang umalis na lang dahil baka kapag hinanap siya nito ay tuluyan na itong magalit sa kanya. Kaya nahiga na lang siya sa malapad na kama at ipinasya na lang niyang matulog na lang muna dahil alas dos naman na iyon ng hapon.

"Nap time," turan niya.

She was about to close her eyes when she felt a heavy thing on top of her- a heavy handsome human rather.

"What are you doing, wife ko?" tanong nito sa kanya.

Kumunot naman ang noo niya. "Matutulog. Ikaw? Anong ginagawa mo sa ibabaw ko? Tsaka bakit nandyan ka, eh malapad naman ang ating higaan?"

𝐻𝑀𝑆2: ℳ𝒶𝓍𝒾𝓂ℴ ℳℴ𝓃𝓉ℯ𝓋ℯ𝓇𝒹ℯ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon