WATCHING the beautiful stars in the night sky. She dried her tears that keeps on streaming down her face, thinking that she messed up, and ruined everything she had with her husband.
Ang tanga ko!
"Sana hindi mo na lang sinabi sa kanya ang mga katagang iyon. Sana okay pa kayo ngayon ng asawa mo. Sana araw-araw ka pa'ng nagiging masaya habang kapiling siya. Ang tanga mo!" Kastigo niya sa kanyang sarili.
Hindi niya alam kung bakit dinaranas niya ang ganito—ngunit pagkatapos niyang amining minamahal niya ito, sa pagitan ng kanilang maiinit na sandali, ay nakita niya ang pananahimik ng kanyang kaniig. Kinabukasan no'ng nagising siya ay wala na ito sa kanyang tabi.
Buong araw niyang hinintay ang pagbabalik nito ngunit hanggang sa sumapit na lang ang gabi ay walang bulto ng asawa niya ang dumating. At hanggang sa mga sandaling ito ay hindi pa rin ito nagpapakita sa kanya.
No calls or text from him well— except for the manager of La Maximo named Dora. She's always the one who will made calls whenever her husband needs something, and she's also the one who will come to the condo unit to get those things.
Gusto niyang kutusan ang sarili dahil nagpadala siya sa bugso ng kanyang damdamin. Pero 'di naman yata makatarungan na basta na lang ito maging gano'n sa kanya.
She wiped her tears and decided to leave the unit to go to her husband's workplace. Balak niyang kausapin ito. Kung bakit naging gano'n ang pagtrato nito sa kanya. Malamig pa sa yelo. At ang lamig na iyon ay damang-dama ng bawat himaymay ng pagkatao niya.
Saktong pagbukas niya ng pintuan ay akmang mag-dodoorbell naman ang isang taong hindi niya inaasahang makikita pa'ng muli.
"Felix?" nakakunot-noo niyang tawag dito.
Felix smiled at her. Pero ang ngiti nito ay 'tila may pagkahabag. Maya-maya pa ay unti-unti itong lumuhod sa kanya.
"Sana... Patawarin mo ako. P-patawarin mo kami ni M-max... Hindi namin sinasadyang saktan ka. Hindi naman ito ang plano eh. Hindi ka dapat mahuhulog sa kanya," umiiyak na anito.
Biglang kumabog at nanikip ang kanyang dibdib. Parang ayaw niya nang malaman pa ang mga susunod na sasabihin ng kanyang ex sa kanya.
"A-ano bang s-sinasabi mo dyan ha Felix? H-hindi kita maintindihan," nauutal niyang tanong dito.
Unti-unti itong tumayo habang lumuluha pa rin. "It was not Maximo's intention to make you fall in love with him. Ang usapan namin ay makikipaglapit at makikipag-asawa siya sa'yo upang mapatunayan sa lolo at lola niya na hindi siya isang bakla. At... alam mo naman na ang hangad niya lang ay lumigaya ang kanyang ina, kaya lahat ay gagawin niya para rito. I'm sorry Sana. We're truly sorry. Patawarin mo sana si Max sa panloloko niya sayo."
Kahit nagbabadya nang tumulo ang kanyang mga luha ay hindi niya hinayaang makita nito ang mga iyon. Kahit na unti-unting napupunit ang kanyang puso ay pinapakinggan niya pa rin ang bulong nitong huwag maniwala sa dating kasintahan.
"H-hindi. Hindi... Nagsisinungaling ka lang. Nagsisinungaling ka lang!" She can't help but to shout at him.
"Go on. Believe what you want to believe. Pero magpapakasal na kami ni Maximo sa Barcelona. Because, from the very beginning, your marriage is fake. Super fake," gone is the crying Felix infront of her. Ang nakikita niya ngayon ay isang demonyong nakangisi sa kanya. "If you want to confirm it, call him. But if I were you, I wouldn't dare. Paalis na kami ngayon. At nandito lang ako para sabihin sayong makakalayas kana sa condo 'niya'" padiin na wika niya.
Pero imbes na makinig siya sa sinabi ng dating kasintahan ay hinawi niya ito at tumakbo siya palayo rito. Pupuntahan kita Maximo. Hindi ako naniniwala kay Felix. Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi niyang peke lang ang lahat. Na niloko mo lang ako. Na ginamit mo lang ako...
BINABASA MO ANG
𝐻𝑀𝑆2: ℳ𝒶𝓍𝒾𝓂ℴ ℳℴ𝓃𝓉ℯ𝓋ℯ𝓇𝒹ℯ♡
Любовные романыSana is happy with the simple life she's living in. She has a father who is very loving to her, and a boyfriend who treats her so dearly. Too much respect was shown to her by her boyfriend and in their two years of being in a relationship, he never...